
Lingkod Bayan sa Plaridel isinusulong ang pangunahing karapatan pangtao
ISA ngang lingkod bayan mula sabayan ng Plaridel ang nagsusulong ng libreng akses sa internet para sa lahat, bukod dito sa libreng WIFI ng pamahalaang nasyunal na ptogtama ng Department of Information ang Communications Technology (DICT).
Alam natin na ang akses sa internet ay isa ng itinuturing na pangunahing karapatang pantao ayon sa deklarasyon ng United Nations at marami ng mga bansa sa Europa ang nag akda nito sa kani-kanilang mga sariling batas pambansa.
Samantalang dito sa atin, sa kabila ng marami pa ring lugar sa bansa ang walang supplay ng kuryente at nananatiling isa sa may pinakamalaking halaga ang kuryente sa atin, patuloy naman tayong itinuturing na pinakamalakas bumuli ng cellphone at iba pang electronic gadget.
Bunsod nito talagang hindi natin maiiwasan ang isulong ang digitalization bukod sa mapapagaan nito ang ang buhay ng maraming pilipino kaya nga ang ibang bayan ay nagsisimula ng isalin sa digital format ang mga mahalagang mga dokumento lalo at higit yung mga may kinalaman sa personal identity, isang mahalagang mai digitalized ay ang mga transaksyon sa gobyerno para sa transparency at accountability.
Dito umikot ang panayam ng pahayagang ito kay Konsehal Seth Cucio ng Plaridel, sa kanyang unangtermino pa lamang ay nakitaan na siya ng pagnanais na baguhin ang nakasanayan, at ito nga ay ang digitalization, maraming pangamba ang ilan sa pagkakaroon ng malawakan at libreng akses sa internet.
Kabilang dito ang kabi-kabilang hacking , mga pishing, scams, pagpapadala ng mga viruses, identity theft at ibat ibang mga cybercrimes na hindi naman direktang dulot ng libreng akses ngunit mas makakadagdag sa kabila nito ay ang mga kabutihang dulot naman ng libreng akses ay ang hindi na malimit na paglabas ng mga kabataan, madaling komunikasyon lalo at malalayo ang pagitan ng mga kapitbahay sa kanayunan, mas malawak na mundo ng karunungan hatid ng ibat ibang educational websites.
Mahalaga kay Cucio ang edukasyon, transparency good governance at pangkalahatang pagbabago sa nakasanayang leadership kaya ang kanyang mga panukalang isinusulong at hindi lang makapagbibigay ng magandang buhay sa kanyang mga constituency bagkus iniisip din niya ang kinabukasan nila.
para sa mga artikulong may kaugnayan sa Bulacan i click lamang ang link na ito http://diaryongtagalog.net/bulacan/
