
“Ito ang aming hakbang upang tiyajin na ang bawat miyembro ng PHILHEALTH ay makakatanggap ng pinakamataas na posibleng pamantayan ng pangangalaga sa mata” pahayag ni Dr. Edwin M Mercado, ang Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH.
Epektibo nitong nobyembre 15 2025 ang PHILHEALTH Circular No. 2025-0021 kung saan ito ay isang bagong patakaran na naglalahad ng malinaw na quality standard at clinical guidelines para sa paggagamot ng Pterygium, layon ng nasabing inisyatibo na gawing magaan ang pasanin ng mga pilipino na may katulad na kondisyon alinsunod sa adyendang pangkalusugan ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr
Kaagapay ng ahensya sa paglikha ng nasabing circular ang mga dalubhasa mula sa Philippine Academy of Ophthalmology o PAO at Philippine Cornea Society Inc o PCSI, ang patakaran ay nakatuon sa kalidad ng pangangalaga, kaligtasan ng pasyente at ang kasiguruhan na ang paraan ng operasyon na matatanggap ng miyembro ay makabago, may mataas na pamantayan ng pangangalagang naa ayon at napapanahon.
Kasalukuyang kasama sa coverage ng PHILHEALTH ang Pterygium Excision with Graft sa (RVS65426) at P59,085 para sa Ocular Surface Reconstruction (RVS 65780, 65781, 65782) at sa ilaim ng bagong patakaran ang ahensya ay magtatakda ng maximun claim limit para sa mga siruhano sa mata para makatulong na matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente at tamang utilization ng benepisyo. Ang limit ay hindi nag a apply sa sa mga procedures na ginagawa ng mga resident-in-training sa mga accredited government at pribadong health facilities na may Philippine Board of Ophthalmology o PBO accredited residency training program
“Kami ay nakikipagtulungan sa mga ekspertong doktor at pinapalakas pa namin ang aming mga sistema ng pagsubaybay upang matagumpay na matupad ang mandato ng PHILHEALTH na makapaghatid ng benepisyong may kalidad” ani Dr. Mercado. detalye mula sa PHILHEALTH Corporate Communications Department///
