Mga Accomplishments at kinasuhan sa huling media conference ARTA sa taong 2025

KINATATAKUTAN ngunit sinusunod, tinutularan at patuloy na nagiging magandang halimbawa ng serbisyo publiko ang Anti Red Tape Authority o ARTA sa kabila ng kakaunti lamang ang tauhan at hindi ganoon kalaki ang badyet na ibinibigay ng pambansang pamahalaan kanilang maayos na nagagawa ang kanilang mandato na gawing magaan ang pagnenegosyo at pakikipag transaksyon sa mga ahenysa ng pamahalaan.

Sa pangunguna ng kanilang Director General na si Secretary Atty Ernesto V Perez at kanyang mga opisyales at kawani patuloy nilang tinitiyak na maipapatupad ang Ease of doing business law kaakibat nito ay hindi makiki kikilan ang mga nagnanais na humingi ng serbisyo ng gobyerno gayundin ay hindi maabuso ang mamamayan na siyang pangunahing kliyente ng naturang mga kagawaran at tanggapan.

Bukod sa mga nakibahaging mga mamamahayag na dati ng nagko kober ng ARTA gaya ng DZMJ Online at ng pahayagang ito, kabilang sa mga naroon at nakibahagi ay ang ARTA IPRD, Ms Anne Dominique D Francisco ang Division Chief ng Information and Public Relation Division sa Preliminaries at Introduction ng mga nakibahaging Media Participants; nagbigay ng kanyang pagbubukas na pananalita si Atty. Sarah Marie P Lampitoc ang Head Executive Assistant ng Office of the Director General kasunod ang presentasyon ng mga accomplishement ng Anti Red tape Authority (ARTA) na si Secretary Ernesto V. Perez.

Samantala nagtanong naman ang mga media na dumalo sa executive committee members na nasa presidential table habang ang pananalita sa pagsasara ng pulong balitaan ay inihatid ni Dr Lea Grace B Salcedo ang Undersecretary ng ODDGO, naroon din si Atty Genesis Abot samantalang ang naging guro ng palatuntunan ay si Ms Yvette Balita ang Information Officer IV at ginanap ang nasabing pulong balitaan ng ahensyang tunay na nararapat itaas ang badyer ay nasa kanilang bagong tahanan sa UP-Ayala Techno Hub.