DSWD Sec Gatchalian pagtutuunan ang Northern Luzon

Sa ginanap na post SONA discussions na ginanap sa Hilton hotel ngayon, binanggit ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang tungkol sa kanilang mga tinutulungan na mga biktima ng bagyong Egay.

Ayon sa kalihim bukod sa hilagang Luzon ay kanila ring pinagtutuunan ng tulong ang mga biktima ng Habagat at ang kanilang mga food packs ay ikinalat na buong bansa.

Dahil sa maituturing na first responders ang mga local government units na mismong nasa apektadong lugar umaagapay rin ang kagawaran sa mga pangangailangan ng mga ito.

///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@admin