SA unang araw ng pebrero ginanap ang paglulunsad ng pambansang buwan ng sining sa taong ito 2023 sa makasaysayang Manila Metropolitan Theatre Ballroom sa ikalawang palapag. Pinasimulan ang na sabing pulong balitaan sa pamamagitan ng isang pagdarasal gamit ang audio visual presentation gayun din sa pag awit ng pambansang awit sa kaparehong paraan.
Binuksan ang nasabing pulong balitaan sa pamamagitan ng pangunang pananalita ng Executive Director ng Pambansang Komisyon ng Kultura at mga Sining (National Commission for Culture and the Arts o NCCA) Oscar Casaysay kasunod ang Rationale ng pagdiriwang ng National Arts Month ngayong tao na ipinaliwanag ni NCCA Deputy Executive Director for Administration and Support Services Marichu Tellano.
Ang mensahe sa pagbubukas ay ipinaabot ng bagong NCCA Chairman Victorino Mapa Manalo na sumagot sa tanong ng pahayagang ito (www.diaryongtagalog.net) kung suportado ba ng Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang sektor ng sining dahil wika ng bangong tagapangulo ng NCCA ay suportado sila ng administrasyon ni President Ferdinand “bongbong” Romualdez Marcos Jr. at kanyang ipinaliwanang ang mga pagtulong at pagsuporta ng Unang Ginang sa sining at kultura lalo sa bahagi ng ating Culinary and related arts.
Sinundan naman ng mga pambungad na mga statements nina Dr. Arvin Manuel Villalon na Commissioner para sa Subcommission on the Arts kung saan nakausap din ng pahayagang ito (www.diaryongtagalog.net) tungkol sa promosyon ng sining sa ating mga street performers at kanyang ipinaliwanang na nakikipagtulungan sila sa mga pamahalaang lokal dahil ang pagkalinga sa nasabing sektor ay pinakialaman na ng kagawaran ng turismo sa matagal na panahon., Dr. Cathe Desiree S. Nadal na Head ng National Committee on Architecture and Allied Arts at Butch Ibanez na Vice Head ng National Committee on Cinema.
Bago ng mga sumunod pa na nagbigay ng kani kanilang mga statements ay nagkaloob ng kanilang pagsasayaw kultutal ang grupong “Sindaw Philippines” na may temang “ani ng Sining” ang nasabing grupo rin ay nagtanghal din sa isang kapwa mahalagang pagtitipon ng PROPAK Philippines 2023 sa World Trade Center ng araw din na iyon.
kasunod ay muling mga pambungad na pananalita buhat kina Dr. Shirley Halili-Cruz ang Head ng National Committee on Dance, Niles Jordan Breis na Head ng National Committee on Literary Arts, Kaye Oyek-Daya na Vice Head ng National Committee on Visual Arts at Edward Perez na Head ng National Committee on Dramatic Arts.
Nagtanghal din ang Soprano na si Binibining Myramae Meneses na kinagiliwan ng lahat lalo ang kanyang bersyon ng awiting “leron-leron sinta”. Kasunod naman ang panauhing pandangal na si Ms. Universe Catriona Gray sa kanyang espesyal na mensahe at tumanggap din siya ng mga katanungan mula sa mga mamamahayag na nakibahagi sa nasabing pulong balitaan.
Bago ang mga panghuling pahayag ng mga opisyales ng NCCA at ang pagtatapos ay binigyan ng pagkakataon ang mga paalis ng opisyales gaya nina dating NCCA Chairman Dr. Felipe De Leon Jr. na magbigay ng kanilang munting pananalita. Nagsilbing Guro ng palatuntunan sina Kakki Teodoro at Jules Guiang ng NCCA.///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net
-30-