
Filipino Restored Films back on Cinema through NCCA -FDCP MOU
Muli na namang maipapalabas sa mga sinehan ang mga Filipino Restored Films sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Nattional Commission for Culture and the Arts at ng Film Development Council of the Philippines na ginanap nitong Ika 31 ng Agosto 2022 sa mas maayos at mas magandang Manila Metropolitan Theatre.
Sa pagnanais na ma-conserve ang ating makulay na kasaysayan sa mata ng pinilakang tabing, ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) upang muling buhayin at pasiglahin ang pelikulang Filipino sa pamamagitan ng pagpapalabas sa mga sinehan ng ating mga restored pelikulang Filipino.
Ang paglalagdaan ng MOU ay pinangunahan mismo ni Dr. Rene Escalante na kapwa Chairman ng National Commission for Culture and the Arts at National Historical Commission of the Philippines kasama si Film Development Council of the Philippines Chairman and Chief Executive Officer Tirso S. Cruz III at sinaksihan nina NCCA Executive Director Mr. Oscar G. Casaysay at FDCP OIC Executive Director Mr. David D. Fabros.
Layunin nilang muling ilunsad ang “Mga Hiyas ng Sineng Filipino”. Nais nitong muling maibalik ang pinakamahahahalagang filipino restored films at mapanood sa mga sinehan dahil ito naman ay bahagi rin ng mandato ng NCCA na pag ibayuhin at isulong ang sining Filipino at kultura habang ang trabaho naman ng FDCP’ at protektahan at ingatan ang kasaysayan sa pamamagitan ng mga restoration ng mga orihinal na obra at sining ng pelikula at maabot ito ng masa o maipalabas sa madla upang ma- appreciate. Ayon sa pulong balitaan na inorganisa ng NCCA may nauna nang pagtutulungan sa pagitan ng FDCP at NCCA nuon pang panahon ng dati nitong Chair na si Ms. Liza Dino
“slowly but surely we will be bringing back the glory of the film industry” ayon kay FDCP Chair and CEO Tirso Cruz III simula ngayong September ay magsisimula ng magpalabas sa 3rd Sunday ng buwan 1:00 ng hapon at libre ang admission kaya nga lang ay kailangan ang mag online pre-register upang ma accommodate upang matantya ang kapasidad ng teatro.///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk