IKA 5 TAON NG ARTA PATULOY ANG DIGITALISASYON

Sa pagdiriwang ng ika limang anibersaryo ng Anti Red Tape Authority (ARTA) nananatiling committed ito sa streamlining at digitalisasyon ng mga serbisyo ng gobyerno batay sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Delivery Act of 2018.

Ipinaliwanag ng kasalukuyang Director General ng ARTA, DG Ernesto Perez ang lahat ng mga accomplishments ng ahensya sa kanyang State of the ARTA Address at ito ay nakuhanan ng DZMJ Online.

ARTA at 5 full SPEED ahead to digitalization

Samantala kabilang sa mga nagbigay suporta at pagbati sa ahensya sa kanilang ika limang taon ay ang Kalihim ng Department of Budget and Management na Se Secretary Amenah Pangandaman.

DBM Secretary Amenah Pangandaman at ARTA 5th Anniversary

Nagbigay din ng kani-kanilang mga pagbati ang mga embahador buhat sa European Union na inirepresenta ni Minister Councilor Philip Dupuis; British Embassy H.E Ambassador Laure Beaufils; Israeli Ambassador H. E. Ilan Fluss; Australian Ambassador H. E Hae Kyong Yu; isang video message buhat sa Ambassador ng United states Of America H. E Marykay Carlson at ang mismong pagbati ng Pangulo ng Pilipinas H. E Ferdinand R. Marcos Jr na binasa ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Samantalang ang mga sumusunod naman ang mga Local Government Unit (LGU) na napatunayang naging compliant sa programa ng ARTA na Electronic Business One Stop Shop o (E-BOSS) sila ang mga nabibilang sa ARISE Hall of fame Awardees:

  1. City of Paranaque, kung saan ang tumanggap ay ang kanilang Majority Floor Leader Counciloy Marvin Santos; 2. Quezon City Government; 3. City of Manila; 4. Valenzuela City kung saan ang tumanggap mismo ay ang kanilang Mayor Wesley Gatchalian; 5. Muntinlupa City na si Vice Mayor Artemio Simundac; 6. Navotas City na tinanggap mismo ng kanilang Mayor John Reynald Tiangco; 7. Marikina City na tinanggap rin ng kanilang Mayor Marcy Teodoro at ang kaisa isang lungsod na nagwagi namatatagpuan sa labas ng Metro Manila 8. Lapu-lapu City na mismong tinanggap rin ng kanilang Mayor Junard “Ahong” Q. Chan. ///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk