LALAWIGAN NG BULACAN



Bulacan, nagkamit ng dalawang pangunahing parangal sa 2026 Central Luzon SubayBAYANI Awards

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagkamit ang lalawigan ng Bulacan ng dalawang pangunahing parangal, ang SubayBAYANI Exemplar Award para sa proyektong Concreting of Farm-to-Market Road sa Barangay San Mateo, Norzagaray, at ang Most Outstanding Performer Award para sa natatanging pamamahala sa lalawigan, sa 2026 Central Luzon SubayBAYANI Awards cum Infrastructure Governance Summit na ginanap sa Widus Hotel, Clark Freeport Zone, Pampanga noong Oktubre 8.
Isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Central Luzon ang summit na may temang “Recognizing Outstanding Local Governance and Infrastructure for a Progressive Central Luzon” upang kilalanin ang mga lokal na pamahalaang nagpapakita ng pananagutan, katatagan, at kahusayan sa paglilingkod sa publiko.
Namukod-tangi ang farm-to-market road project ng Bulacan bilang huwarang halimbawa ng pagpapaunlad ng lokal na imprastraktura, at kinilala sa pamamagitan ng Most Significant Change Story para sa mga Locally Funded Project ng summit.
Pinatunayan naman ng pagkakapili sa Bulacan bilang Most Outstanding Performer ang matibay nitong pangako sa tapat, malinaw, at nakatuon sa komunidad na pamamahala, kung saan ipinapakita nito kung paano naisasalin ng epektibong pamumuno at pagtutulungan ang mga pampublikong pondo sa mga makabuluhang benepisyo para sa mga mamamayan.
Nagwagi rin ang lalawigan bilang regional finalist para sa Best Local Project Monitoring Committee (LPMC), na patunay ng dedikasyon ng Bulacan sa malinaw, may pananagutan, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagsubaybay sa mga proyekto.
Kinilala rin ang iba pang lokal na pamahalaan sa Bulacan dahil sa mahusay na pagsubaybay ng mga proyekto at pamamahala, kung saan kapwa nagkamit ng SubayBAYANI Exemplar at Most Outstanding Performer awards ang Lungsod ng Meycauayan at Bayan ng Pulilan, habang naging regional finalist din sa LPMC ang Meycauayan kasama ang Lungsod ng San Jose del Monte at Bayan ng Angat, nakatanggap ng SubayBAYANI Exemplar honors ang Lungsod ng Malolos at Bayan ng Obando, kinilala bilang Lil Hub Partner ang Bayan ng Doña Remedios Trinidad, at ginawaran bilang SubayBAYANI Compliant ang San Jose del Monte.
Dumalo rin sa paggawad sina Abgd. Nikki Manuel S. Coronel, Chief of Staff at kinatawan ni Gobernador Daniel R. Fernando; DILG Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia; Nanunuparang Puno ng Provincial Planning and Development Office Inh. Randy Po; at iba pang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
Ipinapakita ng mga parangal na ito ang mahusay na kumbinasyon ng tapat na pamamahala at maayos na mga imprastraktura sa pagbubukas ng mga bagong oportunidad, pagpapaganda ng mga komunidad, at pagtiyak na natatanggap ng mga mamamayan ang dekalidad na serbisyong nararapat para sa kanila.
###
Fernando, pinangunahan ang turnover ng bagong dalawang-palapag na gusali ng paaralan sa Rueda Elementary School sa Plaridel
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan ang turnover ng bagong tayong dalawang-palapag na annex building ng Rueda Elementary School sa Plaridel, Bulacan noong Oktubre 1, 2026, matapos makumpleto ang isang taong konstruksyon nito.
Binubuo ang bagong gusali ng tatlong silid-aralan at isang tanggapan ng punong-guro na bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na palakasin ang sektor ng edukasyon sa lalawigan, alinsunod sa paniniwalang mahalaga ang maayos at dekalidad na silid-aralan sa pagbuo ng matatag na komunidad.
“Ang bagong building po na ito ay tanda ng ating pagpapahalaga sa katatagan at kasipagan ng ating mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga pagsubok at pagbabago sa kanilang buhay-pag-aaral, at bahagi pa rin ito ng ating pangunahing layunin na palakasin ang sektor ng edukasyon dito sa ating lalawigan, na isa sa mga susi sa pagkakaroon natin ng maunlad, mapayapa, at masaganang lipunan,” ani Fernando.
Nasaksihan naman ni Teacher III Lalaine S. Fabian ang naging pagbabago sa paaralan at ibinahagi kung paano direktang nakatulong sa mga mag-aaral ang bagong pasilidad.
“Ang kainaman po nito, ‘yung mga bata talagang sinisipag pumasok, tsaka mas madali silang natututo dahil nakaka-focus sila dahil maganda po ‘yung classroom, nakita naman po natin na maganda ‘yung structure ng building, mas convenient sa mga bata, mas inspired sila pumasok at excited palagi,” ani Fabian.
Muling pinagtibay ng proyektong ito ang patuloy na pagtutok ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mag-aaral at guro ng ligtas, maayos, at suportadong kapaligiran para sa kanilang pagkatuto at pag-unlad.
###
Fernando, tinukoy ang mga kooperatiba bilang puwersa ng makataong pag-unlad sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS — Binigyang-diin ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mahalagang papel ng mga kooperatiba sa pagsusulong ng inclusive economic growth, kung saan ang tunay na pag-unlad ay dapat direktang maramdaman ng mga manggagawa, maliliit na negosyante, at mga pamilyang nasa kanayunan.
Sa kanyang mensahe sa Cooperative Parade and Kick-Off Ceremony na isinagawa noong Oktubre 3, 2026 sa Bulacan Capitol Gymnasium, binigyang-diin na ang mga kooperatiba ay mahalagang haligi sa pag-unlad ng bansa dahil nagagawa nitong gawing matatag na kabuhayan ang maliliit na negosyo.
“Sa lalawigan ng Bulacan, ipinagmamalaki po natin na isinusulong ang people-centered economy, isang ekonomiyang hindi lamang malalaking negosyo ang umuunlad, kundi maging ang maliliit na tindahan sa kanto, ang kooperatibang binubuo ng mga manggagawa at mga magsasaka at mangingisda, dahil ang pag-unlad ay hindi lang dapat nakikita sa malalaking gusali, malalaking puhunan o malalaking negosyo, nakikita rin ito sa tindahang nakapagpatuloy, sa magsasakang may magandang kita, sa pamilyang nagkaroon ng sariling kabuhayan at sa kooperatibang unti-unting lumalakas,” ani Fernando.
Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) ang pagdiriwang na nilahukan ng libu-libong miyembro, opisyal, at iba pang katuwang ng mga kooperatiba, bilang opisyal na pagsisimula ng Cooperative and Enterprise Month sa lalawigan na may temang “Sustaining Inclusive Growth thru Cooperative Empowerment.”
“Kooperatiba ang nagsasalba sa kahirapan, kooperatiba ang nagsasalba sa maliliit na negosyante, para sa mga nagsisimula pa lamang, para sa mga pamilya na naghahanap ng dagdag na kita, isang kilusang patuloy na nagpapaangat ng ating ekonomiya, nagbibigay ng pag-asa sa mga pamilya, nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa bawat Bulakenyo,” dagdag pa ng gobernador.
Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang masiglang parada mula sa Lungsod Malolos Amphitheater patungo sa Bulacan Capitol Gymnasium, na nagpakita ng pagkakaisa ng mga kooperatiba mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Dumalo rin bilang pagpapakita ng suporta sa sektor sina Bise Gobernador Alexis C. Castro, Coop NATCCO Partylist Congressman Felimon M. Espares, Cooperative Development Authority (CDA) Chairperson Usec. Alexander B. Raquepo, CDA Regional Director Marieta P. Hwang, at dating Gobernador Roberto “Obet” Pagdanganan, na kinikilala bilang “Father of Modern Philippine Cooperativism.”
Sa kanyang member-centric na mensahe, hinikayat ni Congressman Espares ang mga stakeholder na manatiling nakatuon sa pangunahing layunin ng kooperatiba habang patuloy itong lumalago.
“Habang lumalakas ang ating kooperatiba, dapat din natin tingnan bakit tayo nag-kooperatiba, ang sentro ng lahat ng ginagawa natin is for our members, their welfare, their voice and their future, we would like to remind everybody to renew our shared commitment, let us create more opportunities for our members, working together for a more progressive community,” ani Espares.
Samantala, sinabi ni CDA Regional Director Hwang na higit pa sa simpleng kalakalan ang naaabot ng mga kooperatiba dahil direktang nakaugnay ang mga ito sa buhay ng mga tao.
“Ang Cooperative Month ay panahon upang kilalanin ang mahalagang ambag ng mga kooperatiba, ito ay hindi lamang tungkol sa negosyo, ito ay tungkol sa tao, sa kanilang kabuhayan, pamilya, pangarap at kinabukasan,” ani Hwang.
Sinang-ayunan din ito ni CDA Chairperson Raquepo at sinabi na may kakayahan ang sistema ng kooperatiba na magbigay ng access sa serbisyong pinansyal, lalo na sa mga higit na nangangailangan nito.
“Dito lang sa koop binibigyan natin ng oportunidad ang maliliit, dito lang sa koop binibigyan natin ng pagkakataon ang mga walang-wala, dito lang sa koop pinapautang natin ang mga walang maikolateral, pagpapatunay na ang kooperatiba ay talagang isang matatakbuhan at maaasahang organisasyon,” ani Raquepo.
Samantala, inilatag ni Pagdanganan ang pangmatagalang perpspektibo para sa ekonomiya ng Bulacan, kung saan binigyang-diin ang pagpapalakas ng mga kooperatiba bilang bahagi ng pagpapalakas ng mas balanse at matatag na lipunan.
“Ang Bulacan ay isang dakilang lalawigan na progresibo kung saan malakas ang gitnang uri at lahat ng mamamayan ang may pantay-pantay na pag-abot sa oportunidad at resources, upang makamit ang ating pananaw, kailangan ng estratehiyang makapagpapataas ng kita ng mga pamilya at makapagpapabuti sa kalidad ng buhay ng ating mga mamamayan,” ani Pagdanganan.
Bilang dagdag na hakbang para sa patuloy na pagpapaunlad ng mga kooperatiba sa lalawigan, inilunsad din sa pagtitipon ang GoLab Koop Onboard Program na nakatuon sa modernisasyon ng operasyon at pagpapabilis ng development ng mga kooperatiba sa Bulacan.
###
DOTR, Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, namahagi ng livelihood starter kits sa mga pamilyang apektado ng North Rail sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang 178 benepisyaryo na naapektuhan ng proyektong North-South Commuter Railway (NSCR) ang tumanggap ng mga livelihood starter kit mula sa Department of Transportation (DOTr) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Service Office (PPESO) sa ikatlong yugto nang pagpapatupad ng Livelihood Restoration and Improvement Program (LRIP) na ginanap sa Bulacan Sports Complex sa lungsod na ito noong Setyembre 30, 2026.
Ang mga napiling benepisyaryo ay mula sa Lungsod ng Malolos at mga munisipalidad ng Calumpit, Balagtas, at Marilao na tumanggap ng sari-sari store livelihood packages upang makatulong sa muling pagtatayo at pagpapalakas ng kanilang mga pinagkakakitaan na apektado sa implementasyon ng Malolos-Tutuban railway project.
Kabilang sila sa 500 Bulakenyo na unang natukoy ng DOTr sa ilalim ng LRIP, partikular na ang mga residente na ang mga tahanan, negosyo, at pinagkakakitaan ay naapektuhan ng railway project at inilipat sa Northville housing noong 2010.
Ipinagkaloob ang mga livelihood package batay sa mga pangangailangan, interes, at kagustuhan ng mga benepisyaryo kung saan nakatanggap ang mga naunang grupo ng tulong tulad ng mga produktong frozen, carwash package, ready-to-wear (RTW) na mga produkto, livestock products at animal feeds, habang pinili naman ng ibang benepisyaryo ang mga makinang pantahi, karinderya package, at iba pang suporta sa kabuhayan.
Ayon kay Inh. Egbert R. Robles, pinuno ng PPESO, nagsagawa rin ang kanilang tanggapan ng Financial Management Training at Entrepreneurial Development Training para sa mga benepisyaryo upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman at kasanayang kinakailangan sa pamamahala at pagpapatuloy ng kanilang mga kabuhayan kung saan tumanggap din ang mga benepisyaryo ng mga sertipiko kasabay ang kani-kanilang mga livelihood starter kit.
Samantala, pinaalalahanan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga benepisyaryo na pangalagaan ang mga livelihood package na ipinagkaloob ng DOTr at sulitin ang tulong sa pamamagitan ng responsable at maayos na pamamahala at pagpapalago ng kanilang mga negosyo at hinikayat ang mga ito na ituring ang starter kits bilang oportunidad upang makapagsimula ng pangmatagalang pinagkakakitaan na makatutulong sa kanilang mga pamilya.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin naman ni DOTr Assistant Secretary Irish “IC” Calaguas ang patuloy na suporta ng ahensya sa mga pamilyang naapektuhan ng proyekto kasabay ng pagsusulong ng programa ng bansa para sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng railway infrastructure.
“Ito pong livelihood package ay isa po sa priority na programa ng DOTr sa mga tatamaan po ng railway program. Ang priority po ng DOTr ay hindi lamang po mabayaran kayo sa inyong nasirang bahay, hindi lamang po makapagbigay ng bagong relokasyon, [ito po ay para] mabigyan kayo ng pagkakakitaan,” ani Asec. Calaguas.
Samantala, inihayag din niya na ang North-South Commuter Railway ay nakatakdang magsimula ng operasyon sa Disyembre 2027, na inaasahang magpapabuti sa koneksyon sa pagitan ng Bulacan at Metro Manila oras na matapos ito.
XXX
Pamahalaang Panlalawigan, nakamit ang NAPOLCOM Regional Award para sa Best LGU in Crime Prevention
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang pagkilala sa pagsisikap na palakasin ang pag-iwas sa krimen at itaguyod ang kaligtasan ng publiko sa lalawigan, ginawaran ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan bilang Regional Awardee para sa Best Local Government Unit in Crime Prevention sa isinagawang pagdiriwang ng ika-60 Anibersaryo ng NAPOLCOM noong Setyembre 23, 2026, sa Casa Cabalen, Jose Abad Santos Avenue (JASA), Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Kinilala ng parangal ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO) at ang mga pagsisikap nito sa pagpapatupad ng mga programang nagpapalakas sa pag-iwas sa krimen at nagpapahusay sa mga serbisyo sa kaligtasan ng publiko para sa mga Bulakenyo, na tinanggap ni Puno ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office Abgd. Jayric L. Amil sa ngalan ni Gobernador Daniel R. Fernando.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Fernando na patuloy na palalakasin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang pakikipagtulungan nito sa BPPO at iba pang mga stakeholder sa pagpapatupad ng mga tumutugong programa para sa pag-iwas sa krimen at sa pagtiyak na mananatiling prayoridad ang kaligtasan ng publiko sa buong lalawigan.
“Ang pagkilalang ito ay patunay ng ating patuloy na pagtutulungan upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa Bulacan. Patuloy nating susuportahan ang ating kapulisan at mga programang naglalayong gawing mas ligtas ang bawat komunidad para sa ating mga Bulakenyo,” ani Fernando.
Kinilala rin sa nasabing okasyon ang BPPO, sa pamumuno ni OIC-Provincial Director PCOL Jay B. Baybayan, matapos hirangin bilang Regional Awardee para sa Best Crime Prevention Initiatives dahil sa kanilang mga natatanging inobasyon at huwarang programa sa pag-iwas sa krimen, partikular na ang Project KABALIKAT, Project LIGTAS BULAKENYO, at ang Bulacan PPO Unified Command Center na nagpapakita ng mga prinsipyo ng Community and Service-Oriented Policing (CSOP).
Samantala, kinilala rin si PMSG Francis R. Damian dahil sa pagpapakita katapangan, at walang kapantay na dedikasyon sa tungkulin sa isang insidente ng pagnanakaw noong Agosto 15, 2025, sa Baliwag Public Market sa Barangay Poblacion, Lungsod ng Baliwag, Bulacan.
###
“Ang pamumuno ay hindi tungkol sa kasarian, itsura, o popularidad” – Boy Governor Santos
LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang pamumuno ay hindi kailanman tungkol sa kasarian. Hindi kailanman tungkol sa itsura. Hindi kailanman tungkol sa popularidad.”
Ito ang mensahe ni Cjay J. Santos mula sa Ramona S. Trillana High School sa Hagonoy, sa pagtanggap niya ng tungkulin bilang Boy Governor sa ginanap na Transfer of Responsibilities and Oathtaking Ceremony of Boy/Girl Officials 2026, sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito noong Lunes.
“Today, I stand before you not only as a youth leader, but as someone who proudly represents the rainbow community. At gusto kong maging paalala sa bawat kabataang naririto na ang ating pagkatao ay hindi kailanman magiging hadlang sa ating kakayahang mamuno,” ani Santos.
Samantala, pinayuhan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga kabataang lider na maging pamilyar sa mga mahahalagang isyu ng lipunan, na binigyang-diin ang gulo sa mga paaralan, paggamit ng AI, at ang scandal ng flood control.
“You are the next generation, mga Gen Z, na magiging leader, at kayo ang titindig dito para magbigay ng mga salita ng inspirasyon sa ating mga kabataan. Walang nakakaalam. Baka ‘yung isa inyo maging presidente ng Pilipinas,” anang gobernador.
Sa buong linggo, maliban sa trabahong pang-opisina, tutungo ang mga lider-estudyante sa familiarization tour sa Hiyas ng Bulacan Museum, Isidoro Torres Hall Mural, at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Center; mag-aaral tungkol sa Republic Act No. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act; dadalo sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan; at makikiisa sa Boy/Girl Officials Recognition Day.
Hangarin ng taunang programa ng Boy/Girl Officials na bigyan ang mga kabataan ng hands-on experience sa lokal na pamamahala, leadership responsibilities, at serbisyo-publiko.
Ang Republic Act No. 10742 o ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 ang nagsisilbing pundasyon para sa inisyatiba.
###
3rd Season ng BUCAA, binuksan sa pamamagitan ng parada at cheerdance competition
LUNGSOD NG MALOLOS — Nagtipun-tipon ang mga kalahok na eskwelahan at student-athlete sa pormal na pagbubukas 3rd Season ng Bulacan University and Collegiate Athletic Association (BUCAA) nitong Setyembre 21, 2026, sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito sa pangunguna ng Provincial Youth, Sports, and Development Office (PYSDO) tampok ang parada ng mga koponan, cheerdance competition, at search para sa Best Muse.
Nagbigay inspirasyon sa mga batang atleta sina PBA veteran Asi Taulava at iba pang miyembro ng NLEX Road Warriors sa isinagawang masayang meet-and-greet bilang bahagi ng pagbubukas ng aktibidad.
May kabuuang 26 senior basketball teams, 16 junior basketball teams, 18 volleyball teams, at apat na cheerdance teams ang lumahok sa season na ito, kung saan iginawad sa La Concepcion College at STI College Santa Maria ang Best in Uniform at Best Muse awards, para sa senior division, habang parehong parangal naman ang natanggap ng Richwell Colleges, Inc. at La Consolacion University of the Philippines sa junior division, at kinilala bilang Best in Uniform sa volleyball ang Jesus Is Lord Colleges Foundation, na may tig-P20,000 na premyo bawat parangal.
Back-to-back champion naman ang Colegio de San Gabriel Arcangel sa Cheerdance Competition ng Lungsod ng San Jose del Monte matapos makuha ang titulo sa ikalawang sunod na taon at P100,000 na premyo; habang itinanghal na First Runner-up ang Bulacan Polytechnic College na may P75,000; Second Runner-up ang Baliwag Polytechnic College na may P50,000 at Best in Uniform na may karagdagang P20,000; at Third Runner-up ang La Concepcion College na may P30,000.
Binigyang-diin ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng taunang provincial sports program bilang mahalagang paraan upang malinang ang kakayahan at mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga atletang Bulakenyo.
“Kaya natin itinatag ang BUCAA ay dahil naniniwala tayo na hindi dapat umalis ng Bulacan ang isang atletang Bulakenyo para lamang magkaroon ng pagkakataong umunlad, dahil dito pa lang sa ating lalawigan ay may lugar na siya para magsanay, makipagkumpetensiya, matuto at mangarap nang mas malaki,” pahayag ni Fernando.
Bukod sa pagpapaunlad ng kakayahan sa sports, binigyang-diin naman ni Gabrielan Angels Pep Squad coach Valentin Teodoro Sapanta ang mahalagang papel ng mga ganitong kumpetisyon sa paghubog sa kabataan.
“Ito ay napakahalagang patimpalak, sapagkat dito namin nailalabas ang talento ng San Joseño at Bulakenyo, at nailalayo rin sa mga masasamang gawain ang mga kabataan, kung saan nakakapag-focus at nakakabuo kami ng pamilya,” saad ni Sapanta.
Sa pagsisimula ng mga laro, inaasahang magsisilbing mahalagang daan ang BUCAA para higit na mahasa ang talento ng mga batang Bulakenyo, mamulat ang disiplina, teamwork at kababaang lob, at mahikayat ang susunod na henerasyon na magsikap at magtagumpay sa loob at labas ng court.
###
BULACAN fires up National Arts Month
CITY OF MALOLOS- Provincial Government of Bulacan joined the country in celebrating the National Arts Month spearheaded by National Commission of Culture and the Arts ( NCCA) through the Provincial History, Arts Culture and Tourism Office launched the celebration with the its theme version “Kislap ng Sining sa Bulacan” during the
Monday Flag Ceremony held at the Bulacan Capitol Gymnasium which showcased the Bulakenyo talents.
Formally open the arts month, Sining Bulakenyo fires up everyone in a
performance dubbed as “Ani ng Sining, Alab ng Sining” where the PGB officials took part in reciting and dancing as a glimpse to the yesterday and recognized some Bulakenyo artists who excelled various in their field and gave pride to the province.
Vice Governor Daniel R. Fernando in behalf of Governor Wilhelmino M.
Sy-Alvarado encouraged everyone to help preserve the arts and appreciate their God-given talents.
“Appreciate. Ito ang pinakamabisang paraan upang mapangalagaan at mapreserba ang ating sining. Mahalin natin ang sariling atin at
hayaang mahalin din ito ng mga susunod na henerasyon,” Fernando said.
Moreover, Dr. Eliseo dela Cruz invited the Bulakenyos to witness and participate in the series events including Kulturang Handog ng FCCP para sa Kabataan ng Bulacan Cultural Showcase on February 22, 2018,1pm at The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center; Konsierto ng Musikerong Bulakenyo at Parangal sa Kislap ng Sining and Launching of the Sineliksik Bulacan Docu Fest 2018 on February 27, 2018, 3 pm at the Bulacan Capitol Gymnasium and; BulacArt 7 Art Exhibitions on February 28, 2018 at 1 pm at the Bulacan State University.
Meanwhile, the Provincial Disaster Risk Reduction and
Management Office announced the awards the province have received in the Search for Best Implementing Schools in the Brigada Eskwela 2017.
Subsequently, the awards include being the National and Regional Champion in the Mega School Category in the Search for Best Implementing Schools of Prenza Elementary School, Marilao; the Patubig Elementary School, Marilao won second place in the National Level and champion in the Regional Level for the Jingle Making Contest; and Bryan Amiel De Jesus, senior education program specialist for being the recipient of the Leadership Award in the National Level for the Brigada Eskwela
Division Coordinator Category.
Finally, the Provincial Cooperative Development Council of Bulacan and Micro and Small Entrepreneurs Association of Bulacan also took their oath of office during the program. (MJ Olvina- Balaguer, 09053611058,maryjaneolvina@gmail.com
GAWAD BALMASEDA 2016 IGINAWAD SA ARAW NI BALMASEDA (mula sa headline)
Ginanap sa bulwagan Leandro Locsin sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros ang aktibidad ng Komisyon sa Wiakng Filipino ukol sa Araw alay para kay Kgg. Julian Cruz Balmaseda.
magkatuwang na itinaguyod at pinangunahan ng dalawang komisyon ang pagpaparangal sa mga natatanging Tesis Masterado at Tesis Doktorado, mga tesis sa kolehiyo na nakaliwat sa o naisulat na taal sa wikang Filipino at hindi sa wikang ingles kagaya ng karaniwang ipinagagawa sa mga mag aaral.
Nagbigay ng kanyang mensahe si Kgg. Adelina Suemith, Executive Director ng NCCA habang klasunod ay ang pagkakaloob ng Susing pananalita ng historyador na si Kgg. Gemma Cruz Araneta ukol sa naturang mahalagang aktibidad para sa Wikang Filipino.
Pagkaraan ng pagkakaloob ng mga pagtatanghal pangkultural nni Prop. Bernadeth Santos pinangalanan na ang mga nagwagi nitong nakaraang taon sa Gawad Julian Cruz Balmnaseda na binanggit at binati ng Lupon ng Inampalan kabilang amng Historyador na si Michael Charlston Chua.
Tumanggap ng kani kanilang mga parangal sina Roman R. Sarmiento , Jr. II at Dr. Gilbert E Macarandang. sa bahagi naman ng pamilya Balmaseda na naroon rin at nakibahagi ay si G. Jojo Balmaseda Fua ang nagbigay ng kanyang munting mensahe. binuksan na rin pagkatapos ang pagtanggap ng mga entry para sa taong 2017.
Ilan pang mga mensahebuhat sa Komisyon sa Wikang Filipino at ang paghuling pananalita ay buhat sa Direktor Heneral ng Komisyon na si Roberto T. Anonuevo. Isang mahalagang bagay para sa ating lahi ang maitanghal ang ating wikang Filipino bilang wika ng mga intelektuwal o ang wikang maaring gamitin sa pagsulat ng mga maka agham na akda o maging mga tesis sa kolehiyo.
Kung sa ibayong dagat ay ipinagmamalaki ng mga dayuhan ang kanilang wika na kanilang ginagamit upang sumulat ng mga maka agham na akda sa larang ng Pisika, Kemika, Enhinyerya at Matematika, dito sa atin tanging para sa mga akdang pam panitikan lamang ginagamit ang Wikang Filipino, sa paggawad ng parangal na ito ay nawa maitaas ang antas ng ating wika bilang isang wikang gamit pang intelektuwal../// Michael Balaguer
THREE DAY ROTARY INTERNATIONAL BAZAAR AT TIENDESITAS (mula sa headline)
Ang Rotary International ay isang humanitarian organization na may layuning tumulong sa kapwa at ngayon ang kanilang adbokasiya ay ukol sa iradiksyon ng sakit na dengue.
Ito ang nagtulak sa Rotary International District 3780 para iorganisa ang kanilang 2016 Family Bazaar, pinaka inaasahan at hinihintay ito kapwa ng mga miyembro at mga pinoy na naniniwala sa mga adboksiy at panuntunang isinusulong ng pandaigdigang rotary.
Ginanap ang bazaar sa pamosong tiendesitas sa Pasig kung saan nakipagtulungan sila sa kilalang e-commerce website na OLX. Paraan din ito ng Rotary upang maka raise ng kaukulang pondo upang tustusan ang kanilang patuloy na programang pangkalahatang iradiksyon ng Polio sa buong mundo lalo sa Pilipins.
“be a Gift to the World” wika ng gaya ng “the Four Way Test” mga katagang magpapakilala sa Rotaryo bilang isang makataong orgnisasyon na tumutulong sa pagpapa ospital at paggamot sa mga biktima nang nasabing mga nakamamatay na karamdaman.
Nasa 100 mga booth exhibitors at tintayan 5000 mga Mamimili ang dumalaw upang sumuporta sa pamamagitan ng pagpatronize sa mga produkto.
Kabilang din sa mga exhibitors ay ang Crosswind Travel and Tours, KATA,PruLife UK,MX3, Ford Libis, HMR Philippines, Chill Mobile, Realistic Training Options PTY. Ltd., Enchanted Kingdom Theme Park, CAVASPRI GOODIES TIPSY COOKIES ni Christian dela Cruz, KUDC IMPLANT AND DENTAL CENTER, NEUGEN TIRE MARKETING at La Rouge.
Kasama rin sina Ms. Donna Raquiza, Mr. and Mrs. Nez Aguilar,Dr. Virginia Irene R. Santos ng BATAAN DEVELOPMENT BANK at si Rotary International District 3780 District Governor Reynaldo C. David RY 2015-2016. ///Michael Balaguer
“One San Rafael” nagkakaisa ngayong 2016
Ayon kay San Rafael Mayor Cipriano D. Violago Jr., sa pamamagitan ng kanyang Municipal Secretary Mr. Jun Sevilla at Mr. Ben Violago, Kapatid ng alkalde nagawa nilang magkaisa ang lahat ng mga pulitiko sa kanilang bayan at isang team na lang.
matutuloy pa rin ang halalan sa kanila ngunit ang dati na hiwa hiwalay, ngayon ay nagkakaisa na. Nagkaisa silang iboto bilang Pangulo si Vice President Jejomar Binay, Gobernador si Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado, at si Congresswoman Lorna Silverio ang kanilang kongresista. Masasabing ilan sa maipagmamalaki ng bayan nang San Rafael ay ang kanilang mga resorts gaya ng pamosong 8 Waves, Golf Courses at Dragon Fruit farms.
Nananatili pa rin namang isang bayang agrikultural ang San Rafael ngunit marami na rin itong mga pagawaan at industriya CJ Rations at East West Seeds at sa bayan rin na ito ang punong tanggapan ng kilalang Dragon Fireworks.///Michael Balaguer
YES TO MAR BUMISITA SA 3 LUGAR SA BULACAN (buhat sa headline)
MISMONG si Baliwag Mayor Dr. Carol Dellosa ang nanguna sa Palengke Tour ng “Yes To Mar”, “RORO” o Roxas-Robredo at mga grupong sumusuporta kay Secretary Mar Roxas at Congresswoman Leni Robredo na kasamang inorganisa ng negosyanteng si Mr. Tony Tengco para sa Bulacan.
Nagsimula sa bayan ng Baliwag particular sa pamilihang bayan nito, sa iba’t-ibang bahagi upang mamigay ng mga materyales na naglalaman ng mga detalye ukol kay Secretary Roxas upang lalo siyang makilala ng madlang Bulakenyo gaya ng apron, abaniko atbp.
Nagkita kita ang mga taga suporta ng Liberal sa tahanan ni 2nd District Bulacan Congressional Representative Hon. Gavini “Apol” Pancho bago nila tunguhin ang palenke.
Pagkaraan ng palengke tour sa Baliwag ay tumungo ang mga tagasuporta ni Roxas sa bayan ng Pulilan kung saan sila ay sinalubong ng Punongbayan nitong si Mayor Vicente “Enteng” Esguerra na kabilang rin sa partido Liberal, bagaman wala duon bilang personal na sumuporta, naroon naman at nakibahagi ang Liberal Party Mayoralty Bet Maria Rosario Ochoa-Montejo o “Ate Maritz” sa mga taga Pulilan.
Kabilang sa mga tagapagtaguyod ng grupong “Yes to Mar” sa Bulacan ay sina Former Bulacan Vice Governor Ramon Villarama, Jana Lopez, Jun Ramos, Andy del Rosario, Kap Ato ng Baliwag, Leo Asinas, mga kamag anak ni Mar na sina Bernadette Araneta, Gina Araneta Policarpio at mga kaklase sa Ateneo na Eagles for Mar.
Sa Pulilan ay nakibahi ang BFF o Best Friends Forever ni Maritz Ochoa- Montejo, mula Bgy Taal, Cutcot, Sto Cristo at Lungos habang sa Plaridel public market ay sinalubong ang Yes to Mar ni Mr. Eduardo Olvina at mga kasama.///isinulat ni Michael N. Balaguer kasama ang DZRJ 810 Khz AM at DWJC 90.3 FM Broadcaster MJ Balaguer habang ang mga larawan ay kuha ni Joselito Enriquez ng www.diaryongtagalog.net
YES TO MAR & LENI NAGPAKILALA SA CALOOCAN (buhat sa headline)
MAGKASAMANG dinaluhan nang mga residente kapwa ng barangay 20 at 22 ang inorganisang ugnayan ni Congressman Egay Erice ukol sa “yes to mar & Leni” sa Caloocan na may layuning ipakilala ang mga nagawa ni Secretary Mar Roxas sa madla upang ma justify na ito ang dapat na ihalal bilang Pangulo ng bansa.
Kabilang sa mga nanguna sa nasabing aktibidad ay si Barangay 20 Captain Rosa Justo at Barangay 22 Captain Carding Bagus, naroon rin ang mga konsehal ng Caloocan na sina Carol Cunanan, Tino Bagus at ma tatakbong konsehal na sina Engr. Arnold Divina, Dr. Ed Aruelo at L.A Asistio.
Ipinaliwanag nina Erice na hindi sila nanga ngampanya bagkus y kanilaa lamang ipinbabatid ang mga nagawa ng tuwidna daan at ang magiging resulta kung hindi ito mipagpapatuloy o kung hindi si mar at leni ang miluluklok bilang Pangulo at pangalawang Pangulo.
Ibat-ibang mga programa at proyektong pinasimulan ng daang matuwid ang inilahad sa mga presentasyong ipinakita ng “Yes to Mar”. Nagtapos sa raffle at pamimigay ng mga printed materyales na naglalaman ng mga mahalagang proyekto at programa ni Roxas ang ipinamahagi.
Ayon kay Erice, nais niyang maihalintulad sa Iloilo ang Caloocan na nabiyayaan maigi ng mga programa at proyekto ng daang matuwid. Isang strategic location ang kinaroroonan ng Caloocan, gateway sa norte at sa mga imprastruktura gaya ng ekstensyon ng NLEX at SLEX at LRT sa Caloocan North.///Isinulat ni Michael Balaguer kasama si Mj Balaguer n DZRJ 810 Khz AM at DWJC 90.3 FM.
ROBREDO Bisita sa Pandesal FORUM
Kamakailan ay bumisita rin sa kilalang Pandesal Forum sa Lungsod Quezon si Naga City Congresswoman Leni Robredo na tumatakbo ngayon bilang Pangalawang Pangulo sa tiket ng Daang Matuwid ni Secretary Mar Roxas at ng Liberal Party. Ang nasabing Forum ay pinangungunahan ng kilalang kolumnistang si Wilson Lee Flores.
Sa nasabing forum di lang ipinakilala ni Robredo ang sarili bilang asawa ng namayapang si dating DILG Secretary Jesse Robredo kundi ipinakilala rin niya ang sarili bilang isang civic leader, public servant at advocate ng maraming bagay lalo para sa kabuhayan, kababaihan at sa kanayunan.
Sa pagtatanong ng mga mamamahayag sa kongresista, nakilala ng marami ang ibang Leni, isang taong tunay na may puso sa paglilingkod na nais nitong ibahagi di lang sa Naga kundi pati sa buong Pilipinas kung sakaling palaring maipanalo ng Daang Matuwid.
Kasama ni Cong. Leni ay ang Pangalawang Punong Lungsod ng Lungsod Quezon na si Joy Belmonte nagbiro pang nais niyang maging step mother ang biyuda ng nasirang DILG Secretary dahil malapit ito sa kanyang ama na si Congressman Feliciano Belmonte./// Michael Balaguer
Walang Bomba sa Meycauayan City Hall!-Alarilla
Nabatid na matindi ang labanan sa lungsod ngayong 2016 sa pagitan ng mag ina at ma asawa.kapwa maraming taga suporta ang dalawang kampo at lahat ay gagawin ng mga ito upang makahatak ng simpatya ang bawat isa maging sa mga katulad na istratehiya gaya ng panankot.
Katwiran ng Punong Lungsod, kung wika niya ay talagang may intension pumatay ang sinsabing naglagay ng bomba o mapapasabog sa kanila, malamang ay di na ito ia anunsyo at gagawin na lamang, n sinan ayunan naman ng libu-libong sumusuporta kay Alarilla lalo sa kanyang napipintong pagsabak sa kongreso bilang kinatawan ng ika apat na distrito ng Bulacan.
Sa kabila ng nalalapit na ang halalan kung palarin ay ia abot ni Alarilla ang kanyang kamay sa nalalabing apat na munisipyong nasasakupan ng ika apat na distrito bilang konresista, kabilang rito ang Mrilao, Sta. Maria at Obando habang ang kanyang anak na babae ang tatakbo bilang alkalde kalaban ang kasalukuyan kinatawan Linbelle Ruth Villarica bilang lalabang Mayor.
Sasabak naman sa pagka kongresista ang kabiyak nitong si Atty Henry Villarica na katunggali ni Mayor Joan Alarilla.///Michael Balaguer
National Year of the Rice (NYR) ng Department of agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PHILRICE) nitong 2013 tagumpay kaya kasunod ang “Riceponsable” campaign ngayong 2014
Science City of Munoz, Nueva Ecija- MATAGUMPAY umano sa pangkalahatan ang nakaraang National Year of the Rice nitong nakaraang taon 2013 na pinangunahan ng Philippine Rice Research Institute ng Department of Agriculture (PHILRICE-DA), ito ang kanilang ipinahayag sa isang pulong balitaan kasabay ng 32nd Annual Convention ng Central Luzon Media Association (CLMA) na ginanap sa
kanilang punong tanggapan, kamakalawa.
Matatandaang naging malawakan ang kampanya ng ahensya at ng kagawaran ng pagsasaka sa pagsulong ng pambansang taon ng bigas kung saan kanilang layunin ay turuan ang mamamayan na huwag magsayang ng kanin, bigas at palay bagkus kumain lamang o kumunsumo ng tamang ubusin.
Sa kampanya ring ito kanilang ipinakita ang hirap ng mga magsasaka sa pagtatanim ng binhing itinuturing ng marami sa mundo maging Pinoy, na pangunahing pagkain o staple food. Kabilang rin sa showcase nitong nakaraang NYR ay ang Rice Resarch and development kung saan ipinamalas ng mga dalubhasa ang mga bagong pagsasaliksik ukol sa mga mas bago pang variety ng palay na akma sa maraming lugar di lang sa bansa kundi pati sa buong mundo, kasama nito ang mga palay na akma sa mga mabahaing lugar, maasin na kampaligiran, mataas atbp.
Mga mamamahayag sa pitong lalawigan (Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija at zambales) ng gitnang Luzon ang nakibahagi sa annual convention ng CLMA kung saan ang naihalal na Pangulo ay ang taga Nueva Ecija Chapter na si Antonio D. Vallejo kapalit ng dating Pangulo na si Ronald M. Leander. Ang PHILRICE ay ang rice r&d institute sa ilalim ng kagawaran ng pagsasaka at pinangungunahan ni Academician Eufemio T. Rasco ng National Academy of Science and Technology. (jane balaguer)