ENTHRONEMENT AT RE ENTHRONEMENT NG MGA BAGO AT DATI NG MGA SULTAN
Our Sultanates an Intangible Cultural Heritage
TINITIYAK na magkakaroon ng malaking pagbabago sa sistemang pulitikal ng bansa kung magkakaroon ng kapangyarihang pam pulitikal ang mga Sultan at iba pang mga tradisyunal na lider ng bansa.
Ang mga sumusunod ay ang mga personalidad na dumalo, direkta o hindi direktang tumulong at nakatulong upang maging matagumpay and aktibidad ng enthronement at re enthronement ng mga Sultans at ni HRH Sultan Bob M. Datimbang Al Hajj, ang Sultan ng Pilipinas. ang una ay si Abubakar Zakaria ng Moro National Liberation Front National Capital Region.
isa pa ay isang Barangay Kagawad mula sa Barangay Datu Esmael ng Dasmarinas City Cavite na walang iba kundi si Kagawad Omar Embolo, kung saan kasama niya ang mga taga Cavite na buong pusong sumuporta sa enthronement ni Sultan Bob.
Sultan Sukarto Darling Bulig the Enthroned Sultan of Manila ay naroon din upang magbigay ng kanyang pagbati sa Sultan ng Pilipinas at Bgy Captain ng Bgy San Miguel bukod sa kanyang mga ibinahagi ang kanyang mga nagawa habang siya ay kinakapanayam ng website na ito ay binati muli niya si Sultan Bob.
huli man raw at magaling ay naihahabol rin, ito ay totoo para sa kanang kamay ni HRH Sultan Bob M.Datimbang Al Hajj ang Sultan of Quiapo Alex Sansarona ay nagbigay ng kanyang maikling mensahe para sa Sultan ng Pilipinas.
Our Sultanates an Intangible Cultural Heritage
ENTHRONEMENT AND REENTHRONEMENT OF SULTAN AND THE SULTAN OF THE PHILIPPINES
Congratulating the Enthroned Monarch
bago pa man nakatapak ang mga paa ng mga Europeo sa lupain ng Pilipinas ay may matatag na na mga pamunuan ang mga Pilipinong Muslim na halos kapantay ng mga kaharian ng (Association of South East Asian Nations { Philippines, Indonesia, Malaysia, Brunei Darusalam, Timor Leste, Vietnam, Cambodia, Lao Peoples Democratic Republic, Thailand and Singapore} ASEAN) bilang mga magkakapatid sa Islam, ang mga Sultanato. Kasaysayan na ang nagsabi na may higit sa isang Sultanato sa Pilipinas, higit sa isang angkan o pamilya ang namuno sa katimugan o sa Mindanao at kahit sa Visayas at Luzon.
Ang kasaysayan ng mga Sultanato at bago pa dumating ang mga mananakop na mga taga Europa kaya mali ang tinuran ni Fernando Magallanes (Ferdinand Magenllan) na natuklasan niya umano ang Pilipinas, ito ay isang hayagang kasinungalingan dahil may mga Sultanato na at sila ay umaaktong tagapamayapa at pangulo ng kanilang mga tagasunod.
Sa kasalukuyan ang mga Sultanato ay nagkita kita sa Cuneta Astrodome sa Pasay city upang i-enthrone ng may pagkakaisa si HRH Sultan Bob Datimbang AlHajj bilang Sultan sa Pilipinas kasama dito ang mga Royal Houses ng mga Maranaws, ang mga Royal Houses ng mga Maguindanaos at ang Sultanate ng Sulu ay kabilang sa mga nagsilbing mga saksi sa makasaysayang aktibidad na ito.
Kadalasan ang mga tribo ng Muslim ay kabilang sa 18 tribo ng Bangsamoro at mga komunidad ng mga Muslim na buhat sa Luzon at Visayas habang meron namang mga tinatawag na Paramount Sultans na mga lider sa kani kanilang mga komunidad na halos kapantay ng kanilang mga katumbas sa inihalal na mga lider, ang Sultan sa Pilipinas ay nagbigay ng kanyang talumpati kasama ang mga Ulama o ang mga lider relihiyon sa pananampalatayang Islam.
tatlong kulay ang naging Dominant sa nasabing aktibidad gaya ng Yellow, Green at violet kung saan maituturing talaga na mga kulay ng Sultanato lalo na nuong kasagsagan ng kanilang mga pamumuno nuong sinaunang panahon ngunit ngayon tila may galak pa rin sa puso ng mga naroon at nakibahagi dahil halos mapuno ang astrodome ng mga taong sumuporta maging lalaki man o babae kahit pa tila asiwa ang mga tao sapagkat sa pananampalataya ay natural na magkahiwalay ang kanilang mga hanay.
HRH Sultan Bob M. Datimbang Al Hajj ay tunay na karapat dapat nga sa kanyang titulo bilang Sultan dahil bukod sa kanyang mga makataong gampanin ay ang kanyang mga gawain pang relihiyon at nagiging mabuti siyang halimbawa bilang lider ng komunidad sa Montalban habang sa kanyang mga kaibigan ay nananatili siyang kagaya rin ng dati at hindi kakikitaan ng pagbabago ng ugali.
kagaya ng Agung ng Malaysia ang pagkakatulad sa Sultan natin dito sa bansa ngunit ang pagkakaiba nga lang ay ang Agung ay may mga kapangyarihang pulitikal habang ang sa atin ay wala kaya nga ng mga lobbyist sa Senate at House of Representative ay hinihikayat ang mga mambabatas na lumikha ng mga batas upang buhayin ang kapangyarihan ng mga Sultan at pag ito ay nangyari tiyak na mag iiba ang klima ng pulitika sa ating bansa. ///abdul malik bin ismail, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at abdulmalikbinismail6875@gmail.com