KOMISYON SA WIKANG FILIPINO


๐๐๐ ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐-๐๐ ๐๐ฎ๐ซ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ฆ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฌโ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ
Aktibong dumalo ang Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Atty. Marites A. Barrios-Taran, kasama ang Fultaym Komisyoner Benjamin M. Mendillo sa K-10 Curriculum Implementersโ Summit na isinagawa noรณng 15 Enero 2026 sa Rizal Park Hotel, Manila. Layunin ng pagtitipon na pagtibayin, talakayin, at pag-ibayuhin ang pagpapatupad ng K-10 Kurikulum sa buong bansa.
Nagbigay ng mahalagang mensahe si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara at binigyang-diin nito ang papel ng mga tagapagpatupad ng kurikulum sa paghubog ng makabuluhan, ingklusibo, at makabansang edukasyon. Hinikayat niya ang mga guro, administrador, at katuwang na institusyon na magkaisa, makipagtulungan, at magsulong ng de-kalidad na sistema ng pagkatuto.
Nakiisa rin sa summit sina G. Gerson Marvin M. Abesamis, Director IV ng Bureau of Learning Delivery, Atty. Ester A. Funtalan, OIC, Office of the Director III ng BLD, at G. Jerome T. Buenviaje, Assistant Secretary ng Learning System Strand. Aktibo silang nagbahagi ng pananaw, naglatag ng mga polisiya, at nagpaliwanag ng mga estratehiya kaugnay ng epektibong implementasyon ng K-10 Kurikulum.
Ipinakita ng K-10 Curriculum Implementersโ Summit ang sama-samang pagkilos ng mga pinunแฝธ, eksperto, at institusyon upang paunlarin ang edukasyong Pilipino.

Ferdinand P. Jarin at Darwin P. Plaza, Wagรฎ ng PHP100,000.00 sa KWF Gawad Julian Cruz Balmaseda 2026
NAGWAGI ng PHP100,000.00 sa Gawad Balmaseda 2026 ng Komisyon sa Wikang Filipino si Ferdinand P. Jarin, PhD para sa kaniyang disertasyon sa DLSU-Maynila na pinamagatang โAng Kalyeng Walang Kamatayan: Ang Paglalandas ni Leoncio P. Deriada sa Panitikan ng Banwa at Bansaโ bรญlang pinakamahusay na disertasyon sa taรณng 2026.
Matagumpay niyang nailahad sa komprehensibong pamamaraan ang pagpapakilรกla ng kongkretisasyon at uswag ng panitikang rehiyonal. Tumuon ang pananaliksik na ito sa pag-iral ng panitikan ng Kanlurang Visayas sa kontemporaneong panahon. Pinatunayan niyang sa pamamagitan ng pagtatanghal ng ilang pilรญng akda ni Leoncio P. Deriada, malinaw na maitatampok ang sensibilidad at konsepto ng pagkabansa. Patรบloy nitรณng hinahawan ang landas ng pagdurugtong at pag-aagapay ng panitikang rehiyonal at panitikang pambansa.
Samantรกla, nagwagi rin si Darwin P. Plaza ng PHP100,000.00 para sa kaniyang tesis masterado sa Ateneo De Naga University na pinamagatang โGakot at Paglaban sa Kalamidad ng mga Taga-Partido Erya sa Bicol, Pilipinasโ bรญlang pinakamahusay na tesis sa taรณng 2026 ng Gawad Julian Cruz Balmaseda.
Nakatuon ang pag-aaral sa mga katutubong kaalaman sa paghahanda sa kalamidad ng mga malayรฒ at tabing-dagat na komunidad sa Partido Erya, Bikol.
Matagumpay ang nagawang dokumentasyon na nagpapakita ng isang malinaw na ambag sa pagpapanatili, pagpapaunlad, at pagpapahalaga ng anyo ng kultura at tradisyong sumasalamin sa pagkamalikhain at pagkamaugnayin ng mga taga-Partido sa kanilang lokal na kapaligiran.
Malinaw na napunuan niya ang kakulangan o kawalan ng mga pag-aaral tulad ng katutubong paggagakot bรญlang isang katutubong estratehiyang tumutugon sa panganib ng kapaligiran. Ang saliksik ay maituturing bรญlang isang akademikong sulatรญn, mahalagang ambag ang tesis na ito sa pagtuturรฒ ng mga asignaturang Filipino, Kasaysayan at iba pang araling saklaw ang pagpapahalaga at pagkakakilanlan.
Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay isang gawad para sa pinakamahuhusay na tesis at disertasyon na isinulat gรกmit ang wikang Filipino para sa mga larang akademiko, lalo na sa agham pangkalikasan, agham panlipunan, at matematika. Layunin ng gawad na ito na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo ang pagsusulat at publikasyon ng mga akdang orihinal at ambag para sa intelektuwalisasyon at modernisasyon ng Filipino.


-30-