Nanumpa na ang mga bagong halal na opisyales sa bayan ng Pulilan kung saan ang nagwaging kandidato ay ang kauna unahang babaeng magiging Punong Bayan sa bayan sa katauhan ni Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo. Hindi na bago sa larangan ng pulitika sa Pulilan si Mam maritz dahil nagsilbi siyang Top 1 Councilor at anak siya ng dating Punong Bayan Paquito Ochoa Sr., isa sa mga ipinangako ni Mayor ay ang pagpapaikli ng oras ng pagrelease ng mga transaksyon sa gobyerno upang maging mabilis at efficient ang serbisyo, bukod sa ekonomiya ay tututukan niya ang edukasyon at agham dahil buhat sa kagawaran dati ng agham ang kanyang asawang si dating DOST Sec. Mario Montejo.///Michael Balaguer
Samantala bukod sa pagbubukas ng bagong palengke sa lungsod ng Malolos ay nanumpa rin ang mga bagong opisyales nito sa pangunguna nina Mayor Christian Natividad at Vice Mayor Bebong Gatchalian. Kabilang sa mga opisyales na kasama ay sina Konsehal Rico Capule. isa sa mga itinuturing na next wave cities ang malolos at ito ay dahil umano sa pagtutulungan at sama samang pakiki isa ng mga taga rito sa mga programa at proyekto ng kanilang alkalde at ng sangguniang panlungsod. ang pagkakatayo ng pamilihang bayan ay hindi isang bunga ng privatization bagkus ay nais iayos ng cityhall ang kalagayan ng mga negosyante sa palengke upang lumaki rin ang kanilang kita. kasabay ng panunumpa ay ribbon cutting ay isang konsyerto kasama ang bandang shamrock.///michael balaguer
Kaakibat pa rin ng sabayang panunumpa ay ang pagsasama sama ng lahat ng mga naihalal na opisyales ng lalawigan mula sa gobernador hanggang sa mga konsehal na ginanap nitong hunyo 30, 2016 sa Capitol Gymnasium. makikita sina Bulacan Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado at ang kanyang pamilya at si Vice Governor Daniel Fernando at pamilya./// michael balaguer
Photo 1: PCIEERD Family group photo during the “Hatid ng Agham at Teknolohiya, Kaunlaran ng Bawat Isa” anniversary celebration last June 29, 2016 at Clark, Pampanga.
Sa pagdiriwang ng ika anim na taong anibersaryo ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCIEERD) may dalawang event na ginawa sa Angeles, Pampanga nitong nakaraang June 28-29. Uminog ang aktibidad sa temang “Hatid ng Agham at Teknolohiya, Kaunlaran ng Bawat Isa” na nakatuon sa pagkakaloob ng PCIEERD-funded technologies sa mga nagnanais maging imbestor, technology adopters, at mga karapat dapat na benepisyaryo.
Nitong June 28, PCIEERD nagkaroon ng outreach program sa Sitio Cuadra, Mabalacat, Pampanga kung saan nag deploy ang konseho ng low-cost rainwater collection system at ceramic water filters sa komunidad ng mga Aeta. Ipinamalas rin nila sa komunidad kung paano gamitin ang mga nasabing teknolohiya. Sa pamamagitan ng ceramic water filters, makatitiyak ang mga pamilya sa pagkakaroon ng ligtas na inuming tubig. ang rainwater collection system ay nilikha sa pamamagitan ng Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI) sa pakikipagtulungan ng Manly Plastics. Nagkaloob rin ng karagdagang kagamitang pang iskwela, damit at iron-fortified rice na nilikha sa pamamagitan ng Foods and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.
Ang pangunahing selebrasyon kasunod ng outreach program ng June 29, sa Widus Hotel, Clarkfield, Pampanga. Sa nasabing event, ipinakita ng konseho ang ilan sa kanilang funded-technologies para sa ibat ibang aplikasyon sa mga mag aaral, mananaliksik, representante buhat sa pamahalaang local at mga posibleng mag adapts sa teknolohiya at mga imbestor. Para kay DOST Region III Director Dr. Julius Ceasar Sicat, si Engr. Wilbert Balingit ang nagsilbing representante nito na nag welcomed sa PCIEERD at mga panauhin sa Clark at bumati sa konseho sa naabot nitong isa na namang milestone sa kanilang anim na taon serbisyo..///sundan sa AGHAM page ———————————————————————————————————————————————
Rafael “Ka paeng” Mariano, pormal ng nanungkulan bilang kalihim ng DAR
