KWF

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

๐‘น๐’†๐’™๐’๐’ ๐‘ฏ๐’๐’“๐’‚ ๐‘ฎ๐’‚๐’”๐’•๐’๐’, ๐‘ฏ๐’Š๐’๐’Š๐’“๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐‘พ๐‘ญ ๐’๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’š๐’”๐’‚๐’š ๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’‚๐’๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”!

Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Rexon Hora Gaston ng KWF Mananaysay ng Taon 2026 pรกra sa kaniyang sanaysay na: โ€œAng Paglimot sa Panahon ng Pag-alala: Paniyaw, Ngilin, at Bain sa Panahon ng Artificial Intelligence.โ€ Makatatanggap siyรก ng PHP30,000.00 (net), plake, at medalya.

Nagwagi naman si Emersan D. Baldemar ng Ikalawang Gantimpala pรกra sa kaniyang sanaysay na โ€œMebuayaan at Kadatngan: Ang Paradalumat ng Hinuha Bรญlang Lohos-Matris ng Artificial Intelligence at Balatuwas sa Kapwadunong, Nakem, at Kapantayang Epistemiko ng Wikang Filipino.โ€ Makatatanggap siyรก ng PHP20,000.00 (net) at plake.

Nanalo rin si Mark Anthony S. Angeles ng Ikatlong Gantimpala sa kaniyang sanaysay na โ€œArtipisyรกl maโ€™y Nakikipagkรกpuwรข: Artificial Intelligence at ang Buhรกy na Wikร ’t Dรกnas ng Filipรญno.โ€ Makatatanggap siyรก ng PHP15,000.00 (net) at plake.

Si Rexon H. Gaston ay kasalukuyang Assistant Professor sa Kalinga State University na nagtuturo ng mga asignaturang Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino, Art Appreciation, The Life and Works of Rizal, Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP), at Language and Literature. Nagwagi rin siya ng โ€œMost Creative Short Story of the Yearโ€ sa Instabright Third National Literary Award noong 2024. Nagsusulong siya ng pagpapalaganap ng wikang Filipino, ISKP, ingklusibong edukasyon, at mga pedagohiyang pangkultura.

Ang Sanaysay ng Taon ay taunang patimpalak ng KWF na naglalayong himukin ang mga natatanging mananaysay ng bansa, na ilahok ang kanilang mga sanaysay. Ang paksรข ngayong taon ay tungkol sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Ang Bunyi: KWF Gabi ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 27 Agosto 2026.

๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’”-๐’•๐’‚๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’ˆย ๐‘ฏ๐’–๐’Œ๐’–๐’Ž๐’‚๐’ย ๐’๐’ˆย ๐‘ท๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’”,ย ๐‘ฎ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’˜๐’‚๐’“๐’‚๐’ย ๐’๐’ˆย ๐‘ฒ๐‘พ๐‘ญย ๐‘ซ๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’ย ๐’๐’ˆย ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚ย ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Gagawaran ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ng KWF Dangal ng Wika 2026 sa Kategoryang Samahan/Institusyon ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.

Ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay nanguna sa paggamit ng sariling wika sa mga kapasiyahang nagmumulat sa kamalayang bayan, mga usaping panghukuman, mga katawagang legal, mga pahayag sa publiko, at mga diskursong pangkatarungan, at matagumpay nitong nailapit ang wika ng batas sa sambayanang Pilipino.

Ang Gawad Dangal ng Wika ang pinakamataas na pagkilรกla sa mga indibidwal, samahรกn, tanggรกpan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaรกn o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa tรบngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino at/o iba pang wika sa Pilipinas. Ang gagawaran ay makatatanggap ng tropeo, plake, at medalya.

Ang KWF Gabi ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 27 Agosto 2026.

๐’๐Š ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐๐š๐ญ๐ก๐š๐œ๐ข๐š ๐™๐ข๐ž๐ซ๐ซ๐š ๐„. ๐„๐ซ๐ž๐ฌ๐ž, ๐“๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐†๐š๐ฐ๐š๐ ๐‚๐š๐ซ๐ฅ๐จ๐ฌ ๐๐š๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Tatanggap si Kgg. Nathacia Zierra E. Erese ng KWF Gawad Carlos Padilla 2026 ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.

Si Kgg. Nathacia Zierra E. Erese ay ang Tagapangulo ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Osmeรฑa ng Solano, Nueva Vizcaya. Kaniyang pinangunahan ang pagpapatibay ng mga ordinansang nagtataguyod sa mga programa, komunikasyon, at mga dokumento ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Osmeรฑa, gayundin sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, na nagbigay ng higit na sigla at saysay sa pagpapayabong ng kamalayang pangwika at pangkultura sa hanay ng kabataan at buong pamayanan.

Ang Gawad Carlos Padilla ay mataas na pagkilรกla sa mga mambabatas na may natatanging ambag o nagawa tรบngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino. Ang gagawaran ay makatatanggap ng busto, plake, at medalya.

Ang KWF Gabi ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 27 Agosto 2026

๐๐š๐ ๐›๐ฎ๐จ ๐ฌ๐š ๐Ž๐ซ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ข๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Œรซ๐ง๐ฎ๐›รน ๐ƒ๐ฎ๐ฅรก๐ง๐ ๐š๐ง, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐Š๐จ๐ซ๐จ๐ง๐š๐๐š๐ฅ

Nagsagawa ng Palรญhan sa Pagbuo ng Ortograpiya ng wikang Mรซnubรน Dulรกngan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 6โ€“8 Agosto 2026 sa Paraiso Verde Hotel, Lungsod Koronadal.

Ang mga gawain ay pinangunahan ng mga mananaliksik ng KWF na sina Dr. Jose Evie  G. Duclay, Rolien Mark M. Balisi, at Christian DS. Nayles; SWK ng University of Southern Mindanao (USM); mga gurong manunulat mula sa DepEd Sultan Kudarat, at mga elder ng komunidad ng Mรซnubรน Dulรกngan mula sa pitong (7) bayan ng Sultan Kudarat.

Naging katuwang ng KWF sa pananaliksik na ito ang mga kinatawan mula sa Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng USM para matiyak ang maayos na implementasyon ng mga gawain at mapalakas ang ugnayan ng dalawang institusyon sa mga proyektong pangwika.

Sa unang araw ng palihan, tinalakay ni Dr. Jose Evie G. Duclay ang introduksiyon sa proyekto ng KWF na pagbuo ng ortograpiya, kabilang ang henetikong ugnayan ng mga wika sa Pilipinas. Ipinakilala naman ng mananaliksik na si G. Rolien Mark M. Balisi ang International Phonetic Alphabet (IPA) at ginabayan ang mga kalahok sa pagtuklas ng mga tunog na ginagamit sa wikang Mรซnubรน Dulรกngan at mga prosesong morpoponemiko.

Sa ikalawang araw, pinangunahan naman ng mananaliksik na si G. Christian DS. Nayles ang pagsulat ng mga kabanata ng ortograpiya, kabilang ang pantig at pagpapantig, pagbaybay na pabigkas at pasulat, at paggamit ng mga tuldik at bantas.

Ang Pagbuo ng Ortograpiya ng mga Wika ng Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika, Publikasyon, at Promosyon (SLPP) na naglalayong paigtingin ang dokumentasyon, pagpapaunlad, at pagsusulong sa paggamit ng mga katutubong wika sa Pilipinas.

๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐ซ๐ข๐จ๐ฌ-๐“๐š๐ซ๐š๐ง, ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ๐ง๐  ๐Œ๐ž๐ง๐ฌ๐š๐ก๐ž ๐ฌ๐š ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐€๐ƒ๐ˆ๐๐€๐

Idinaos ang Araw ng KADIPAN (Kapisanan ng Diwa at Panitik) noong 25 Agosto 2026 sa Metro Manila College sa Novaliches, Lungsod Quezon, sa ilalim ng Kolehiyo ng Edukasyon, at naging panauhing tagapagsalita si Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, lalo na sa akademya. Aniya, mahalaga na patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral at mamamayan na pahalagahan at mahalin ang wikang pambansa bilang salamin ng kanilang pagkakakilanlan. Ipinaliwanag din niya ang tema ng pagdiriwang ngayong taon.

Sa huli, ipinaalala ni Tagapangulong Barrios-Taran na sa patuloy na pag-unlad ng akademya, dapat ding umunlad ang wikang ginagamit upang magkaunawaan, magkaisa, at makapaglingkod sa bayan ang mga mag-aaral sa hinaharap.

Bukรกs-palad na tinanggap noรณng 26 Nobyembre 2025, ni Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa isang makabuluhang pรบlong at diyalogo sina Dr. Edwin R. Mabilin at Dr. Lakandupil C. Garcia, na kapuwa kilalang propesor, manunulat, editor, tagasalin, tagapanayam at tagapagtaguyod ng kapakanang pangwika sa bansa.

Nakiisa sa naturang pรบlong sina Fultaym Komisyoner Dr. Carmelita C. Abdurahman na kumakatawan sa wikang Samar-Leyte at Dr. Benjamin M. Mendillo Jr na kinatawan ng wikang Ilokano.

๐‚๐จ๐ง๐ . ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ ๐‹. ๐“๐ข๐ง๐ข๐จ, ๐†๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ซ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐†๐š๐ฐ๐š๐ ๐‚๐š๐ซ๐ฅ๐จ๐ฌ ๐๐š๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Gagawaran si Kgg. Antonio L. Tinio ng KWF Gawad Carlos Padilla 2026 ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.

Si Kgg. Antonio L. Tinio ay kasalukuyang kinatawan ng ACT Teachers Party-list sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Siya ang pangunahing may-akda sa Mababang Kapulungan ng Filipino Sign Language (FSL) Act (Batas Republika Blg. 11106), na nagbigay ng opisyal na pagkilala sa FSL bilang pambansang wikang senyas ng mga Binging Pilipino at nagpalawak sa paggamit nito sa edukasyon, serbisyong pampubliko, at komunikasyong ingklusibo; gayundin sa kaniyang patuloy na pagsusulong ng mga panukalang nagpapatibay sa paggamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa sistema ng edukasyon at sa mga institusyong pampubliko.

Ang Gawad Carlos Padilla ay mataas na pagkilรกla sa mga mambabatas na may natatanging ambag o nagawa tรบngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino. Ang gagawaran ay makatatanggap ng busto, plake, at medalya.

Ang KWF Gabi ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 27 Agosto 2026.

-30-

๐’๐Š ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐๐š๐ญ๐ก๐š๐œ๐ข๐š ๐™๐ข๐ž๐ซ๐ซ๐š ๐„. ๐„๐ซ๐ž๐ฌ๐ž, ๐“๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐†๐š๐ฐ๐š๐ ๐‚๐š๐ซ๐ฅ๐จ๐ฌ ๐๐š๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Tatanggap si Kgg. Nathacia Zierra E. Erese ng KWF Gawad Carlos Padilla 2026 ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.

Si Kgg. Nathacia Zierra E. Erese ay ang Tagapangulo ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Osmeรฑa ng Solano, Nueva Vizcaya. Kaniyang pinangunahan ang pagpapatibay ng mga ordinansang nagtataguyod sa mga programa, komunikasyon, at mga dokumento ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Osmeรฑa, gayundin sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, na nagbigay ng higit na sigla at saysay sa pagpapayabong ng kamalayang pangwika at pangkultura sa hanay ng kabataan at buong pamayanan.

Ang Gawad Carlos Padilla ay mataas na pagkilรกla sa mga mambabatas na may natatanging ambag o nagawa tรบngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino. Ang gagawaran ay makatatanggap ng busto, plake, at medalya.

Ang KWF Gabi ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 27 Agosto 2026

-30-

๐๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ญ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐†๐ฅ๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ก๐š๐ง๐š๐ฉ๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ

Isinagawa noong 3 Hunyo 2026 ang pangangalap ng datos para sa Glosaryong Panghanapbuhay sa Pagpapalayok at Pagpaparol sa Brgy. Gatbuca, Calumpit, Bulacan at ang gawaing ito ay bahagi ng proyektong Diksiyonaryo bรญlang pagpapalawak ng bokabularyong panteknolohiya at panghanapbuhay.

Kabilang sa mga ininterbiyu sina Carmelita F. Baluyot, hulรญng magpapalayok sa lugar; Milagros Ramos-Lugto, magpapalayok at may-ari ng Milabel Pottery; at Juanito Mallari Sr., magpapasรด, mulรข sa Brgy. Gatbuca, Calumpit, Bulacan; pati si G. Rolando S. Quiambao na tinaguriang Parol King ng San Fernando, Pampanga.

Layunin ng gawain na magtipon ng mga terminong panghanapbuhay na nakatuon sa pagpapalayok at pagpaparol sa mga pangunahing lugar na isinasagawa ito, kabilang ang Bulacan at Pampanga. Ang mga terminong malilikom at maidokumento ay gagamiting panimulang glosaryo para sa higit pang pagpapalawak ng pananaliksik sa wika at kultura.

Pinangunahan ng KWF ang gawain, sa ilalim ng Sangay ng Leksikograpiya at Korpus ng Pilipinas kasama sina Jennifer Bactol, Mae Ann Cansino, Earvin Christian Pelagio, at Julius Pontillas. Katuwang sa gawaing ito sina Dr. Mary S. Bulaong, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, at G. Manolito G. Mata ng Bulacan State University, Kgg. Levi Peralta-Gallardo ng Brgy. Gatbuca, Prop. Roilingel P. Calilun, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura ng Pampanga State University, at LGU Tourism Office ng San Fernando, Pampanga.

๐Š๐–๐… ๐€๐ค๐ญ๐ข๐›๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Š-๐Ÿ๐ŸŽ ๐‚๐ฎ๐ซ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ฆ ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฌโ€™ ๐’๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ

Aktibong dumalo ang Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Atty. Marites A. Barrios-Taran, kasama ang Fultaym Komisyoner Benjamin M. Mendillo sa K-10 Curriculum Implementersโ€™ Summit na isinagawa noรณng 15 Enero 2026 sa Rizal Park Hotel, Manila. Layunin ng pagtitipon na pagtibayin, talakayin, at pag-ibayuhin ang pagpapatupad ng K-10 Kurikulum sa buong bansa.

Nagbigay ng mahalagang mensahe si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara at binigyang-diin nito ang papel ng mga tagapagpatupad ng kurikulum sa paghubog ng makabuluhan, ingklusibo, at makabansang edukasyon. Hinikayat niya ang mga guro, administrador, at katuwang na institusyon na magkaisa, makipagtulungan, at magsulong ng de-kalidad na sistema ng pagkatuto.

Nakiisa rin sa summit sina G. Gerson Marvin M. Abesamis, Director IV ng Bureau of Learning Delivery, Atty. Ester A. Funtalan, OIC, Office of the Director III ng BLD, at G. Jerome T. Buenviaje, Assistant Secretary ng Learning System Strand. Aktibo silang nagbahagi ng pananaw, naglatag ng mga polisiya, at nagpaliwanag ng mga estratehiya kaugnay ng epektibong implementasyon ng K-10 Kurikulum.

Ipinakita ng K-10 Curriculum Implementersโ€™ Summit ang sama-samang pagkilos ng mga pinunแฝธ, eksperto, at institusyon upang paunlarin ang edukasyong Pilipino.

Ferdinand P. Jarin at Darwin P. Plaza, Wagรฎ ng PHP100,000.00 sa KWF Gawad Julian Cruz Balmaseda 2026

NAGWAGI ng PHP100,000.00 sa Gawad Balmaseda 2026 ng Komisyon sa Wikang Filipino si Ferdinand P. Jarin, PhD para sa kaniyang disertasyon sa DLSU-Maynila na pinamagatang โ€œAng Kalyeng Walang Kamatayan: Ang Paglalandas ni Leoncio P. Deriada sa Panitikan ng Banwa at Bansaโ€ bรญlang pinakamahusay na disertasyon sa taรณng 2026.

Matagumpay niyang nailahad sa komprehensibong pamamaraan ang pagpapakilรกla ng kongkretisasyon at uswag ng panitikang rehiyonal. Tumuon ang pananaliksik na ito sa pag-iral ng panitikan ng Kanlurang Visayas sa kontemporaneong panahon. Pinatunayan niyang sa pamamagitan ng pagtatanghal ng ilang pilรญng akda ni Leoncio P. Deriada, malinaw na maitatampok ang sensibilidad at konsepto ng pagkabansa. Patรบloy nitรณng hinahawan ang landas ng pagdurugtong at pag-aagapay ng panitikang rehiyonal at panitikang pambansa.

Samantรกla, nagwagi rin si Darwin P. Plaza ng PHP100,000.00 para sa kaniyang tesis masterado sa Ateneo De Naga University na pinamagatang โ€œGakot at Paglaban sa Kalamidad ng mga Taga-Partido Erya sa Bicol, Pilipinasโ€ bรญlang pinakamahusay na tesis sa taรณng 2026 ng Gawad Julian Cruz Balmaseda.

Nakatuon ang pag-aaral sa mga katutubong kaalaman sa paghahanda sa kalamidad ng mga malayรฒ at tabing-dagat na komunidad sa Partido Erya, Bikol.

Matagumpay ang nagawang  dokumentasyon na nagpapakita ng isang malinaw na ambag sa pagpapanatili, pagpapaunlad, at pagpapahalaga ng anyo ng kultura at tradisyong sumasalamin sa pagkamalikhain at pagkamaugnayin ng mga taga-Partido sa kanilang lokal na kapaligiran.

Malinaw na napunuan niya ang kakulangan o kawalan ng mga pag-aaral tulad ng katutubong paggagakot bรญlang isang katutubong estratehiyang tumutugon sa panganib ng kapaligiran. Ang saliksik ay maituturing bรญlang isang akademikong sulatรญn, mahalagang ambag ang tesis na ito sa pagtuturรฒ ng mga asignaturang Filipino, Kasaysayan at iba pang araling saklaw ang pagpapahalaga at pagkakakilanlan.

Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay isang gawad para sa pinakamahuhusay na tesis at disertasyon na isinulat gรกmit ang wikang Filipino para sa mga larang akademiko, lalo na sa agham pangkalikasan, agham panlipunan, at matematika. Layunin ng gawad na ito na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo ang pagsusulat at publikasyon ng mga akdang orihinal at ambag para sa intelektuwalisasyon at modernisasyon ng Filipino.

-30-