MGA ENTREPRENYUR AT DIPLOMATIKO DINALUHAN ANG FREE HALAL 101 SEMINAR FOR NON MUSLIM MSME SA MALOLOS

MATAGUMPAY na natapos ang kauna unahang Free Halal 101 Seminar for Non Muslim Micro Small and Medium Enterprises (MSME) na ginanap sa Lungsod ng Malolos nitong August 28 2025 kung saan bukod sa mga naimbitahang panauhing mga entreprenyur ay dumaloo din ang mga miyembro ng diplomatic corps ng bansa sa pangunguna ni H.E. Agus Widjojo ang Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary ng bansang Republic of Indonesia, sa kanyang talumpati ukol sa sitwasyon ng Halal industry sa kanilang bansa at bilang pinakamalaking bansang muslim ay tunay an bahagi na ng kanilang buhay at ekonomiya ang Halal na kanilang ibinabahagi sa buong ASEAN habang si Mr. Ahmed Hany ang Deputy Chief of Mission ng Arab Republic of Egypt ay inilahad ang mga karanasan ng kanilang bansa sa bilang isang bansang Muslim at ang ekonomiya ay umiikot sa Halal at mga aspeto nito at si Mr. Adhwa Azmil, ang Acting Trade Attache ng Embassy of Malaysia in Manila tungkol sa mga oportunidad sa negosyo at kalakalan na maituturing na pinakamatagumpay na ekonomiyang Halal sa ASEAN.

Sa kabila ng hindi pisikal na nakarating para makiisa sa nasabing programa ay naroon ang mga representante ng lungsod ng Malolos upang iripresenta ang City Mayor Atty. Christian Natividad at ang kapitolyo ng Bulacan sa pangalan ng Gobernador Daniel Fernando na sina Malolos City office of the Mayor’s Chief of Staff na si Mr. Ferdie Durupa at Ms. Rochelle Cruz naman sa bahagi ng kapitolyo.

Bukod sa mga representante ng City Hall ng Malolos at ng Provincial Capitol ng Bulacan pati ng mga Provincial Offices ng National Government gaya ng Department of Science and Technology Bulacan sa pangunguna ng kanilang Provincial Director na si Angelita Parungao na kinatawan ni Michael Mariano na ibinahagi ang mga programa ng kagawaran ng agham ukol sa Halal.