SUDI awards ng NCCA ginawaran ang BEN&BEN

Lungsod ng Maynila, PILIPINAS- Binigyang parangal ng prestihiyosong SUDI awards ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang Ben & Ben bilang mga natatanging musikero na nagsusulong sa sining at kulturang Filipino.

Kabilang din sa mga binigyang parangal ay ang P-POP group na SB19 ngunit hindi sila nakadalo, samantala kapwa binigyang parangal din sina Regine Velasquez Alcasid na nagpasalamat sa pamamagitan ng video message at si Pure Energy Mr. Gary Valenciano.

Sa pangunguna ng NCCA Chair and Executive Director DR Eric Zerrudo at National Artist for Music Maestro Ryan Cayabyab ang SUDI awards ay taunang isinasagawa para sa mga alagad ng sining sa musika na nagbigay ng mga natatanging ambag para sa pagsulong at pagkilala sa musikang sariling atin.