HENERASYON NG PAGLILINGKOD BAYAN

THE HOPE OF THE NATION

SINASABING mas maraming malikhaing ideya ang naisasakatuparan ngayon ng mga mas nakababatang lider kesa sa kanilang mga mas matatandang sinundan.

ito rin ang tinuran minsan ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na sinabi niya sa wikang Kastila na la juventud es la esperanza de la naciĆ³n o sa atin ngayon ay the youth is the hope of the nation.

isang malaking biyaya para sa bayan ng Dolores Eastern Samar ang kanilang konsehal ng bayan na si Joseph Ryan Albert Rivera na nakapanayam kapwa ng diaryong Tagalog at DZMJ Online at maglahad ng kanyang mga karanasan at kasanayan bilang legislator ng kanilang bayan.

tagapangulo siya ng komite ng turismo, alam natin na ang sektor na kanyang pinangungunahan ay ang grabeng pinadapa ng Pandemya ng COVID 19 maraming negosyo ang nagsara, lugar na hindi napupuntahan dahil sa lockdown at mga nawalan ng trabaho at hanapbuhay.

kaya nga sa muling pagbubukas ng merkado ng turismo lalo sa kanila sa Eastern Samar marami siyang programa at proyektong layon ay progreso para sa kanilang bayan. ///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk