
Patuloy na nagtitiwala ang mga Pilipinong nais magdagdag ng kasanayan, makakuha ng sertipikasyon, o magkaroon ng mas magandang oportunidad sa trabaho at kabuhayan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na kinilala bilang pinakaaprubado at pinakapinagkakatiwalaang ahensya ng pamahalaan sa bansa sa loob ng 16 na magkakasunod na quarter.
Batay sa PAHAYAG Third Quarter 2026 survey ng PUBLiCUS Asia Inc., nakapagtala ang TESDA ng 59% approval rating at 41% trust rating, kaya nananatili itong nangunguna sa mga sinuring institusyon ng pamahalaan.
Sumunod ang Department of Science and Technology na may 49% approval at 32% trust, habang nakapagtala naman ang Commission on Higher Education ng 46% approval at 32% trust. Samantala, nagtala ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng 46 porsiyentong approval at 31 porsiyentong trust.
Naganap ang survey habang patuloy na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. ang pagbuo ng future-ready na workforce sa pamamagitan ng accessible, relevant, at de-kalidad na technical vocational education and training (TVET).
Ayon kay TESDA Secretary Kiko Benitez, higit na nagpapatibay sa responsibilidad ng ahensya ang patuloy na tiwala ng publiko upang makapaghatid ng accessible, relevant, at de-kalidad na TVET na tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipinong nag-aaral at sa patuloy na pagbabago ng labor market.
โAng patuloy na tiwala ng publiko ay inspirasyon para lalo pa naming pagbutihin ang aming serbisyo. Patuloy naming palalawakin ang access sa de-kalidad na skills training, palalakasin ang ugnayan sa industriya, at sisiguraduhing mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong matuto, makakuha ng sertipikasyon, at magkaroon ng mas magandang oportunidad sa trabaho at kabuhayan,โ ani Sec. Kiko.
Binigyang-diin din niya na isinusulong ng TESDA ang mga repormang nag-uugnay sa skills training at employment opportunities, habang ginagawang mas accessible ang pagkatuto para sa mga Pilipino, kabilang ang mga nangangailangan ng foundational learning support at mga nais matuto ng mga kasanayan sa mga umuusbong na teknolohiya.
Sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Kiko, pinalalakas ng TESDA ang skills development at pinalalawak ang access sa industry-relevant training sa pamamagitan ng mga makabagong programa at inisyatiba tulad ng Skills Passport, digital at AI courses, Train LOKAL (Localized Opportunities for Knowledge Access and Lifelong Learning) program, at mga pakikipagtulungan sa iba’t ibang industriya upang matulungan ang mga Pilipino na makakuha ng mga kasanayang tugma sa nagbabagong pangangailangan ng labor market.
Pinatitibay rin ng ahensya ang mga pathway sa edukasyon sa pamamagitan ng One Education initiative kasama ang DepEd at CHED upang palakasin ang koordinasyon sa mga sektor ng edukasyon at training at magtatag ng mas malinaw na mga landas mula sa pagkatuto tungo sa trabaho.
Naipamalas naman ang pagsisikap ng bansa tungo sa global competitiveness sa WorldSkills Shanghai 2026, kung saan nagkamit ng bronze medal sa Hotel Reception si Filipino competitor Carlos Antonio Delos Reyes, kasama ang iba pang Filipino Medalists for Excellence.
Patuloy na nakatuon ang TESDA sa pagbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa mga Pilipino na magkaroon ng access sa de-kalidad na skills training, certification, at employment opportunities, alinsunod sa misyon nitong bumuo ng highly skilled, globally competitive, at future-ready na workforce.
Isinagawa ang PAHAYAG Third Quarter 2026 (PQ3-2026) survey mula Oktubre 1 hanggang 4, 2026, na may 1,581 respondents mula sa buong bansa. Gumamit ito ng purposive sampling mula sa market research panel ng mga rehistradong botanteng Pilipino na pinamamahalaan ng PureSpectrum, isang US-based panel marketplace na may multinational presence.
Ang PAHAYAG ay isang independent at non-commissioned quarterly survey at corporate social responsibility initiative ng PUBLiCUS Asia Inc.
