
LUNGSOD NG MAYNILA, PILIPINAS-Sa pulong balitaan na isinagawa ngayong araw sa Manila Prince hotel kung saan naging bisita si Senador Riza Hontiveros napag usapan ang tungkol sa juvenile delinquency act kung saan naging isang malaking usapin ito sa nangyaring school shooting incident sa Tacloban Leyte at ang mga suspek ay pawang mga menor de edad.
Tinutulan ng Senador ang pagpapababa sa age of criminal liability ng mga menor de edad na nakagawa ng krimen. Sa umiiral na juvenile justice and welfare act hindi mapaparusahan ng karampatang parusa na para sa mga taong nasa hustong gulang ang isang menor de edad na nakagawa ng krimen bagkus ay inilalagak lamang sila sa mga bahay pag asa kung saan rehabilitation ang ginagawa at hindi tunay na pagpiit sa kulungan kasama ng mga kriminal.
Nabanggit din nya ang Neonistic Violent Extremism na nagrerecruit ng mga kabataang tinuturuan ng matinding karahasan gaya ng grupong 764 na nagsimula sa Texas, sa USA kung saan ang 764 ay zip code buhat sa nasabing estado. Binalaan na umano ng FBI ang mga lugar na naa abot ng nasabing grupo gaya ng pilipinas na mag ingat dahil ginagamit ng mga ito ang social media at gaming para sa kanilang masamang layunin.
Bukod sa tahanan ay kabilang din ang paaralan, game developers, law enforcer at civil society upang mapangalagaan ang mga kabataan. Sa mga programmers, social media at game developers dapat na magkaroon ng mga safeguards and protocols sa mga idini develop na mga games dahil maaring magkaroon ng mga copycat crimes na mula sa naturang insidente.
Samantala, patuloy na pinag iingat ang publiko sa mga kahalintulad na may masamang intensyon na ginagamit ang mga games para mapangalagaan ang ating mga kabataan, isang banta sa pambansang seguridad dahil maari nitong pabagsakin ang pamahalaan at ang kasalukuyang administrasyon.
