
PINAG USAPAN sa isang pulong balitaan ang nakaraang lindol na naganap sa Sarangani sa mindanao at naging bisita sa nasabing kapihan si Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Dr Teresito Bacolcol at kanyang ipinaliwanag ang mga ginagawang paghahanda ng pamahalaan sa pamamagitan ng DOST PHIVOLCS at ang kahandaan ng mga Local Government Units ukol sa mga tsunami, lindol, pagputok ng bulkan at baha.
Sa HAZARD HUNTER na application na kanyang ipinaliwanag sa nasabing pulong balitaan ipinakikita duon ang mga datos at ang mga dapat gawin bilang adaptation sakaling may mga kalamidad na dumating, magiging guide rin ito sa mga buildings at vertical structures para maging earthquake resilient at ang mga responsibilidad ng mga contractors sa paggawa ng mga gusali upang matiyak ang structural integrity ng mga gusali, tulay at maging mga residential houses upang maminimize ang damage at mabawasan ang casualties.
Malaki ang papel na ginagampanan ng mga pamahalaang lokal para sa kaligtasan at seguridad ng mga maa apektuhang bayan at istruktura kaya payo ng mga eksperto sa mamamayan ay huwag basta maniwala sa social media para sa mga impormasyon lalo na sa pinaghahandaang THE BIG ONE at tanging sa Phivolcs at Office of Civil Defense lamang tumutok para sa tamang impormasyon.
Ang nasabing Kapihan sa Manila Hotel ay pinangungunahan ni dating Senador Atty. Joey Lina at Sec Sonny Coloma na karaniwang ginaganap upang malamang ng mga mamamayan ang mga napapanahong upapin ng bayan.
