HWPL

Heavenly Culture World Peace restoration of Light Philippines

Matagumpay na year-end gathering ng HWPL idinaos

Ipinagdiwang ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) sa pakikipagtulungan ng International Women’s Peace Group (IWPG) ang 2024 Year-End Peace Messengers’ Gathering, na may temang “Shining Together for Peace: A Night of Gratitude and Inspiration” nitong Disyembre 28, 2024 Nagsama-sama sa kaganapang ito ang mga tagasulong ng kapayapaan, kinatawan ng ilang lokal na pamahalaan, grupo ng mga kababaihan, civil society, kabataan, mga kasapi ng pamamahayag, at mga pinuno mula sa akademya mula sa ibat’t ibang panig ng Pilipinas.

Itinampok sa virtual gathering na ito ang mga nagawa ng HWPL para sa pagpapakalat ng kapayapaan sa pamamagitan ng peace legislation, peace education, interfaith dialogues at youth and women empowerment. Nakita ng mga dumalo ang accomplishment report at presentation ng mga plano para sa 2025. Nagsilbi ring renewal of commitment para sa pagtataguyod ng kapayapaan sa buong mundo ang naturang kaganapan.

Nagpasalamat ang HWPL sa lahat ng mga kasapi at tagasuporta nito na naging daan upang makamit ang mga tagumpay  na ito. Pinalalakas ng kanilang kontribusyon ang HWPL upang mapalawak pa ang abot nito at mapalakas ang kakayahan upang palaganapin pa ang kultura ng kapayapaan sa mga komunidad sa lahat ng panig ng bansa.

“We must help each other and work together to build a good world that is livable for the future generations. To do so, we must work under the banner of peace and work towards achieving global peace. We must make this a common goal shared by all of us and make that a legacy that will last for future generations,” ayon kay HWPL Chairman Lee Man-hee noong nakaraang HWPL World Peace Summit.

Mula sa mga salitang ito ni Chairman Lee, hinimok ni HWPL Philippines Chief Branch Manager Rommel Garces ang lahat na ipagpatuloy ang kanilang suporta.

Inaanyayahan ng HWPL ang mga indibidwal at organisasyon to lumahok sa misyon nito sa pamamagitan ng pagtatala ng kanilang detalye dito: bit.ly/SignUpHWPL

Inihayag din ng HWPL ang plano nitong magdaos ng 3rd HWPL International Religious Peace Academy, sa darating na tatlong Sabado- sa Enero 11, 18 at 25, 2025. Bibigyang pagkakataon sa pamamagitan ng live na programang ito ang mga lider panrelihiyon at mga indibidwal na makasali sa isang makabuluhang diskusyon sa kanilang paniniwala– upang magkaroon ng malalim na pagkaunawa at mapalaganap ang interfaith harmony.

Maaaring magrehistro dito ang sinumang nagnanais dumalo rito: bit.ly/HWPL-IRPA_fbls

Nakahanda ang HWPL na ipagpatuloy ang mga inisyatiba nito sa paparating na bagong taon upang isulong ang edukasyon, legislation at adbokasiya mula sa komunidad bilang pinakapundasyon ng istratehiya nito upang palaganapin ang kapayapaan sa mundo.

###