PAGSASALIKSIK TUNGO SA PAG UNLAD AT KATATAGAN

Sa ikalawang araw ng 8th National Research and Development Conference na May temang “Leveraging Transdisciplinary Research and Development for Wealth Creation, Wealth Protection Human Well-Being and Sustainability” karugtong ng dalawang araw ng komperensya ukol sa pagsasaliksik patungo sa pag unlad at katatagan ng bansa.

Pinangunahan ng Department of Science and Technology dito sa makasaysayang Manila hotel, kabilang sa nakibahagi si Dr Sancho Mabborang, Undersecretary for Regional Operations ng DOST, Dr Anthony Sales na Regional Director ng DOST R XI Region ng DOST at DrJaime Montoya na Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development.

Upang maging matatag ang isang lipunan kailangan ang mga makabuluhang pagsasaliksik, upang iangat ang buhay ng Pilipino, alagaan ang katatagan ng ekonomiya, kalusugan ng mga mamamayan at mapanatili ang kalidad ng buhay sa Pilipinas ngayon at sa hinaharap.

Muling maglalahad, nagpapamalas ng mga halimbawa buhat sa ibayong dagat na maaring i akma sa ating lipunan at tugma sa lipunang pilipino.

Nakibahagi rin sa naturang conference ang Executive Director ng National Academy of Science and Technology Luningning Samaritan Domingo at Balik Scientist DR Jonel P Saludes ng University of San Agustin in Iloilo.