NATIONAL DAY NG IR IRAN MATAGUMPAY NGUNIT NAGLULUKSA SA PAGPANAW NG SUPREME LEADER

SA kabila ng matagumpay na pagdiriwang ng relasyong diplomatiko ng Islamic Republic of Iran at Pilipinas kasabay sa tagumpay ng kanilang Rebolusyong Islamiko nalulungkot naman ang maraming Muslim lalo ang mga sumusuporta sa kanilang Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei sa pagkamatay nito at ng kanyang pamilya lalo ang kanyang 14 month old na apo na pinatay ng mga zionistang Israel at United States of America sa pambobomba kamakailan.

Patuloy pa ring nagpapakawala ng mga missiles hanggang ngayon ang Zionistang Israel at USA sa Iran ngunit hindi natitinag at gumaganti pa rin ang huli sa kabila ng mga martyr tulad ng Supreme leader at ng kanyang pamilya na nadamay sa gulong nagsimula lamang sa kahalayang nilalaman ng Epstein files kung saan direktang kasama sina Donald Trump at Benyamin Netanyahu sa mga umano ay pedophilia na bumababoy sa mga bata.

Kaugnay nito patuloy pa rin naman ang pagpatay ng mga bata sa Gaza ng mga IDF ng Zionistang Israel sa kabila ng kasagsagan ng Ramadan, hinarangan din ng mga zionista ang daan patungong Al Aqsa Mosque upang hindi makapag tarawi ang mga kapatiran sa Palestine, Dome of the Rock na itinuturing na ikatlong pinakamahalagang mosque sa Islam.

IPINAGDIWANG kamakailan ang anibersaryo ng Islamic Republic of Iran kung saan mga miyembro ng diplomatic corps ang ilan sa mga nakibahagi at mga kapatirang Muslim na naniniwala sa simulain ng Islamic Republic kabilang ang mga bansang Palestine at South Africa.