
Lungsod ng San Fernando, Pampanga, PILIPINAS- Mayroon ng itinalagang bagong Regional Director ang Land Transportation Office ((LTO) sa katauhan ni PBGen. Roderick P. Minong na itinalaga nitong July 7, 2026 at nanggaling sa LTO MIMAROPA o Region 4B.
Ang “Bagong Mukha ng Bagong Pilipinas para sa Gitnang Luzon” at ipinararating ng buong pitong lalawigan (Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales) ang kanilang marubdob na pagbati at inaasahan ang masigasig na mga pagbabago batay sa mandato ng kagawaran at ng Pangulong Ferdinand Marcos JR.
Isang tunay na lingkod bayan hindi bago si RD Minong sa rehiyon at sa sektor ng transportasyon bunsod ng kanyang mabuting pakikitungo sa mga tsuper, operator at sa pribadong sektor mula pa nuong nasa serbisyo siya bilang pulis.
Sa pagtungo ng aming publikasyon upang humingi ng tulong sa suliranin ng ilang taga Bulacan natuklasan namin na hindi rin siya bago sa aming lalawigan. Ilan sa mga bayan na napuntahan ni RD sa kanyang panunungkulan bilang pulis sa lalawigan ng Bulacan ay Hagonoy, Sta Maria Atbp.


Ang Land Transportation Office (LTO) ay bahagi Kagawaran ng Transportasyon.
