bioplastics mula sa seaweed kapalit ng single use plastics

BANNED na ang single use plastic na petroleum based sa maraming establisimento sa bansa, bukod sa dumadagdag lang sila sa ating mga landfills ay hirap din silang tunawin at matagal ma degrade bukod pa sa banned rin kasi ang incineration na kaisa isang epektibong paraan sa ngayon para tunawin ang petroleum based plastic.

Bunsod nito ay kinailangan gumawa ng mga paraan para maging environment friendly ang plastic kaya pumasok ang marine based bio plastic mula sa seaweed at terrestrial based bio plastic gaya ng cassava para bigyang solusyon ang kakulangang ito.

Bilang solusyon sa kung paano sisirain o tunawin either petroleum based or bio plastic maaring gumamit ng genetic engineering para pabilisin ang Petro plastic degradation o lumikha or mag synthesis ng mga micro organisms na kumakain ng plastic.

Ayon ito sa mga presentasyon ng mga dalubhasa sa marine sciences na nagpresenta ng roadmap ng seaweed bio plastic sa 48th Annual Scientific meeting ng National Academy of Science and technology Philippines.

Sa kabila ng isang promising technology ang plastic at gamit ito pang araw araw mahal ang production ng seaweed dahil wala namang suporta ang gobyerno, naiinggit tayo sa Indonesia na flourishing at maunlad ang nasabing industriya sa kabila ng kaya naman nating makipag sabayan kaya lang sa ugali ng Pilipino na hilahan pababa sure na vision lang ang pag asa ng seaweed farmers sa bansa na umasenso at makilala bukod sa mahina ang promotion ng nasabing teknolohiya.

Maihahalintulad sa registration process ng 48th ASM ngayon, maraming ni restrict mag cover na mga media na totoong nag a output habang pinayagan ang napakaraming Facebook media at pseudo bloggers na hindi naman registered kaya sure na mahina ang dissemination ng mga mahalagang impormasyon sa ASM ngayong taon.