KAMPEON NG PAGGAWA TUNGO SA PAGGAWA NG MGA BATAS

KAPWA nakapanayam ng Online news portals www.dzmjonline.net at www.diaryogtagalog.net ang isang kilalang lider manggagawa na siyang dahilan ng maraming pagtutulungan at pagkakaisa ng mga union at pangasiwaan maging sa pribado o sa pamahalaan man.

Ang kanyang hangarin na mapayapang makikitungo sa vpagitan ng union at pangasiwaan sa mga kumpanya ay nagkaroon ng positibong resulta sa mga buhay ng manggagawa kaya nga nais na niyang iakyat sa mas mataas ang kanyang hangarin para sa sektor.

Si Atty. Villamor “Ka Amor” Mostrales ang 2nd nominee ng Kapamilya ng Manggagawang Pilipino Partylist o sa madaling salita ay Kapamilya Partylist ay isang partylist. Na sumusuporta sa sektor ng paggawa at sa nakaraang panayam ayon kay Ka Amor o Kuya Amor sa kanyang mga kaibigan at malalapit na kapanalig unang naging inspirasyon ng www.dzmjonline.net ‘s kaya naging possible ang nasabing panayam ay dahil sa binitawan ni Ka Amor na salitang  nasi niya na magkaroon ng unang Pangulong Muslim ang bansa.

Pangunahin sa kanyang mga gagawin sakaling maka upo ang kanyang partylist ay ang lumikha ng batas na gagawing pambansa ang minimum wage, ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit sapagkat sa mga lalawigan umano ay mas mataas ang presyo ng pangunahing pangangailangan kaysa sa kalakhang Maynila at naa apektuhan nito ang pagdadala ng mga serbisyo at produkto.

Ang mga tao sa lalawigan ay may mas mababang income kaya hindi natin maaring maikumpara ang standard of living ng mga tao duon kumpara sa mga syudad kung kayat masasabing napaka laki ng agwat.

Ikalawang tututukan niya ay ang pangangailangan ng mga manggagawa  na magkaroon ng sariling tahanan at trabaho na tunay na may ‘ Security of Income” katumbas sa “living wage”. Dahil kadalasan ang mga manggagawa ay nakikipagbaka sa kanilang security of tenure, paliwanag ni Ka Amor maaring may security of tenure ang manggagawa o hindi siya maaring tanggalin sa trabaho ngunit kaya ba siyang buhayin ng kanyang trabaho? Kaya mas maigi ang magkaroon sila ng security of income.

Nais din nilang gawing tunay na libre ang Healthcare o “Free” for all Filipinos, lalo na sa mga senior citizen na ayon sa kanya ay napapabayaan ng pamahalaan sa kabila ng pagwawaldas ng mga ito ng salapi ng bayan.

Ginawa niyang halimbawa ang kasalukuyang “ayuda” na 500 piso buwan-buwan ay hindi sapat dahil hindi rin lahat ay nakapag a avail nito. Nais din nilang tutukan ang kalagawan ng mga guwardiya dahil ito ay isang million dollar industry ngunit ang kalagayan ng mga kawani ay dapat pahalagahan, ang kabuuan ng mga interbyu ay makikita sa ibaba.

LABOR ADVOCATE TO STATESMAN

///Abdul Malik Bin Ismail, 09262261791, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net  

-xxx-