opinyon

April 5, 2022

WALANG KARAPATANG IPAGTANGGOL ANG SARILI

Talagang namumuro na itong pamunuan ng MRT 3 at talagang kung mahina ang pinagkukunan mo ay talagang mabubuwisit ka, mabuti na lang at Ramadhan ngayon at iwas ako sa negatibismo at pagkapikon. ganito kasi yun, hapon nuon at maulan, may business meeting ako somewhere in Quezon City na kailangan kong sumakay sa MRT North Avenue.

Press release ng DOTR ay libre ang sakay kaya para ika ko mapabilis ang 5:00 PM meeting ko ay binalak kong sumakay ngunit hindi ako pinasakay ng mga kupal na guwardiya na nasa conveyor dahil raw sa karambit na nasa bag ko. Ang karambit ay isang 3 Inches na kutsilyo na gamit pangdepensa sa sarili kontra sa “Baril”.

Sa records, napag alaman natin na ang Pilipinas bukod sa Amerika ay ang bansang may pinakamaraming nag aari ng baril, at ilan sa mga ito ay nagagamit sa krimen at pang aabuso dahil wala namang ibang silbi ang baril kundi gamit pagpatay ng tao. Ang kusilyo naman, ay maraming gamit kabilang na ang pagdepensa sa baril, pero hindi naman yan ang “be all and end all” ng paggamit ng kutsilyo.

gamit pang ligtas ng buhay: ang scalpel na ginagamit ng mga doktor sa pag opera ay isang uri ng kutsilyo; gamit sa bukid at pagtatanim: ang itak, sanggot at ibang farm implements ay mga uri ng kutsilyo; gamit sa paghahanda ng pagkain: ang ibat ibang uri ng kitchen at perry knife ay kailangan sa kusina.

ang paggamit ng kutsilyo o mga matalas na instrumento sa pagpatay either ng hayop o tao ay bahagi ng pang depensa lamang at hindi iyon ang dahilan kaya ito ginawa. samantalang may isang instrumento na “walng Silbi” liban sa pagpatay at ito ang baril. sinira ng baril ang dangal ng digmaan dahil sa hindi patas nitong atake sa pakikipaglaban.

dumami ang duwag ng naimbento ang baril dahil hindi na kailangan ang close quarter fight kagaya ng sinaunang panahon. dahilan sa panahon ngayon ng Ramadhan, kailangan ang lubos na awa at pagtitimpi, nung mga panahon na iyon ay hinayaan ko na lang ang katangahan  at kabobohan ng mga guwardiya ng MRT North Station.

Sa mayabang na tanong “may karambit ka sa bag mo ha! ano ka ba? (tanong na nanunuya at nanunubok, upang sa tingin nila kunin ko ang kutsilyo para umatake, well hindi ko sila bibiyan ng pagkakataon at hindi ako bababa sa lebel nila), galit yan at talagang nakakapikon. sagot ko ” sa MEDIA, kung hindi pwedeng sumakay ok lang” sabay alis sa lugar salubungin ang mga umaakyat para mapahiya sila sa mga kasunod na tao. hanggang sa susunod na blog post,.

April 21, 2020

Astang Martial Law

Habang tumatagal ang lockdown sa maraming lugar ng Luzon dahil sa COVID-19 pandemic, tila dumarami rin ang pang aabuso ng mga pulis at sundalo na nag a astang martial sa state of national emergency na nararanasan ngayon.

Talamak ang pangugulpi, pambabambo at panghahataw ng kahoy sa mga kawawang mamamayan na “INALISAN NA NGA NG PAGKAKATAONG MAG HANAPBUHAY AT MAGNEGOSYO” ay tila ginagawang mga bilanggo pa sa kani-kanilang mga sariling lugar gaya ng mga naganap sa Golden Mosque sa Quiapo at nitong April 17, 2020 sa Bgy. 20 Caloocan City, Metro Manila.

Ginagawa naman ng PNP ang pagmomonitor sa mga tarantado at abusadong mga element nilang ito gaya ng pagsibak ni Gen . Guillermo Eleazar sa hepe ng Manila Police dahil sa nasabing katulad na insidente pero yun ay yung nakita lang nila, ang “IBA” ay hindi nila nakikita at patuloy na namamayagpag.

“Mahaba na nga ang pasensya ng mga tao ngayon” sa kabila ng nawalan ng trabaho, nawalan ng oportunidad sa negosyo, maraming nawalang ng kita ay hindi pa nakapag iisip na sisihin ang gobyerno. Totoo naman na hindi dapat sisihin ang gobyerno dahil ito ay isang pandaigdigang kalamidad.

Sa kabila ng mga derektiba nina Secretary Ano ng DILG at Secretary Lopez ng DTI tungkol sa “Quarantine Pass”, ito pa rin ang isina sangkalan ng mga gunggong na pulis at sundalo sa mga boundaries ng bawat barangay. Mabuti na lang at karamihan ng mga Kapitan ay “MATITINO” at pumapalag at hindi nagto tolerate ng abuso.

Totoo din naman na may pasaway o may mga pasaway na mga indibidwal o grupo na binabalewala ang mga efforts ng gobyerno gaya ng kapitan ng Caloocan na nagpa tupada sa seminteryo ng Maynila kamakailan na sumuko pa kay Caloocan Mayor Oca Malapitan..may karugtong pa.///

PATAMA SA KULTONG SATANIKO INGGITERO LIBAQUERO GAGO

tama nga ang sinasabi sa Biblia ng mga Kuffar na kapag mabunga ang punongkahoy ay binabato.2018 lang nang buksan namin ang www.dzmjonline.net at ngayon nga ay nagka award na ito at tiyak na magsusunod sunod pa. eto namang mga puki ng inang mga naiinggit at naninira sa amin ay napaka pathetic at walang patumanggang dini discredit kami sa mga contacts namin na sinusulot nila dahil sa kapanalig nilang putang ina na nagbayad sa facebook para i block ang dzmj online. et lang ang masasabi ko sa mga kupal na tarantadong naninira at nagdi discredit sa amin sa BALAGUER Enterprises, www.diaryongtagalog.net at www.dzmjonline.net. manigas kayong mga putang ina nyo kasi we’re here to stay. and stay forever till all of you dies all together. sabi nga pasasaan ba’t mamamatay din kayo. kakainin kayo ng mga nay sa loob mismo ng inyong mga kultong organisasyon na nagpapanggap na maka dios, sinisira nyo pa ang Islam mga gago kayo. kinang ina nyo alam kong kilala nyo mga sarili nyo at pukinang ina nyo, nagbabasa kayo ng website ko. Bulshit.///para sa reaksyon. diaryongtagalog@gmail.com 09262261791

Bukulan Kasabay ng Balimbingan                PERA AT MAKINARYA WIN ANG MASA  

Para bang tagline ng gagong pulitikong magnanakaw at gusto lang laging pumusisyon. pero totoo yan kasi alam naman nating mga “die hard” Duterte supporter na wala naman talagang sariling tao si Tatay Digong sa katunayan nga e aminado ang partido nyang PDP Laban na ngayon na lang nag balimbingan yang mga Dilaw, Puti, Asul atbp dahil alam nilang kailangan nilang bumalimbing para maka posisyon.

Dati nuong bago pa lang si Tatay Digong sa pagka Pangulo, habang nagta travel kami sa ibat-ibang bahagi ng bansa, napansin ko sa mga politiko ang pagkakaroon ng animo’y pagtutulungan o pagkakaisa sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa partido, kulay at idolohiya.

Maganda yun, at ang pagkakapareho nila ay ang kataganag “one” halimbawa, One Bulacan, One Calapan, One Isabela, kalaunan napansin ko na ang mga nagwa one na itong mga ito ay mga dating dilaw, asul, pink at puti, ibig sabihin ang lahat ng mga organisasyong politikal na may mga one na yan ay mga bumalimbing o sa tamang terminolohiyang politikal ay “lipat bakod”.

Bilib din naman ako sa mga die hard yelo na hanggang sa huli wika nga ay dilaw talaga, e kung duon nila mapagsisilbihan ng maayos ang kanilang mga nasasakupan e di wow diba? kumpara sa mas maraming hidyot na halatang gusto lang pumusisyon kaya lahat ay gagawin kahit labag sa loob nila para lang makadikit sa administrasyong ito.

Kunsabagay pabor yan kat tatay Digong dahil marami na ang alipores nya kumpara nuong una na iilan lang. Biro nga ng lolo kong taga GenSan, “Apo, dati sina Digong lang, Nene Pemintel at Jojo Binay ang naryan sa PDP kaya pinagsakluban ng langit at lupa yung dalawa nung bumitaw si Binay” biro lang yan pero batay na rin sa biro na yan makikita nating tunay na artipisyal lang ang alyansang nagaganap ngayon e alam naman nating puro paru-parong pulitikal ang ating mga pulitiko at dadapo kung kanino makikinabang.

kaya magbalimbingan na at magbalimbingan silang lahat, sa huli tayong bumoboto naman ang panalo dyan dahil makukuha natin lahat ng mabuti at maayos na serbisyo bunga ng kanilang mga pataasan ng ihi at pagsipsip sa administrasyon.///abdul malik bin ismail, 09471412750,abdulmalikbinismail6875@gmail.com

-30-

KAHALAGAHAN NANG KLIMA NG MUNDO BUHAT SA KALAWAKAN

MAHALAGA ang pag aaral at pagsasaliksik nang mga kaganapan sa mundo buhat sa kalawakan. Sa kasaysayan ng agham, nung middle ages at renaissance nakaugalian na ang mga tao at mga mag aaral nang panahong iyon ang tutukan ang kalawakan para sa mga solusyon sas uliranin dito sa ibaba.

Sa nabigasyon sa dagat halimbawa ay tinitignan nila ang mga bituin at buwan upang maka galaw sila at tama ang mga direksyong patutunguhan sa malawak na karagatan.

Sa makabagong panahon na gumagamit tayo ng mga malalakas at makapangyarihang teleskopyo na maaring makamalas at makakita ng mga malalayong daigdig mas malaki ang pangangailangan sa kahalagahan ng mga pag aaral sa kalawakan.

Marami ng bansa sa mundo ang may space program, sa ASYA lamang ay marami ng bansa ang may pinalipad na mga satellite, noong early 90’s ay lumipad ang Mabuhay Satellite habang kamakailan naman ay ang Diwata.

Isinusulong din sa kongreso na magkaroon ng space program sa isang space agency ang bansa gaya ng sa NASA ng Estados Unidos ng Amerika ngunit handa na nga ba ang Pilipino para sa mga hamon ng kalawakan?

Maari nga, dahil may mga kurso nang nag o offer ng astro biology at astro physics ngayon, patunay na gaya noon ay nagsisikap pa rin tayong abutin ang kalangitan.///Michael Balaguer.Para sa komento please konek@diaryongtagalog.net at like us on facebook sa facebook.com/diaryongtagalog

LINDOL PWEDENG I-TRIGGER NG PAGMIMINA!

Sino ba ang nagsabing   hindi maaring I-trigger ng mga malalakas na pagsabog ng mga minero ang isang malakas na pagyanig gaya nang nangyari sa Surigao. Tama naman si Dr. solidum na sa natural na paraan, hindi maaring makapag trigger ng lindol ang kahit gaano pa kalakas na pagsabog gamit ang pampasabog na gawa ng tao.

Sa totoo lang, wala naman talagang sustainable mining at yung mga sinasabi nilang mga sustainable nmining practices, puro panloloko lang, ang mahirap dyan malaki ang perang kinikita ng mga dayuhan at the expense of the people na maa apektuhan. Yung mining company na nai single out sa press conference ni Secretary Gina Lopez ng DENR, malinaw na malaki na ang kinita nun di pa man nag o operate so imagine kung mag operate kaya yun, e di mas lalong malaki ang kikitain nito at paniguradong marami rin na mamamatay na mga katutubo.

Sa totoo lang, maliit na porsyento lang naman ang kontribusyon ng mining sa kaban ng bayan, mas malaki di hamak ang sa agrikultura, kaso nga lang hindi naman ganoon kalaki ang suporta ng gobyerno sa sector. Sa panahon natin ngayon na kailangang I-conserve ang environment, though it can really replenish itself, napapanaon na nga talagang hindi na mag extract ng mga mineral sa ating lupa kasi lahat naire resiklo na at time din para mabigyan ng pagkakataon ang ating inang kalikasan na palakasin ang kanyang sarili.

Sa maniwala kayo o hindi, ang ating mundo ay buhay, at nag iisa lamang na priceless at hindi kayang ipagpalit sa salapi. Sa patuloy na pagmimina, ginagahasa nito ang ating inang kalikasan, gagamitin tapos iiwanan, bubutasin tapos ilalayasan. Para sa komento please konek@diaryongtagalog.net at like us on facebook sa facebook.com/diaryongtagalog

“BOYCOTT CHINESE PRODUCTS”

China’s Infringement on Philippine Territory at the West Philippine Sea

THE Philippines doesn’t claim the entire South China Sea as part of their Territory, just those small islets and island found on the West Philippine Sea which is really parts of the Provinces of Palawan and Zambales.

Unlike China who claims that the entire South China Sea is their property. To be fair with the entire ASEAN, not only the Philippines claim parts of the South China Sea, others also like Vietnam, Malaysia, Brunei and Taiwan has similar claims.

Since the Philippines has won the arbitration case at The Hague, Netherlands, China is constantly bullying the people of the Philippines by reclaiming the shoals in the West Philippine Sea, converting them to islands and getting their construction materials allegedly from mainland Luzon, which sources says are in Quarrying sites in Zambales backed by corrupt Local Government Units beholden to Chinese interest.

Recently, small fisher folk on its way to traditional fishing grounds in Panatag shoal were stopped by armed Chinese Coast Guards considering the place is part of the Province of Zambales and a special economic zone of the Philippines.

Considered as a direct infringement to the National Territory which Filipinos are mandated to defend according to the 1987 Constitution, China’s bullying tactics need to be stop according to some patriotic Filipinos who are willing to die for the country.

Recently, the Japanese Government sources in the country says that the Japanese Chamber of Commerce says that they are willing to lower their prices as with the Koreans if the Filipino’s would “BOYCOTT CHINESE PRODUCTS” proliferating around the country for decades instead patronize either Filipino, Japanese or Korean Products.

Chinese products in the Philippines are substandard, just copies of U.S and European Brands and flooding the local market with cheap goods.

Having to “boycott” their products will equate to business opportunities to Filipino entrepreneurs either Micro, Small and Medium Enterprises (MSME’s) or the large Filipino businesses along with other foreign enterprises owned by Japanese, Korean and Indian etc.

The government of Philippine President Rodrigo Roa Duterte doesn’t give in to China’s bullying tactics though Chinese Envoy did several courtesy calls to the Malacanang whom sources says with aims to iron out Philippine-China relationship in relation to the West Philippine Sea issue.

Experts in the diplomatic field also says that the proposal of China to conduct a joint exploration in the West Philippine Sea is illegal and only the Philippines can conduct such an exploration to parts of its “National Territory”.///Michael N. Balaguer

DOST-ICTO and Philippines DIGIBAYANIHAN Aims to Make 5 Million Filipinos Computer Literate

Ang inisyatibong pagbabago ng DIGIBAYANIHAN ay pang araw-araw na hahawakan ng samahang ASSIST at napakahalaga ng pagtutulungan ng pamahalaan at mga organisasyong gaya nila “ASSIST and Asian NGO are proud to act as a catalyst in a whole process and looking forward to making this into a truly national movement” pahayag ni Ms. Ashley Venerable at “apart from ICT skills literacy, DIGIBAYANIHAN will also promote digital empowerment and citizenship because a digitally empowered and enabled Filipino will be a responsible citizen no matter where” ayon kay Mr. Sreeni Narayanan.

Buhat sa paglulunsad nito nuong 2014 ay matagumpay na naturuan na nito ang  humigit kumulang 100,000 pinoy at sa taong ito ay inaasahang tataas ang bilang ng maa abot nila sa pamamagitan ng bolunterismo.

Ang mga magboboluntaryo ay kikilos at magsisimula sa pag I implimenta ng mga aktibidad sa upang isulong ang pag aaral  para maging literate sa computer ang mag mamamayan at maabot ang pinakamalayong sulok ng bansa at maikonekta ang mga ito sa internet.

Sa lahat ng mga programa ng pamahalaan kung saan ang layunin ay mapabuti at maging magaan ang buhay ng karaniwang hirap at dahop na mamamayang Pilipino, isang mahalagang programa ng gobyerno ang tungkol sa connectivity at digital literacy ngunit ang malaking tanong ng mga nasa bundok at mga naninirahan sa mga kalat-kalat na isla ng bansa ay kailangan muna nilang magkaroon ng kuryente bago sila makakonekta at matuto ng kompyuter.

Tama na matutunan nilang gumamit ng cellular phones, tablets at personal computer at kahit pa magmura ang halaga ng mga ito at sabihin na nating kaya nang abutin ng perang tangan nina abdul at maria, nakakalungkot na naniniwala pa rin ang iba nating policy makers sa pantasyang “off the grid but on the web” na ang katotohanan ay ni hindi kayang pailawin ng mga napaka mahal na solar panels ang maraming lugar sa bansa na walang ilaw gaano pa ang pambili ng gadget na kukunsumo pa ng kuryenteng wala nga sila.

Sa pulong balitaan na pinangunahan ng INTEL Philippines, ICTO-DOST at ASSIST, wala man lang stakeholder sa sector ng power gaya ng ganid na Meralco at kapitalistang nasa likod ng National Grid Corporation na pinangangalandakang ang kanilang mga Corporate Social Responsibility ay ang rural electrification na masasabi nating isa pa ring fantasy at fiction dahil hanggang ngayon, sa Luzon lang ay maraming lugar na malapit sa Maynila ngunit wala pang kuryente.

Dahil raw sa iilan lang ang gagamit at mahal ang gugugulin ng nasabing mga kumpanya upang magtayo ng poste at transmission lines para serbisyuhan ang mga ito. Maigi ang programang ito ng mga NGO, Private sector at mahalagang sangay ng gobyerno (DOST) ngunit kung hindi naman makikisama ang iba pang stakeholders ay malinaw na sablay ito at parang mag uubos lang sila ng pera pare-pareho.///Michael Balaguer

KOMISYON NG SIGURO MAY NANINIGURADO

Isang lalaki ang nakausap naming at sinabi nitong ito umano ang Media Relations Officer ng komisyon na gamit ang telepono ni Atty Kristine, sa tono ng pananalita nito ay tila sinisisi pa nito ang nagpautang na organisasyon ng bumbero at wika rin nito ay nakausap na nila si Jamalol Aking, sinabi rin nila na ipakita lamang ang mga papeles na nagpapatunay na miyembro talaga ito ay agad na lalagdaan ni Atty Apatan ngunit ang hindi maalis sa isip naming ay bakit inisyu ang steke kung di lang pala mai encash? Lumalabas na pinatakam lang ng mga nangungumisyon sa komisyon ng siguro itong aplikante sa kabila nang deductable naman sa sahod niya ang bayad sa uutangin niya.

Tila nanlalata at wari ay nawalan na ng interes itong si Aking na magpatuloy matapos umanong makausap ng insurance commission, maaring natakot o tinakot na kakasuhan maari sa gagawing pagloloan na hindi makapaglalagay kaya marahil umayaw na, batay ito sa pahayag ng tiyuhing si Grand Imam Datu Jhularab H. Sampang na una ay humingi ng tulong sa www.diaryongtagalog.net tungkol sa alingasngas na ito. Hinihintay pa naming ang sagot nang magkabilang panig kung tutuloy sila Aking na magloan habang gayundin ang sagot ng komisyon sa seguro kung masisiguro nilang makakaloan itong si Aking na ayon sa aming source ay umayaw na dahil kinikikilan.///michael balaguer

BINABALAK NA PAGSIPA KAY ALVARADO SA PAMAMAGITAN NG RECALL, MALABO PA

Mukhang malabo pa ngayon na magtagumpay ang binabalak ng ilang sektor na sipain sa puder itong si Sy-Alvarado dahil may kaunting bango pa siya sa Bulakenyo. Ito ang natuklasan ng inyong lingkod sa pakikisalamuha sa ibat-ibang sektor kapwa pabor at hindi sa kanyang pamumuno. Bukod sa mga halatang kontra at naninira, maging nasa pamamahayag man o sa mga paningit lang na nagpapanggap na marunong at may mga alam, kinukuha ko rin ang pulso ng mga karaniwang tao at sektor na pakiramdam ko ay pinababayaan niya sa kanyang pamumuno ngayon.

Kawawa naman talaga ang mga Bulakenyo sa pangkalahatan kasi ang mga ipinangako ni Alvarado nuong kapapasok pa lang niya bilang gobernador ay talaga namang iilan lang ang kanyang natupad. Magkaganoon man sabi nga ay at least may naisakatuparan ang mama na resulta sa ilang taong pamamayagpag niya sa puwesto. Yung marahil ang dahilan kung bakit kahit hayagang naryan ang mga galamay ng mga kontra sa kanya ay mukhang Malabo pa ang inaanytay nilang pagsipa sa huli sa puder.

Sa mga isinulat kong opinion halatang wala naman akong masamang tinapay kay Alvarado, isa pa ay hindi naman siya “iba”sa akin, dangan lang ay kailangan nating bumalanse sa pagitan ng mga kumokontra sa kanya at sa kanya, maging salamin sa pagitan niya at mga hunghang na nasa paligid niya at nakadikit na parang mighty bond na ang ending ay parang linta na sinisipsipan siya ng dugo, oo nga mukhang tama ang analogy na iyon dahil mas maputi siya ngayon kumpara nuon. (mike balaguer)

PRESS COVERAGE NA KINA KANGKONG AT WALANG KASALANANG NAGPAPALIWANAG

Nililimita raw sa mga malalaking network sa Maynila ang coverage ng nakaraang fiesta republica na ginanap sa malolos at pinipigilan ang mga local press na mag cover di kaya kung payagan man ng bahagya ay kinakangkong pa ang kapiranggot na stipend raw ng provincial public affairs office ng Bulacan.

Ang gumagawa ng ganitong kabulukan ay halatang hindi buhat sa media dahil kung taga media siya ay alam niya ang kalakaran at hindi niya nanakawin ang hindi sa kanya. Ang media work ay isang trabaho at ang trabaho ay dapat may suweldo, hindi lang empleyado ang media, may mga tinatawag na media entrepreneurs o mga freelance broadcast at print practititioners.

Sa bansa ngayon ay mas nakararami ang bilang ng mga ito ngunit sila ang tila inaabuluyan lang ng mga tiwaling ahensya ng gobyerno gaya ng sa Bulacan na napakalaki ng kinakangkong na budget ng provincial public affairs office at kapiraso ang ibinibigay nila sa mga nagko cover.

Halos ilibre na lang nila ang stipend ng mga nagko cover at hayagan nilang ibinibigay ang pera sa mga ahente ng malalaking network na binabayaran nila ng daang libo kada coverage pero ilang Segundo lang na makikita sa telebisyon ang pangit na mukha ng kanilang mga amo o daang libo ang ginagasta para sa pagpapa publish ng full page sa mga diaryong ang ending ay pambalot lang ng tinapa sa palengke.

Sobra na nga ang ginagawang pagmamaliit sa sektor ng pamamahayag nitong Gobernador na pinaa alis sa puwesto at ang kanyang hindi popular na public affairs chief na kilala na ng lahat na kumakangkong ng budget kaya kung may matalinong makababasa ng pitak na ito bagaman opinion ko lang ito, sana sa ating mga mamamahayag dyan sa bulacan, maging matalino kayo! Huwag nyong hayaang tapakan kayo ng mga ito.

Minsan, huwag nyong I kober total sabi ni Alvarado sa amin minsan nuong kinumusta naming siya “hindi raw niya kami kailangan” pero panay ang paliwanag niya tungkol sa alingasngas nya at mga ibinibintang sa kanya na mali daw at walang katotohanan.

Ginagawa pa kaming tanga, kung wala kang kasalanan e bakit ka pa magpapaliwanag?baka may kasalanan ka nga sa kung anong ibinibintang sa iyo. Di ako nag touch sa isyu na iyon dahil wala naman akong mapapala. Ang mga taong kagaya nila ay natural na mawawala sa eksena dahil di naman sila permanentein ito dahil kung hindi natin ibinoto yang mga gakagaya nyan ay hindi sila maluluklok dyan kahit anong gawin pa nilang daya at kung sino pa ang maging padrino nila kung di ka bumoto walang tarantadong maihahalal na magpapayaman lang.

Ang tamaan ng bato tanga kasi hindi umilag, kung mali ako dapat walang magpaliwanag at pumalag.  Pero I doubt na mali ako dahil may tarantado nga minsan na nagsabing di raw siya nagbabasa ng news websites pero nang punahin ko siya sa isinulat kong artikulo sabi niya nang magkita kami ay bakit ko naman siya binabanatan? Excuse me ho, diba hindi kayo nagbabasa ng online?paano nyo nasabing binabanatan ko kayo? Sabi ko, baka idemanda ko kayo nyan, paninirang puri yan.

Alalahanin natin na kasalanan rin natin kaya may mga pulitikong maliit ang tingin sa atin. Ina araw araw natin puntahan sa kanilang mga opisina pagkatapos binabanatan pa natin, lalo kung nagbibigay ng pera at tinatanggap natin.Sbi pa ng ating mapagkakatiwalaang source na nuon ay nag cover din, tila kinakangkong ng Provincial public affairs Office ang Budget para sa mga magko cover at nilimita lamang sa mga malalaking networks na binayaran nila ang coverage habang ang sa mga local na mamamahayag ay halos libre na, limos.

Dapat dina yan kinober ng media dahlia ng tingin naman ng PPAO sa mga community press dyan sa Bulacan ay maliliit. Barya-barya lang, akalain nyo bang ang budget raw ay 18,000 para sa mga magko cover na dapat mga tig 500 pesos na baryang sipend. Lintek kayo, sa maynila ang stipend ng mga magko cover sa isang event ay minimum 5000. Mga dimonyo talaga, e what else is new naman, J kunsabagay di naman sila magtatagal sa puwesto, ang clamor ay lalong lumalala, marami nang nagpapapirma.(mike balaguer)

NATIONAL DAY OF PRAYER NA ISANG ECUMENICAL EVENT WALANG ISLAM

Ginanap kamakailan ang sinasabi nilang National Day of Prayer at pinangunahan ito ng Gobernador ng Bulacan, si Governor Wilhelmino M Sy-Alvarado. Pag sinabi nating isang particular religious event or activity, gaya kunwari ng town fiesta, sa Catholic yun, katoliko lang ang nagpi fiesta. Kung pamamahayag ng salita ng Dios, pang Iglesia ni Cristo ang nasabing aktibidad at kung March for Jesus, ito ay sa mga born again.

Sinabi nilang isang ecumenical event ang national day of prayer nila, kaso bakit kung isang ecumenical event, ibig sabihin ay lahat ng relihiyon dapat may participation? Walang partisipasyon ang Islam sa kanilang mga aktibidad, kakatwa dahil napakarami naming muslim sa Bulacan at sa mga aktibidad ay nagpa participate naman sila.

Maari, sabi nga ay baka kinukulam na naman ang utak nitong si Gov. Alvarado at inu orasyonan na naman siya ng kanyang mga mangkukulam na kristiyano na I etsa pwera ang Muslim sa aktibidad, kahit mapa sama siya sa mata ng marami, ay hindi niya yun alam, parang lasing?

Kwento ng ng isang Muslim preacher o priest, Imam ang tawag sa amin, nakita daw niya ang event. Oo nakita niya, dahil hindi nga siya invited ay dun na lang Siya sa tabi at nanuod. Hindi siya nagkomento wala siyang sinabing masama o mabuti, akin ito, komento ko bilang isang Muslim at hindi dahil sa kung ano pa mang dahilan.

Wala naman akong personal na probelma sa kapitolyo, okay lang kung ano ang paggagawin ng mga pulitikong yan, sila naman ang masisira dyan e ang akin lang ay parang mga tanga ang mga unggoy na nasa likod ni Gov. Alvarado dahil hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng ecumenical, kapag ecumenical dapat lahat ng relihiyon kasama, simula sa Buddhist, Muslim, Hindu at hindi lang Kristiyano at mga sektang nasa ilalim nito, yan ang ekumenismo, yan ang mukang di alam ng mga “sulsultant” ni Alvarado kaya tuloy, ipinabalita pa niya kamakailan sa broadsheet na namatay ang isang conjoined twins at nagpa litrato siyang naka lab gown, napa sama ang imaen ng gobernador, naku ano ba yan? (abdul malik balaguer)

PRUSISYON NG STO NINO SA MALOLOS ISANG LGBT AFFAIR, NAGKALAT ANG SYOKE SA VENUE

Napaka religious naman ng mga bakla sa Malolos. Ganoon din kaya ka relihiyoso ang mga syoki sa ibang bahagi ng bansa?sa Metro Manila kaya? Aba, maari dahil ang mga nag attend ng sto nino de malolos procession ay 40% binabae. Oo naman, mga bekimon at kung ano pa mang makabagong tawag sa kanila, lahat sila ay masigabong nakipag participate, e pati nga mga cumite de festejos yata ay ka miyembro ng federasyon.

May mga instances nga na nai imbiyerna ang mga syokita sa mga titi-ngin tingin sa kanilang mga papa habang nakikitang naglalandian ang ibang mama sa papa ng ibang mama na mukang papa. Medyo magulo ano po?ang bottom line lang nyan kasi ay kahit ganoon sila makikita nating napaka relihiyoso rin pala ng mga ito at hindi natin matatawaran ang kanilang mga debosyon.

With all fairness, napakarami naman talagang mababait na syoke. Marami kami ng misis kong kaibigang ganyan, pati ng tibo, mga gurl na boy-na-boy, mas boy pa sa boy ang hilatsa, may mga kaibigan rin kaming mga babaeng bakla, babae na parang bakla. Kaya nga kung may mabait na bakla, mayroon ding mga imbyerna, na imbyerna ang beauty dahil maaring gusto nilang mag dress e pinagbarong sila ng kanilang mga madir at fadir, anyway keri naman daw medyo lang asiwa lalo nung may tumitingin sa mga syota nilang lalaki (na swarding rin).

In general ay mukhang tagumpay naman ang nasabing activity, at least it’s a catholic religious activity, how ironic naman na the catholic church denounces gay marriages and unions pero in some countries that has a predominantly catholic populace e okay lang ang mga kabaklaan, parang dito sa pilipinas, we live in a plastic society, kaya nga ang ordinansang “bawal ang plastic” isang batas na hindi pinag isipan ay nagpo proliferate sa maraming probinsya gaya ng Bulacan. ///abdul malik bin ismail

MOVEMENT PARA SIPAIN SI ALVARADO SA PAGKA GOBERNADOR IKINAKASA NA RAW SA MALOLOS

Ikinakasa raw ng mga disgustado sa pamumuno ni Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang isang pagkilos upang I recall ang gobernador at tanggalin sa puwesto ayon ito sa isang source ng www.diaryongtagalog.net Pakiwari ng ilan ay maaring na bwisit na ang mga taong pinangakuan ng butihing gobernador mula pa nuong Mayor siya ng Hagonoy, hanggang mag Congressman abot nung mag Bise Gobernador hanggang ngayon.

Ang tagal nun ah? Mukang tama ang mga sinasabi ng marami tungkol sa pangakong pulitiko, pinangakuan ka na, e huwag ka nang umasang tutuparin pa. naku, wag naman sanang ganyan nga ang puno’t dulo ng recall what-have-you ng mga pundador ng movement na ito dahil kung sa personal lang, e napaka bait naman ni Gov.

Saan ka naman makakakita ng hands on executive na hanggang dis oras ng gabi ay nasa opisina?siya mismo ang humaharap sa tao at hindi idini delegate ang mga trabaho sa mga subordinates niya, na ngayon ay mga umaabuso.

Ang hands on leader na kahit sunog lang ng talahib ay pinupuntahan, iniisa isang punatahan lahat ng birthdays at lamay kahit saan ka pa sa Bulacan. Walang ganyang lider, siya lang. okay nga yon, personal sa akin, maganda yun. Kasi bumababa siya sa masa, kaya lang sa narinig ko tungkol sa movement, it involves many issues.

And some issues are hard to compromise, wika nga nila, dahil matagal na raw talaga iyon. Tinanong namin e bakit ngayon pa lang ninyo binuksan yan?baka naman pinapapait nyo lang ang kanyang matamis na pangalan sa mga Bulakenyo, or pina aalingasaw nyo lang ang kanyang mabangong pangalan? Sabi ng aming mga nakapanayam ay “mabantot na si Gov sa Bulakenyo” (mike balaguer)

Maluwag pa ang Pilipinas, huwag tayong magsiksikan sa mga lungsod

Malalaking lupa na wala namang nakatirang tao, , iyan ang tunay na aksena pag nagkaroon ka ng pagkakataong makaikot sa buong Pilipinas at hindi ang nakikita mo lang ay ang apat na sulok ng iyong magara at pangmayamang tanggapan.

Sabi ng mga “marurunong” sa Maynila, siksikan na raw ang Pilipinas at napakarami na raw ng ating populasyon, wala na raw taong makain dahil wala nang lupang sasakahin, wala nang paglalagyan ng industriya dahil daw sa dami ng tao at dapat dawn a mag de populate na tayo. Weh? Naikot na kaya nila ang buong 7,107 na islang bumubuo sa Pilipinas nating mahal?

Malamang hindi pa, kasi kung naikot na ng mga yan at nakita  ang buong kagandahan ni LuzViMinda, malamang sa bawat agwat ng mga lugar na napuntahan nila, they will come across places na iilan lang ang nakatirang tao, a handful wika nga ng kumpare kong egoy. Malamang hindi nila sasabihin iyon dahil kahit sinong makabisita sa atin lalo sa mga malalayong bayan, sinasabi nilang nasasayang lang an gating resources dahil hindi nagagamit.

Kung magamit man ng iilan ay iilan lang rin ang nakikinabang dahil iilan lang ang nabibigyan ng oportunidad na mag aral, magkaroon ng puhunan para magnegosyo, magkaroon ng trabahong ipupuhunan para paunlarin ang lupain nila.

Kung sa Maynila ay nagtitiyaga sa square meters ang labanan sa lupa, sa kanayunan ay ekta ektarya. Ang mayaman ay may daan-daan o libu-libong ektarya ng pag airing lupa habang ang mahirap ay may daan-daang ektarya ng lupa. Ang iba ang may mga titulo ang iba ay ancestral domain pero kung lalagyan ng tao ang mga iyon, kasyang isiksik ang buong populasyon ng Pilipinas sa iilang parsela ng lupa.

Sa mga island provinces ng bansa na ginagawang venue na for conservation at eco tourism, hindi nila gagawin iyon kung may mga nainirahang tao, wala kasing tao kaya ikino conserve na lang. alalahanin natin na the environment often replenish itself through time kaya ang isang lugar na iniwan ng tao, kahit gaano kaunlad o makabago, pag wala nang naninirahan ay magiging gubat.

Hindi rin totoong nasisira na ang kapaligiran, katwiran lang ito ng mga grupong ayaw na umasenso ang kapwa o ayaw ng pagbabago, progreso at ang pag angat ng kalagayan sa buhay ng kapwa, sila yung nag iisip na dapat may mataas at may mababa, may mahirap at may nakaka angat, ayaw nilang umangat ng bahagya ang marami dahil mababawasan ang lalamunin nilang iilan lang. kaya maluwag pa ang Pilipinas, wag tayong magsiksikan sa mga lungsod. (mike balaguer)

Stockholm syndrome dinaranas ng maraming peryodista

Dapat ay kamuhian ang umapi at hindi dikitan na parng “mighty bond” o maging “super close” na parang “wala lang”, ipinagmamalaki pang ginago sila, ginawan ng masama o sinaktan. Ito ang masasabi nating ala “Stockholm Syndrome” na nararanasan ng marami sa ating mga peryodista.

E ano nga ba yang “Stockholm Syndrome” na yan? Ito yung dinaranas ng mga biktima ng kidnapping kung saan imbes na kamuhian nila yung mga captors nila ay parang sinasabi nilang napapamahal sila o kinakampihan nila ang masamang gawa nito sa kanila at lumalabas pang justified ito.

Ipinagmamalaki pa ng mga “old school” press na nuon ang wika ay hinarass sila, sinaktan, tinortyur at pinahirapan ng military at pulis na di rin sila nakakuha ng hustisya sa mga ginawasa kanilang kasalanan. Pinagbintangan pa raw sila, ikinulong at muntik mamatay sa hirap na dinanas at ang mga may atraso sa kanila ngayon, kundi na promote ay namamayagpag pa rin at patuloy na ginagawasa iba ang ginawa sa kanila. Kung baga sa evolution e they did not evolve for the better but for the worst.

Ngayon, itong mga old school ay tinitingala ng mga mas bagong henerasyon, okay lang yun dahil sa wisdom nila, huwag n asana sa “kaduwagan” at sa sakit nilang “Stockholm syndrome”, tayo sa peryodismo, ang tingin ng mga pulis at militar kalaban tayo, kahit paano pa natin paikut ikutin tayo pa rin ay kalaban nila kaya di natin sila dapat pagkatiwalaan ng buo.

Sila ang kamay ng gobyernong tayo din ang may likha upang sikilin an gating karapatan at pumigil sa kung anong gusto nating iimplimenta o ipaglatag na suhestiyon sa pagbabago. Lagi silang kontra sa lahat ng puna natin “gunggong” lang ang marami sa atin na nagtitiwalang masyado dyan sa mga yan, instrument sila sa pagsikil sa ating karapatan magpahayag ng mali ng gobyernong dahil sa “kagaguhan” natin ay naryan at naka puwesto.

Sa pagdaan ng panahon, nag evolve na ang tawag sa atin ng mga pulis at militar, dati subersibo, kumunista, kaliwa, pampagulo ngayon terorista na tayo sa kanila, kaya pag kasama natin ang mga yan, lagging 360’ ang mata natin dahil hindi lang nuong panahon ni Apo Macoy may batas militar, hindi lang nuong panahon ni Tita Coring may Deseparasidos, hindi lang nuong panahon ni Aling Gloria may “maguindanao massare”ngayon din kaya? Sa panahon ng boss mo! (mike balaguer)

Bakit nga ba nabibiyak ang mga samahan?  A classic case of Demonization?  Saradit man sana sinda kuno

Hindi na bago ang eksena sa ilang mga samahan na pagkatapos maghalalan ay nagkakabiyak-biyak ang mga miyembro at lumilikha ng sariling paksyon. Maraming dahilan kung bakit ito nangyayari, isa ay maaring may miyembrong nag ambisyon ng mataas at kumandidato bilang pangulo pero dahil ayaw sa kanya ng nakararami ay sinawimpalad siyang matalo.

Siguradong magtatayo ng kanyang sariling paksyon ang natalong kandidato lalo at pakiwari niya ay naging lubhang hindi patas ang kanilang naging labanan, kahit sabihin pa natin na talagang talo siya, ipagduduldulan pa rin niyang hindi siya natalo bagkus ay dinaya lamang ng kanyang kalaban, aabot pa sa puntong mag babatuhan sila ng putik at kani-kanyang bahong itinatago, ganyan naman sa Pilipinas e, paulit-ulit lang.

Pwede rin natin sigurong ipagtahi-tahi ang ebolusyon ng mga samahan sa ating propesyon, mula sa iilang grupo o isang malaking grupo ay umusbong ang maraming katulad nito dahil sa mahalagang kaganapan minsan isang panahon sa isang mahalagang halalan. Isa lang ang nanalo at ang natalo niyang katunggali at mga alipores nito ang bumuo ng bagong grupo.

Several schools of thought can become potent source of reference on this matter. Take the case of an arm, a chapter of a regional association which almost all of its past presidents aimed at recruiting new members yet still they numbered below ten up to this day.

I had the privilege to talk with its current president and I was able to satisfy my query, indeed one of them often play the devil’s advocate once the topic of membership is opened, he (the president) told me that this guy who plays little Satan often belittles their less fortunate colleagues especially those whom “they thought” aren’t writing or radio broadcasting for big Manila based entities.

One more thing is, these guy’s thought that if a press practitioner aren’t covering the police provincial camp or the provincial capitol hence aren’t visible on local politicians regular people’s day, they consider them as fake ergo the custom’s original words “hao shao” is tagged at the person. Though stupid and pathetic it may sound, it’s a proven fact.

Several reasons why most of the members of the press that resides here in Bulacan are affiliating themselves with organizations outside their home province, because of the crude and unprofessional attitude of these “local” folks who pretends to have themselves though of as national in scope, more or less, it’s my opinion anyway and my right to express what I want.

Nadangog ko sana ini ura man nagtaram sa’kon, dai daa pig pasabot sa inda kunta igwang lalakawon kidamlag iha’pot man sa inda ngunyang ga’bi. Lintian e dai na sinda maka iba ta ura pamlete, ura man malunadan, kina ta dai na nakaiba, sina na nakaduman an maurag ta sina an nakatultol, kina kun pag isipon mo kon ihapot ninda ito harayu pa, dakulun sindang nakaduman.

Duwang semana bago ngunyan hinapot ako kan dating pangulo kan among samahang pigsamahan me haluyung panahon nang dai ko pigsisipot an aktibidad ninda, nag urun kami ta kaipuhan daang makaduman ako kaya Among mag agom at kaiba an duwang babayi na kaiba me sa pagsurat, upat sana kaming representante nan among probinsya, otik man sana na makaduman sinda ta dakulun daang piggigibo. Habo kon mag taram kan hiha’dit me maray sa inda na pag una sa mo ay saradit. (mike balaguer)