
MAYNILA, PILIPINAS- Dekada na nga ang nakalipas matapos ang makasaysayang landmark legal victory ng Pilipinas ukol sa usapin ng West Philippine Sea sa The Hague ngunit wala pang tunay na pakinabang mula dito. Patuloy pa ring inaangkin ng Peoples Republic Of China ang bahaging ito ng ating exclusive economic zone, hina harass ang ating mga mangingisda at binubuntutan pati ang ating Philippine Coast Guard.
Kaugnay nito sa regular na pulong balitaan na ginaganap sa isang hotel sa lungsod na ito kanilang naging bisita si dating Associate Justice Francis Jardeleza at kanyang tinalakay ang patungkol sa’ 2016 tagumpay sa South China Sea Arbitration at ang mga implikasyon nito diplomatiko, ekonomiya, at mga interes kaugnay sa pambansang seguridad sa kabuuan ng West Philippine Sea.
Sa nasabing kapihan sa Prince Hotel pinag usapan kung paano gagamitin ng bansa ang kanyang legal na pagkapanalo para sa mga kapakanan ng sambayanang Pilipino batay sa mga pandaigdigang patakarang umiiral sa kabila ng napakalaking pagsubok sa sektor maritima.
Bukod kay Dating Justice Francis Jardeleza, dating Associate Justice ng Kataas taasang Hukuman at dati ring Solicitor General ng Pilipinas at kinatawan ng Republika ng Pilipinas at pinuno ng Philippine Legal Team sa UNCLOS (United Nations Convention on the Laws Of the Sea) arbitration laban kontra China sa The Hague Netherlands kaugnay ng di pagkakaunawaan sa West Philippine Sea.
Ang nasabing kapihan ay pinangunahan nina Dating Senador Joey Lina at dating kalihim ng Komunikasyon Sonny Coloma. Sa pinakahuling taya, hindi lamang Pilipinas ang pumapalag sa panggi giri ng China sa South China Sea kasama ang West Philippine Sea at ang iba ay dinadaan din sa protestang diplomatiko ngunit kung sa paningin ng saligang batas ng Pilipinas ito ay kabilang sa ating pambansang teritoryo, atin ito at dapat nating ipaglaban kontra sa sinumang dayuhan.
