HERITAGE TOUR KAUGNAY NG NATIONAL HERITAGE MONTH 2026, UST, PICC at MALACANANG BINISITA, PAMANA NG LAHI

Kasunod na binisita ang Philippine International Convention Center kung saan ginanap ang mga mahalaga at makasaysayang events ng bansa at ngayong idaraos sa bansa ang Summit ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) kung saan sa labing isang ( Brunei Darussalam, Malaysia, Kingdom of Thailand, Lao Peoples Democratic Republic, Myanmar, Vietnam, Timor Leste, Indonesia, Cambodia at Singapore) miyembro ng rehiyonal na asosasyon ay pamumunuan ng Pilipinas kaya maaring ihanda ang PICC para pagdausan ng ilan sa mga aktibidad ng asosasyon.

NITONG nakaraang Abril 30 2026 ay ginanap ang Heritage Tour para sa Media ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at una nilang binisita kasama ang mga mamamahayag ay ang University of Santo Tomas kung saan ang galing ang National Artist National for Architecture na si Leando Locsin, may museo din na laan para sa kanyang mga likha na siyang nagiging inspirasyon ng mga bagong arkitekto ngayon na sumusunod sa kanyang mga yapak. “the poet of concrete” titulo ng exposition ng mga nilikha ng national artist kung saan makikita ang kanyang mga likha na kasalukuyan pa ring nakatayo at ang iba ay giniba na.

Ang huling pinuntahan ay ang Malacanang, kung saan pinuntahan ang Malacanang Museum at ang makasaysayang Goldenberg residence, sa museo ay ipinakita ang mga kaganapan sa buhay ng unang pamilya at sa pagsisimula ng National Heritage Month ngayong Mayo 10 2026 ang paglulunsad ay gaganapin sa bayan ng Angono sa Rizal isang makasaysayang bayan ng sining at tahanan ng mga pambansang alagad ng sining ng bansa mula sa sining biswal at iskultura.

Kabilang sa mga nagbigay ng kani kanilang mga mensahe ay sina Tagapangulo Eric B. Zerrudo, Dr Ivan Anthony S Henares, Maria Teresa B Rayos del Sol, Emma M Rey, Dr. Earl Jude Paul L Cleope, Dr Benhur A Asid, Audrey Dawn M Tormada, Rene Napenas, Anne Cabrera at Marco Philip Araneta.