ANTI POLITICAL DYNASTY LAW TITIYAKING MAIPAPASA -SEN. HONTIVEROS

Sa ginanap na lingguhang kapihan napag usapan ang tungkol sa Anti Political Dynasty act na binubuo ngayon ng ating mga mambabatas at naging bisita si Senator Riza Hontiveros at kanyang ipinaliwanag na ang kanilang bersyon ng nasabing panukala ay kaiba sa mga naunang bersyon.

Binanggit din nya na napapanahon na, na maiba naman ang mga liderato na dekada ng nanunungkulan sa isang bayan, lalawigan maging sa mababa at mataas na kapulungan.

Matatandaang apat na dekada na mula iutos ng saligang batas ang pagbabawal sa dinastiyang pampulitika at kahit May mga lugar na May magagaling na lider ayon kay senator Joey Lina ay ang pinag uusapan ay kakayahan ng mas maraming mga tao at hindi iilang pamilya lamang.

Hindi masama ang magkakamag anak na mamumuno ngunit ang ipinakikilala ng batas ay ang equality at inclusivity. Tiniyak ni senator Riza Hontiveros na maipapasa ang anti political dynasty law.