Concepcion nangangambang maging isyu ang korapsyon sa ASEAN 2026

CONCEPTION WORRIES THAT CORRUPTION MAY BECOME AN ISSUE COME ASEAN 2026

Ang isyu ng korapsyon sa Pilipinas ay pinangangambahang mangingibabaw sa usapin sa pamumuno ng bansa sa ASEAN sa 2026, ayon sa isang delegasyon mula sa pribadong sector na kasalukuyang nasa Malaysia para sa ASEAN Business Investment Summit at ang turnover ng pamumuno ng ASEAN mula Malaysia patungo sa Pilipinas.

Ipinahayag ni Jose Ma. “Joey” Concepcion III, ang tagapangulo ng ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) Philippines at susunod na tagapangulo ng ASEAN BAC, ang kanyang mga alalahanin sa kanyang talumpati sa 51st Philippine Business Conference & Expo (PBCE) noong Martes, Oktubre 21, 2025. Ito ay habang siya at ang mga miyembro ng ASEAN-BAC PH, kabilang sina George Barcelon at Michael Tan, ay naghahanda na para sa itinuturing na pinakamalaking pagtitipon sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.

Sa kaganapan na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, tinawag ni Concepcion na “malaking hadlang” and ang iskandalo ng korapsyon. “Nakakasama ito sa imahe ng Pilipinas,” aniya. “Alam ko na ang pribadong sektor ay may malaking papel sa paglago ng ekonomiya ngunit mahalaga rin na maunawaan ng ating mga mambabatas na hindi natin ito kayang gawin nang mag-isa,” dagdag niya.

“Habang tayo ay punong-abala ng ASEAN sa 2026, kailangan nating ipakita na ang Pilipinas ay may magandang hinaharap,” aniya. “Kailangan nating ipakita na ang bansang ito ay isang tapat na bansa. Na hindi tayo nagnanakaw sa pondo ng bayan,” dagdag niya.

Kasabay nito, pinasalamatan niya ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) at ang Office of the First Lady, na kasama sa pagtulong ng mga micro-, small, at medium enterprises (MSMEs) ng Go Negosyo, ang non-profit na itinatag ni Concepcion noong 2005 upang ipaglaban ang mga maliliit na negosyante ng bansa. Pinasalamatan din niya ang PCCI, na ang mga miyembro ay regular na libreng nagme-mentor sa mga MSMEs sa mga free entrepreneurship events ang Go Negosyo sa buong bansa.

Ang MSMEs ay magiging pangunahing agenda para sa pamumuno ng ASEAN-BAC, kasama ang agrikultura at food security, ang creative industries, digital technology, at human capital, partikular ang mga kababaihan at kabataan. “Kung nais nating maging mas inklusibo ang bansang ito, hindi maaaring iilang tao lamang ang umaani ng kasaganaan … Ang susi ay ang magdala ng mas malaking kasaganaan para sa bawat Pilipino,” aniya. ENDS