“Pugita” sa mata at ilang karamdaman sa paningin sagot ng PHILHEALTH

Ang mata ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng ating katawan kung kayat pag ito na ang napinsala ay wari nabagsakan tayo ng langit at lupa, ngunit hindi na tayo dapat mabahala sapagkat sagot na ng ating Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ang ilan sa mga karamdaman ng ating paningin.

Sa nakaraang pulong balitaan na ginanap sa kanilang punong tanggapan ipinahayag na pinalakas ng PHILHEALTH ang proteksyon ng mga miyembro sa tiyak at dekalidad na pangangalaga sa pamamagitan ng mga bagong panuntunan sa operasyon ng mga mata.

Nagpalabas ng mga bagong panuntunan ang PHILHEALTH ukol sa Pterygium Excision na may Graft at Ocular Surface Reconstructive Surgeries o OSR, ang Pterygium na karaniwang kilala sa taguri na “pugita sa mata”, isang mala tatsulok, malaman, fibrovascular sheet na nagmumula sa conjunctiva na tumutuloy sa corneal limbus at higit pa.

Sa isang pag aaral ng Philippine General Hospital kanilang napag alaman na tinatayang nasa 2% ng mga bagong pasyente na may pugita sa mata ay tinatayang nasa edad 47 anyos, kaunti ay kababaihan (53%) ang apektado, may kalahating paglaki lamang sa dalawang mata at 42% ang mga may trabaho sa labas kung saan lantad sila sa init ng araw at alikabok na ilan sa risk factor.

Karamihan sa mga pasyente na nagpapakonsulta ay nakikita na at lumalaki sa kanilang mga mata at inirerekomenda na ng mga doktor ang operasyon upang ito ay maalis at kailangan ng conjunctival grafting para mapigilang maulit muli at mapangalagaan ang paningin.

Ang mga operasyon naman ay kinakailangan lalo at ito ay nagiging sanhi ng mga suliranin sa paningin, pangangati atbp. upang matiyak na ang mga pasyente ay makakakuha ng tiyak at epektibong, dekalidad na gamutan katulad ng mga accredited na mga pasilidad, kwalipikadong siruhano at naayon na surgical technique at post operative care na kanilang kailangan.

Layunin ng bagong patakarang ito ng ahensya ay i-standardize ang pangagalaga, makaiwas sa mga komplikasyon at i-promote ang consistency, may mataas na kalidad ng serbisyo sa pangangalaga sa mga mata para sa lahat ng miyembro ng PHILHEALTH. Naipaliwanag ang mga ito sa regular na pulong balitaankaharap ang mga mamamahayag at ang kasalukuyang Pangulo at Punong Tagapagpatupad na si Dr. Edwin M. Mercado.