11th Filipino Faces of Biotechnology Awards Night Ginanap isang araw pagkatapos ng 49th ASEAN Summit

ISANG araw pagkaraang ng 49th Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit sa Maynila na May tema ngayong taon na” navigation the future together”,

Sa mga related meetings, binigyang parangal naman ang mga kampeon na nagsusulong ng bioteknolohiya sa bansa ngayong 11th Filipino Faces of Biotechnology Awards dito sa Pilipinas.

kabilang sa mga panauhin ay ang kalihim ng Agrikultura, Secretary Francisco P Tiu Laurel JR, sa kanyang pagbubukas na pananalita na hindi nakadalo sa nasabing mahalagang okasyon at binasa na lamang ni Paul C LImson DVM ang director ng DA Biotech program Office ang mensahe ng butihing kalihim.

Marcellas Antonia Y Barrogo, ang project development officer IV ng Biotechnology Program ng DA,; kasunod na ang awarding ng faces of Biotechnology sa pangunguna ni Paul C LImson DVM ang director ng DA Biotech program Office

Nagsidatingan ang mga pinakamahuhusay na isip at lider sa larangan ng biyoteknolohiya para sa 11th Filipino Faces of Biotechnology Award Night, na ginanap sa Summit Hall ng Philippine International Convention Center (PICC) ngayong ika-20 ng Nobyembre 2026.

Pormal na binuksan ang pagtitipon ni Francisco Tiu Laurel Jr., Kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA). Nagbahagi rin ng pananaw tungkol sa kahalagahan ng parangal si Marcella’s Antonia Barrogi, Project Development Officer ng DA Biotechnology Program Office.

Ang pamamahagi ng mga parangal ay pinangunahan ni Paul Limson, Direktor ng nasabing tanggapan. kasama din sa nasabing okasyon ang International Service for the Acquisition of Agribuotech Applications (ISAAA).

Kinilala ang walong natatanging indibidwal dahil sa kanilang makabuluhang ambag sa larangan:

Nelly S. Aggangan — Natatanging Eksperto sa Mikrobyal at Kagubatan Biyoteknolohiya; Pangangalaga sa Kalikasan at Napapanatiling Pagsasaka

Casiano H. Choresca Jr. — Huwarang Lider sa Biyoteknolohiya ng Pangisdaan; Kalusugan ng Hayop sa Tubig at Pangangalaga sa Biyoteknolohiya

Merle B. Palacpac — Makabagong Tagapanguna sa Regulasyon ng Binagong Organismo (GM Crops)

Christopher C. Cabusora — Natatanging Mananaliksik sa Biyoteknolohiya ng Pananim at Katatagan sa Pagbabago ng Klima

Edwin P. Alcantara — Kilalang Tagapanguna sa Pagprotekta sa Pananim at Kaligtasan ng Biyolohiya

Windell L. Rivera — Masigasig na Lider sa Pag-aaral ng Genomika; Pagsusulong, Edukasyon at Pangangalaga sa Biyoteknolohiya

Jenny A. Panopio — Natatanging Tagapagtaguyod at Tagapagpalaganap ng Biyoteknolohiya

Randy O. Valerio — Huwarang Magsasaka-Lider sa Biyoteknolohiya ng Alagang Hayop

Ang parangal ay naglalayong kilalanin at parangalan ang mga Pilipinong patuloy na nagpapaunlad at nagpapalaganap ng biyoteknolohiya bilang mabisang kasangkapan sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bansa.