
2nd Edition RUNWAY ACEBUCHE IMAGE MODEL 2022 Crowd Favorites and well wishers
Sa lahat ng mga patimpalak sa mundo natural na may mga nagnanais na manalo at ang iba ay bumabati sa mga nananalo gayundin may mga paborito ang mga nanonood na gusto nilang manalo kaya nga nitong nakaraang August 28 2022 sa City of San Fernando sa Pampanga ang Chairman at Chief Executive Officer ng Acebuche Exchange Philippines na si Mr Kitz B. Acebuche kilala rin bilang Direk Mark Tan ay nanguna sa isa na namang milestone sa larangan ng industriya ng fashion sa bansa at ito ang 2nd Edition RUNWAY ACEBUCHE IMAGE MODEL 2022
Ang mga magagandang mukha sa lalawigan ng Pampanga at kalapit na mga bayan mula sa hilaga hanggang Zambales at Tarlac at sa timog hanggang Makati at Paranaque sa Metro Manila ang nakibahagi sa paligsahang umaasa maging bahagi sa isa sa mga kinikilalang image at ramp models ng bansa.
makikita sa video buhat sa DZMJ Online, ipinakita ng mga models ang kanilang mga kakayahan sa stage nakita ng marami ang kagandahan at kakisigan ng mga Kapampangan kabilang na ang mga miyembro ng katutubo nanagpapatunay na talagang ang “kagandahan ng ating lahi bilang Filipino ay sa pamamagitan ng ating mga pagkakaiba”.
Bukod sa Acebuche Exchange Philippines Chair and CEO Mark Tan, na nasa unahan ng lahat ng gawain kabalikat ang Head Organizer Tintin Papio at Assistant Organizer Mark Vincent Deang. Sa talumpati ni Mr. Tan nagpasalamat siya sa mga taong tumulong upang ang kanyang aktibidad ay maging matagumpay kabilang na ang mga sumusunod.
Ang nagma may ari ng Arbez Suites (Solanie Hotel) na si Mr. Jeffrey dela Cruz, Herm Tan ng Mar and Bien Salon, ang founding Chairman and CEO ng Mr and Ms Eco-tourism Philippines Mr. Darwin Abrina Bago, Ang Mayor ng City of San Fernando Pampanga Hon. Vilma Caluag kasama ang DZMJ Online at Diaryong Tagalog bilang mga kabalikat sa pamamahayag.
Pangunahing mga kontribyutor si Mannix Carancho owner and CEO ng Prestige International. Sa industriya ng fashion kagaya rin sa entertainment pareho lang ng pageantry hindi laging maayos, minsan may mga pagkakamali ngunit ang dahilan kung bakit ito tinatawag na tagumpay ay sa mga koneksyon, pagkakaibigan at mga pagtutulungan na nabubuo mula dito na nagiging daan sa mga pang matagalang relasyon na nadudulot ng kabutihan para sa lahat. ///Michael Balaguer, 09333816694, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk












