Pensyon nang 98 y/o na wife ng namayapa nang WWII Vet

 

PENSYON NANG 98 Y/O WIFE NG NAMAYAPANG WWII VET

ibinulsa ng PVAO hindi ibinibigay kay lola

hindi na dapat makarating sa pahayagan ang hinaing ng isang 98 year old na asawa ng World War II Veteran na nuong buhay pa ay pinagpe pension ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ngunit nang mamatay ang beterano at isauli ng mga kaanak nito ang nuon sana ay buwanang pensyon dahil anila namatay na ang kanilang lolo, simula nuon ay tila “kinangkong” na ng PVAO ang pension ni lola na dapat ay isalin sa kanya ng kanyang asawa.

Kinilala ang asawa ng beterano na si Gng. Marcela Valenzuela-Enriquez, 98 years old, biyuda ng World War II Veteran na si Carlos Delos Santos Enriquez, residente ng Plaridel, Bulacan na namatay lamang nitong April 2, 2002.

ayon sa kwento ng mga kaanak ni lola kabilang ang kanyang apo na isa nang media practitioner at Associate Publisher ng pahayagang ito, matagal din na nagpe pension si G. Carlos Delos Santos Enriquez at regular itong nakatatanggap ng tseke buhat sa Philippine Veterans Affairs Office kaya nga nuong namatay ito ay binigyan pa ng burial benefits ng PVAO.

Dagdag pa anak ng beterano na si Maria Eladia enriquez-Olvina, isinauli nila ang dumating na buwanang tseke na pension nuon ni Ginoong Enriquez dahil anila ay patay na ito at hindi naman nila maari ng magamit kung hindi isasalin kay Gng. Marcela Valenzuela-Enriquez na hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pa ring aksyon buhat sa PVAO.

Katwiran ng claims division nila ay walang military record umano ngunit nang minsang magpunta ang writer ng balitang ito kasama ang apo ng beterano na associate publisher ng pahayagang ito ay nakita namin na lumabas sa computer nila ang pangalan ni Ginoong Carlos Delos Santos Enriquez patunay na “niloloko” lang nila ang mga kaanak ng beterano.

Ang apo ng beterano ay dati na ring nagkaroon ng programna sa nuon ay DZRJ 810 Khz AM, “Yesterday, Today and TomorroW” radio show at kanyang inimbita si PVAO Administrator Ernesto Carolina na “nambola” lang at “walang nagawa” na “tila kinakampihan pa ang mga magnanakaw ng pension” sa kanyang pinamumunuang ahensya.

Pahayag pa ni Carolina sa off the record na interview na dapat ay inilabas na sa media, marami daw umanong nagke claim na wala namang record, sabi naman ng Apo ni Gng. Enriquez, e kung ganoon dapat hindi na nila pinag pensyon ng matagal ang lolo niya at binigyan pa ng burial, napaka “tanga” naman ng gobyerno kung ganoon.

Tunay na matindi ang nakawan sa PVAO at marami ng beterano na nakapanayam namin ang may kaparehong kwento, nakarating na rin ito sa tanggapan ng Pangulo ngunit “mukhang walang pumansin” dahil “nasabat ng mga magnanakaw” sapagkat nai course through sa kanilang tanggapan. Hamon sa mga biktima ng PVAO na may kaparehong problema, sabay sabay po nating kalampagin ang nasabing korap na ahensya nang maibigay sa ating mga beterano na nasa dapit hapon na ng kanilang buhay ang dapat na maibigay sa kanila.( Ang artikulong ito ay buhat sa sinulat kong istorya sa dating KILATIS ng Bayan News Publication, isang pahayagang kapwa namin hinawakan kasama ang isang ka partner. Akma ang naging paglipat artikulo buhat sa pahayagan tungo sa website dahil naging bisita ni Wilson Lee Flores sa kanyang Pandesal Forum si Gen Ernesto Carolina ng Philippine Veterans Affairs Office upang isulong ang bagong aktibidad para sa beterano ngayong abril, akmang dumadalo ang www.diaryongtagalog.net nuong mga araw na iyon pagkakataon na upang pasagutin siya sa napakatagal ng isyu ng paglipat ng pensyon nang lolo ng publisher ng pahayagang ito sa lola niyang 98 taong gulang.)///michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net