
May bago ng itinalagang Tagapangulo ang Komisyon sa Wikang Filipino kapalit ng dating Tagapangulo Arthur Casanova. Ang bagong itinalaga ni Pangulong Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos JR., ay hindi isang baguhan sa komisyon kundi masasabing kabilang sa mga masisipag at tunay na nagsusulong ng pagpapalawak ng wika.
Si Direktor Heneral Atty Marites A Barrios- Taran ang katatalaga lamang na bagong Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, Kinatawan ng Wikang Tagalog at isang fultaym komisyoner. Sa kanyang bagong talagang tungkulin inaasahan ang mga pagbabago sa komisyon sa lalong ikahuhusay at ika uunlad ng wika gayundin ang mga bagong patakaran na makakatulong ng malaki para mapalawak ang pag gamit at intelektwalisasyon ng wikang pambansa.
Inaasahan din syang makapanayam ng mga mamamahayag upang malaman ang kanyang mga plano at direksyon ng komisyon sa kanyang pamumuno.

