


Tiniyak ng pamunuan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang katiyakan sa seguridad ng kanilang mga SID o Seafarers Identity Document at SRB o Seafarers Record Book sa mga banta ng hacking sa kanilang sistema.
Sa ginawang pulong balitaan na ginanap sa kanilang punong tanggapan, tiniyak ni MARINA Administrator Sonia Malaluan ang kanilang mga hakbang at pagsalag sa patuloy na pagha hack sa kanilang sistema lalo ngayon sa panahon ng Artificial Intelligence bukod sa kinailangan nilang kunin ang serbisyo ng isang third party company upang mamahala nito.
Ayon kay Malaluan kung AI ang hacker dapat na AI din ang pangkontra, isang mabigat na suliranin ngayon ang cyber security ngunit ayon kay DR. Joseph Victor Generator maraming pagtatangka ayon sa kanilang mga dalubhasa ngunit wala namang nagtagumpay.
Ipinagbigay alam na ng MARINA sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang insidente para sa kaukulang pag iimbistiga at aksyon ngunit sa bahagi ng ahensya ay ginawa nila ang mga istriktong protocols at pagpapatatag ng mga firewalls sa kanilang sistema upang hindi na maulit ang insidente kabilang dito ang pag aupgrade.
Ipinakita sa mga nakibahaging mamamahayag ang mga proseso ng pag gawa ng mga bagong SID at SRB pati na rin at finish product ngunit limitado po pa lamang ang bilang mga mga ito
ang ibang storya tungkol sa MARINA ay narito: http://www.diaryongtagalog.net/marina-2/
