1st Violago Cup Badminton Tournament ginanap sa Baliwag

Umarangkada ang Unang Violago Cup Badminton Tournament sa lungsod ng Baliwag layon ay matuklasan ang mga pinaka magagaling na manlalaro ng badminton sa lalawigan ng Bulacan.

Bawat koponan ay kinabibilangan ng mga kabataang buhat sa ibat ibang bahagi ng Bulacan na pawang mga bihasa at baguhan sa larong ito.Ginanap ang torneyo sa smashify sports center sa polaris industrial estate Tarcan Baliwag City na pinangunahan mismo ni Bob. Maria Cristina I Violago na syang organizer din ng nasabing torneo.

November 21 at 22 2026 ang araw ng mga laro kung saan malalaman ang mga magwawagi sa katapusan ng nasabing torneo. Ilan sa mga major sponsors ay sina Bogs Violago, Baliwag Vice Mayor Ferdie Estrella, Malolos Mayor Christian Natividad habang ang mga premier sponsors naman ay sina Amy Tengco at AJ Violago kasama din si Mr Martin Lopez na partner ng organizer.

bilang isang manlalaro din ng badminton nais nyang ma engganyo ang mga kabataang bulakenyo na ma engage sa sports sa halip na mag gadgets at para na rin hindi na dumayi sa labas ng Bulacan ang mga bulakenyong manlalaro.

si Bb. Maria Cristina I Violago ay kapatid Ni Bulacan 3rd district congressman Cholo Violago ng Bayan ng San Rafael. para sa mga artikulong May kaugnayan sa Bulacan i click ang link :http://diaryongtagalog.net/Bulacan/