Pambansang Araw ng State of Kuwait dinaluhan ng nakararaming Muslim diplomats

TAGUIG CITY, PILIPINAS- KATATAPOS lang ginanap ang National day ng State of Kuwait dito sa bansa at ng masiglang diplomatic relations sa Pilipinas kung saan ang kanilang okasyon ay dinaluhan ng nakararaming Muslim majority countries at ang selebrasyon ay ginawa sa Shangri-La the Fort Bonifacio Global City sa lungsod na ito.

Ito y selebrasyon g 65th National day (1961-2026) at 36th liberation day, pinangunahan ni His Excellency Meshari Yousef Muhammad Alnibari ang Ambassador ng State of Kuwait sa Pilipinas.

Dinaluhan ang pambansang araw ng mga dignitaryo at embahador mula sa mga sumusunod na bansa: Turkiye, Arab Republic of Egypt, Iraq, Kingdom of Saudi Arabia, People’s Republic of China, State of Qatar, South Africa, Colombia, State of Palestine at mga organisasyon ng mga Pilipinong Muslim gaya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at National Commission on Muslim Filipinos.

Naroon din ang mga heads ng Anti Red Tape Authority, Department of Agrarian Reform, Department of Migrant Workers at Senado ng Pilipinas.

Bagamat mabilis ang selebrasyon ay naging matagumpay ito kahit nagluluksa sa pagkamatay ni His Excellency AGUS WIDJOJO, ang Ambassador ng Indonesia.