1st DAY NG 43rd PCCI PHILIPPINE BUSINESS CONFERENCE & EXPO SA MAYNILA; TURISMO PALALAKASIN SA NALALAPIT NA CHRISTMAS AT MANILA BAY at ILO BAHAGI NG 8TH ASEAN REGIONAL TRIPARTITE DIALOGUE

Manila Hotel, MAYNILA-Naging makabuluhan ang unang araw ng 43rd Philippine Business Conference and Expo na ginanap nitong October 18, 2017 sa lungsod na ito kung saan pinangunahan ng mga miyembro ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang mga aktibidad kasama ang ilang mga negosyante at entreprenyur sa bansa.

Pinangunahan ni PCCI President George T. Barcelon ang pagbubukas ng aktibidad na may temang “Giant Steps. Taking the leap forward” at nagsilbing panauhing pandangal ang Pangalawang Pangulo Maria Leonor Robredo.

Kabilang sa pinag usapan sa kanilang plenary sessions ay ukol sa pagpapalakas ng human resources development sa bahagi ng basic education kung saan ang nagpaliwanag nito ay ang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Secretary Leonor Briones.

Malaking bahagi ang ginagampanan ng pangunahing edukasyon sa tagumpay ng mga bagong papasok sa negosyo dahil susi ito sa matagumpay na hinaharap ng isang enterprise. Bukod sa edukasyon ay mahalaga rin ang ginagampanang papel ng agham, teknolohiya at inobasyon sa ikatatagumpay ng isang negosyo at kabilang rin sa mga break out sessions ang tungkol sa Technology innovations for SME’s na pinangunahan ng Technology Application and Promotion Institute (TAPI-DOST) at kasama sa tinalakay nila ay tungkol sa pelletizing machine na gumagawa ng feeds para sa kambing. http://www.diaryongtagalog.net/agrikultura/pelletizing-machines-quintessential-for-small-ruminant-feed-production/

Ang karugtong na istorya ay matatagpuan sa PAGGAWA page///Michael Balaguer, 09333816694,michaelbalaguer@diaryongtagalog.net

-30-