
KINILALA ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang kontibusyon ng online news portal na Diaryong Tagalog sa pagpapakalat ng kamalayan sa sining at kultura sa unang semestre ng taong 2026 at ito’y ginanap sa Centro De Turismo sa Intramuros Manila kasama ang ibang alagad ng sining at kapwa mamamahayag.
pinangunahan ni Chair and Executive Director Eric Zerrudo PhD ang paggawad ng parangal kasama sina Rene Napeñas sa media affairs at ang Director ng National Museum na si Jeremy Barns. Bukod kay Michael Balaguer ng diaryong Tagalog kasama din si Mary Jane Olvina Balaguer ng DZMJ Online mga representante ng cultural offices ng Bulacan particular sa mga bayan ng Paombong, Pulilan at Provincial, history, Arts, culture ang Tourism office

sa huli patuloy naming itataguyod ang sining at kultura para sa susunod na henerasyon, ang mga sining biswal ay itatago ng mabuti upang ito ay pakinabangan ng susunod na salinlahi, ilan sa mga nabigyan ng parangal ay mga di masyadong kilalang mga mamamahayag ngunit nagpapakilalang mabuti ang sining at kultura ng bansa.
Ilan sa mga kinokober ng pahayagang ito ay mga inobasyon sa kasalukuyang teknolohiya gaya ng fintech at crypto currency, Blockchain, AI at internet of things na kaugnay ng wika at pinahahalagahan ang kaugnayan nito sa sining at kultura ng Pilipino.
