
Maynila, PILIPINAS- BILANG isang bansang nakararami ang Katoliko, kada buwan ay may mga kapistahang iniiuugnay nila sa kanilang mga santo at mga mahahalagang karakter sa kanilang relihiyon, tuloy nagiging bahagi na rin ito ng kultura at tradisyon ng ating bansa na puno ng kulay at saya.
Sa pagdaan ng panahon ilang mga mahahalagang kapistahan ng mga katoliko ay talaga namang bahagi na ng ating kasaysayan nuon pa man bago pa ito dinala dito sa ating kapuluan ng mga mananakop na espanyol at ipinakilala sa ating mga ninuno.
Ang relika ng batang jesus ang isa sa pinaka bantog sa lahat ng ito, sa Bulacan lamang ay halos lahat ng bayan ay may Barangay Sto Nino kung saan ang kanilang patron ay ang batang Jesus kaya nga ilang mga kolektor ng mga likhang sining, iskultura at pintura atbp ang nagkokolekta ng mga ito dahil dito, ang Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining
Ang enero ay ang buwan ng balaang bata at sa gallery ng National Commission for Culture and The Arts (NCCA) ay nagkaroon ng Art Exhibit tungkol sa mga miniature replica ng Child Jesus na pinamagatang “ENERO BUWAN NGB BALAANG BATA” Devotion to the Holy Child in the Philippines.
Naging posible ang aktibidad na ito sa pamamagitan ng mga kolektor at alagad ng sining na sina; Claude Tayag, Francis Ong, Jayson Maceo, Jun Fulgencio, Anthony Agustin at Oliver Obusan. Ang santo nino sa puso ng nakararaming Pilipino:
Humigit kumulang ito naman ang kwento ng santo nino ayon sa ilang historyador, sabi ay dinala sa mga kapuluan ng bansa ang imahe buhat sa mga barko galing sa ibayong dagat at dumaong sa mga baybayin ng bansa noong 1521, ang kahoy na imahe na maliit ay nagsilbing alay ng mga dayuhan sa ating mga ninuno nuon partikular sa reyna ng kaharian ng mga ito kahit may mga kaparehong imahe din ito na tinatawag nilang mga anito kung saan kapareho ng laki at komposisyon ngunit anang mga dayuhan magkatulad lang umano ang mga ito at ang kasunod ay kasaysayan na.
Nagsimula sa pagtuturing bilang isang regalo hanggang naging instrumento ng pananakop ngunit paglaon ay naging imahe na hindi lamang iginagalang at ipinagbubunyi kundi isang banal na bagay na nahahawakan nakakausap bagaman di kumikilos ay nabibihisan at nakakausap ayon sa ilan.
ngayon ng makikita ang mga relika ng sto nino kahit saang lugar, sa mga kapilya, plaza, sasakyan ipinagpi piyesta pa at ito lang sa art exhibit ay mula sa istampita na inukit para maging relika at iginuhit sa pintura ni Ginoong Claude Tayag.
Kada enero ay nagkakaroon ng mga kapistahan ang Sto nino gaya ng SINULOG, ATI ATIHAN at DINAGYANG. at bawat bayan halimbawa sa Bulacan ay maraming barangay na ang patron ay ang Santo Nino, Sto Nino, Calumpit, Stao Nino, Malolos, Sto Nino, Plaridel, Sto Nino, Meycausayan Atbp. ang legasiya ng balaang bata sa puso ng mga pilipino ay hindi lang pang relihiyon kundi pang kultura at makulay na tradisyon an nagpapakilala sa bansa natin at sa atin sa pangkalahatan. VIVA PIT SENIOR!
