
Lungsod Quezon, Pilipinas- Sa panahong kinakailangang makisabay ang bansa antas ng teknolohiya sa internet sa mga kapitbansa ng Timog Silangang Asya marapat na mag upgrade mula sa IPv4 o Internet Protocol version 4 papunta sa IPv6 o Internet Protocol Version 6 para sa mas inklusibo at matatag na internet na pagdudugtong sa kapuluan ng bansa alinsunod sa atas ng batas konektadong Pinoy act.
Sa pamamagitan ng nasabing batas ay maipapatupad na ng Department of Information and Communications Technology ang kanilang mga programa sa mga malalayong bahagi ng bansa sa intensyon ng Marcos Jr Administration na fully digitized society ang pangangailangan sa nasabing IPv6 ay may halos pulitika kasi kailangan ng political will ng ating mga lider para maipatupad ito ng husto sa buong bansa.
Sa kasagsagan ng nakaraang Covid 19 pandemic ay nagkaroon ng malaking pagbabago si ating lipunan, at naapektuhan nito ang maraming sektor lalo ang edukasyon, ang blended learning kung saan magkasabay na virtual at face to face ang mga mag aaral at guro sa paaralan kung saan napakarami ng naging mga problema sa ilang paaralan dahil sa kawalan ng kahandaan sa digitalisasyon kasabay na rin nito ang umiiral na IPv4 sa bansa kaya kinakailangang mag upgrade.
Mga miyembro ng akademya, mga telecommunications companies, at mga dalubhasa sa information technologies pati ang mga policy makers buhat sa Department of Information and Communications Technology at Department of Science and Technology partikular ang Advance Science and Technology Institute ang nag organisa ng isang pagpupulong na pinamagatang “The Governance of Technology Adaptation” kung saan kailang inilahad ang mga kabutihan at benepisyo ng pamamahala at paglipat sa mas mataas na antas ng teknolohiya partikular na tinukoy ang IPv4 patungong IPv6.
Kabilang sa mga nakibahagi sa nasabing aktibidad bukod sa Advance Science and Technology Institute, Philippine Network Operators Group, ISIF Asia, APNIC Foundation, Asia Open Ran Academy, Asia Pacific Network Information Centre at Internet Society Philippines Chapter pati ang mga unibersidad gaya ng Bicol University, Cagayan State University, Philippine Merchant Marine Academy.


