PILIPINAS HANDA SAKALING LUMALA ANG GULO SA GITNANG SILANGAN

HANDA ang Pilipinas sakaling lumala ang gulo likha ng estados unidos ng Amerika ngayon sa gitnang silangan, ayon sa Kalihim ng Department of Migrant Workers Atty Hans Leo Cacdac na nagsilbing guest sa lingguhang Kapihan sa Manila hotel sa pangunguna ni dating Senador atty Joey Lina at secretary Sonny Coloma.

Bukod sa mga host countries gaya ng Bahrain atbp, mga bomb shelters na handang itulong sa ating mga overseas Filipino workers na mata-trap sa gulo sakaling sumiklab ito.

Sa bahagi naman ng ating mga seafarers May magandang standing ang Pilipinas sa international maritime at panatag ang pakiramdam ng ating mga migrant workers maging ito ay land base o sea based.

Matatandaang bai lathala namin sa pahayagang ito ang isang kababayan nating nurse na inabuso ng employer sa Saudi Arabia at natulungang makauwi sa bansa sa tulong ni atty. Hans bilang dating Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).