2nd Tranche Prize, Ipinagkaloob ng DOLE NRCO, ISP sa Nagwagi ng 2016 Business Plan Competition; DOLE, DSWD Sanib Puwersa Vs. Child Labor at DOLE sa mga employer: Sundin ang tamang pasahod sa Chinese New Year

 

2nd Tranche Prize, Ipinagkaloob ng DOLE NRCO, ISP sa Nagwagi ng 2016 Business Plan Competition Ipinagkaloob na ng Department of Labor and Employment (DOLE) National Reintegration Center for OFWs (NRCO) at ng Integrated Seafarers of the Philippines (ISP) ang second tranche ng premyo na nagkakahalaga ng P300,000 para sa grand prize winner ng 2016 NRCO-ISP Business Plan Competition.Umani ng papuri ang nagwaging si Ryan Mark Antiquera, para sa Soft Broom Making business nito sa 2016 DOLE NRCO-ISP Business Plan of the Year competition at nagbigay sa kanya at pamilya nito ng premyong P500,000.00, na ibinigay sa tatlong tranche.Naibigay ang unang tranche ng premyo sa halagang P50,000 noong final round ng kompetisyon na ginawa noong Nobyebre 11, 2016, habang ang ikalawang tranche naman ay ipinagkaloob kay Antiquera noong December 17, 2016,matapos na maipasa ang mga dokumentong kinakailangan at nasasaad sa panuntunan ng kompetisyon.

Nai-broadcast naman ang pagkakaloob ng ikalawang tranche ng premyo sa programa sa radyo ng ISP na “Gabay ng Pamilyang Marino” sa DZIQ 990 AM. Ang natitirang P150,000 ay ipagkakaloob kay Antiquera kasabay ng Project Monitoring and Evaluation ng NRCO sa Marso 2017. Liban sa cash prize na natanggap ni Antiquera, makatatanggap rin siya atang kanyang pamilya ng tulong upang magkaroon ng business registration at iba pang serbisyo mula sa lokal na pamahalaan ng probinsya sa Bikol.

Mula sa Pagiging Manlalayag hanggang sa pagiging Enterpreneurs, ang 2016NRCO-ISP Business Plan Competition (Harnessing Seafarers’ Capacities for Business Enterprises Development)” ay proyekto ng DOLE – NRCO, at ang ISP na pangunahing naglalayong hikayatin ang mga seafarers na pasukin angsocial entrepreneurship at suportahan ang paglikha ng mga trabaho sa kanilang bayan.Ang NRCO ay may mandato na linangin at ipatupad ang national agenda on sustainable return and reintegration upang matugunan ang multi-faceted reintegration na pangangailangan ng mga umuwing Overseas Filipino Workersat ng kanilang pamilya, kasama na ang paglinang sa kanilang mga komunidad at bayan.

Samantala, ang Integrated Seafarers of the Philippines naman ay isang non-stock at non-profit organization na binuo at inilunsad para sa kapakanan ng mga Filipino seafarers at kanilang mga pamilya. Naglalayon itong bumuo ng mga oportunidad sa mga pamilya ng manlalayag na mai-angat ang antas ng kanilang pamumuhay habang ang mga seafarer ay namamasukan pa sa ibang bansa; at upang makapagbigay daan sa social reintegration matapos ang trabaho nila sa ibayong dagat. #paulang*

 

 ————————————————————

 

DOLE, DSWD Sanib Puwersa Vs. Child Labor*  Nagsanib puwersa na ang pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang masugpo ang child labor sa bansa sa pamamagitan ng paglulunsad ng ibat ibang programa na naglalayong maging child-labor-free and bansa sa 2025.Sa temang “Makiisa para sa #1MBatangMalaya: We are one with the Children in Ending Child Labor,” layon ng nasabing programa ng masugpo na ang child labor sa bansa at maiangat ang kamalayan ng publiko kaugnay sa mapanganib na resultang dala ng problemang ito.

Ayon kay DOLE Undersecretary Joel B. Maglunsod, upang wakasan na ang child labor, kailangan ring maglunsad ng mga komprehensibong aksyon na tutulong sa mga magulang o guardian ng mga child laborers. Dinagdag pa niya na angmga kabataan ang napipilitang mamasukan sa mapanganib at hindi akma sa kanilang trabaho para lamang makapagbigay ng kita at pagkain sa kani-kanilang pamilya.

“Ito ang dahilan kung bakit nagpapasalamat ang DOLE dahil hindi kami nag-iisa sa adhikaing ito. Malaking hamon sa amin na wakasan ang child labor na nangangailangan ng ibat ibang aksyon at pagtutulungan ng ibat ibang sangay ng pamahalaan, organisasyon, LGU, media, mga magulang, atmaging ang mga kabataan mismo,” wika ni Maglunsod.Kasama sa mga programang inilunsad ay ang CARING-Gold Project ng International Labor Organization (ILO) at BanToxics, na humihikayat na malutas ang problema sa child labor at linangin ang working condition sa mga ASGM Gold Mining; tulad ng The Strategic Help Desks for Information,Education, Livelihood and other Developmental Interventions (SHIELD) laban sa Child Labor; at ang Module on Child Labor for the Family Development Sessions ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na programa naman ng DSWD.

Bilang chair agency ng National Child Labor Committee (NCLC), nanindigan ang DOLE na palalakasin pa nito ang kampanya laban sa child labor at ipagpapatuloy ang pagbibigay tulong sa iba pang inisyatibo ng mga katuwangnito sa pagpuksa sa child labor.Kabilang sa mapanganib na uri ng child labor sa bansa ay ang pagkakalantad ng kabataan sa pisikal at psychological na pang-aabuso; sapilitang pagtatrabaho at commercial sexual exploitation kasama na rin ang pag-aalokng hindi naaayong gawain partikular ang pagtutulak ng droga at produksyon nito.

“Sa kabila ng mga nagawang hakbangin laban sa child labor, patuloy tayong nagtatrabaho upang makamit ang adhikain na maging child-labor-free and bansa at makapagbigay ng malinaw na pag-unawa sa publiko hinggil sa problemang ito higit lalo sa mga mahihirap na Pilipino na siyang nalalantad sa panganib na maging child laborer,” dagdag pa ni Bello. Batay sa the 2011 Survey sa kabataan ng Philippine Statistics Authority (PSA), mayroon na umanong 2.1 million child laborer sa bansa at patuloy nalumalakas ang panawagan sa pamahalaan at non-government organizations na magkaroon ng malinaw na aksyon upang masugpo ang child labor.

“Panahon na upang dagli tayong kumilos at tumugon sa laganap na problemang ito. Patuloy lamang darami ang naaabusong kabataan higit lalo ang mga childlaborer na nalalantad sa tinatawag na “backbreaking and hazardous work”,” giit ni DSWD Director Ma. Alicia Bonoan.Samantala, ang mga nasabing inisyatibo ay kasunod ng Philippine Program against Child Labor 2017-2022, na naglalayong mailigtas sa mapanganib na trabaho at child labor ang isang milyong kabataan at sa ilalim ng Sustainable Development Goals (SDG) na layong wakasan ang child labor at lahat ng uri nito sa taong 2025. #paulang*

 

———————————————————-

 

DOLE sa mga employer: Sundin ang tamang pasahod sa Chinese New Year* Hinikayat ni Kalihim Silvestre H. Bello III ng Paggawa at Empleo (DOLE) ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang tamang pasahod para sa Enero 28, 2017, Chinese New Year, na idineklara ng Malacañang bilang special(non-working) day.

Noong 16 Agosto 2016, idineklara ni Presidente Rodrigo R. Dutere ang 28 Enero, Chinese New Year, bilang special (non-working) day sa ilalim ng Proclamation No. 50, Series of 2016, “Declaring the Regular Holidays, Special (Non-Working Days, and Special Holiday (For All Schools) for the Year 2017”.

“Sa ating pagdiriwang ng Chinese New Year, nararapat lamang na ating sundin ang tamang pasahod para sa ating manggagawa sa pribadong sektor,” ani Bello.“Ang pagtataguyod sa karapatan ng ating manggagawa sa pagsunod sa tamang pasahod at iba pang batas-paggawa ay magpapasigla sa ating manggagawa upangmaging produktibo sa kanilang trabaho.

Ang pagsunod sa batas-paggawa ay makakabuti sa ating negosyo, sa ating manggagawa, at sa ating lahat,” dagdag niya.Ang tamang pasahod na dapat sundin para sa special (non-working) ay ang mgasumusunod:

1.     Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang alituntuning “no work, no pay” ang dapat sundin, maliban na lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng sahod para sanasabing araw.

2.     Kung ang empleyado ay nagtrabaho, siya ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod sa unang walong oras ng kanyang trabaho. Pagkukuwenta: [(Arawang Sahod x 130%) + COLA].

3.     Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work), siya ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing oras. Pagkukuwenta: (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)

.4.     Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay makakatanggap ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang arawang kita para sa unang walong oras ng trabaho. Pagkukuwenta: [(Arawang kita x 150%) + COLA].

5.     Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw. Pagkukuwenta: (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150%x 130% x bilang ng oras na trinabaho). END/CTM/GMEArce*