NATATANGING KABABAIHAN PARARANGALAN; K ESSENTIALS IPINAKILALA at ang LTOP NGAYON

NATATANGING MGA KABABAIHAN PARARANGALAN

Pararangalan ang mga natatanging kababaihan sa sektor ng sandatahang lakas at pambansang seguridad. Ang paghahanap sa Outstanding Women in Law Enforcement and National Security (OWLENS) awardees ngayong taon 2024.

Ang mga kababaihang ito ay buhat sa sandatahang lakas gaya ng hukbong katihan (Army) hukbong panghimpapawid (Air Force), hukbong pandagat (Navy) at kapulisan.

binigyan ng pagpapahalaga ang mga kontribusyon ng mga kababaihan sa bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at pagsugpo sa mga kaaway ng pamahalaan, hindi nasusukat ang kanilang mga ipinamalas na kabayanihan sa kanilang kagandahan pisikal o galing sa pagharap sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng pamahalaan.

Ang OWLENS ay isang proyekto ng samahang Republic Defenders na binubuo ng mga propesyunal, kawani ng gobyerno, mga negosyante at entreprenyur na nagnanais na ipagmalaki natin ang ating pagiging Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay pagkilala sa mga kababaihang may mga naiambag sa sektor ng pambansang seguridad.

Kabilang sa mga pararangalan ay sina PMAJ Mae Ann Raguine Cunanan, Col. Arlene A Frage (GSC) PA, LTC Cynthia Forteza Guinto PAF, 1LT LEI Vanette D. Alangui PAF, Col. Ann Marie T Gerodiaz PAF (GSC), Col. Rosa Ma Cristina Rosete-Manuel GSC (ART) PA, PSSG Aidalyn Bustamante Barrido PhD., May Aileen S Zara PAF, 1LTCielo Rose U Dolorican PA at CSUPT Alma Gran Abacahin (DSC) BFP.

Ang pagpaparangal ay nakatakdang ganapin sa Quezon City sports Club ika 21 ng 2024. Kabilang din sa dumalo sa nasabing pulong balitaan ay ang aktor na si Xavier Martin Apostol.

Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-

K ESSENTIALS IPINAKILALA

Ipinakilala kamakailan ang ilang mga produktong pampaganda na gawa sa mga natural at indigenous na mga materyales at ang mga sangkap na buhat sa mga katutubo sa Luzon at sa Mindanao at likha ng kilalang tatak na Katinko.

Ilan sa pinanggagalingan ng mga raw materials ay ang tribu ng Abeling sa lalawigan ng Tarlac partikular sa bayan ng San jose at ginanap ang paglulunsad sa Robinson Magnolia kung saan naging bisita sa Catriona Gray at ang aktor na si Robi Domingo.

Ang pangunahing produkto ng K Essentials ay Handy Massage and Body Oil na May libreng inabel pouch. Maaring gamitin pang spa o home use.

Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-

ANG LTOP NGAYON

Nakadaupam-palad ng pahayagang ito kamakailan ang kilalang lider sa sektor ng pampublikong transportasyon at ang kanyang grupong LTOP o ang Liga ng Transportasyon at mga Operator sa Pilipinas na ang pangunahing adbokasiya ay pagyamanin ang sariling atin sa bahagi ng pampublikong transportasyon.

Ang kanyang Jumbo Jeepney ay isa sa patunay na kaya ng Pinoy na makipagsabayan sa mga dayuhang sasakyang panglupa. ///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net