PULONG BALITAAN NG PROPAK PHIL GINANAP

Ginaganap ngayong araw January 17 2024 ang pulong balitaan ng nakatakdang ganapin na PROPAK Philippines sa January 31 to February 2 2024 sa World Trade Center.

Ang 4th International Processing and Packaging Trade Event for the Philippines ay muli na namang isasagawa.

Ang pambungad na pananalita ay mula kay Ms. Rungphech Rose Chitanuwat, ang Country General Manager ng Informal Markets Philippines.

Nagsalita naman mula sa Department of Trade and Industry ( DTI) si Ms. Blesila A Lantayona na syang Undersecretary for Regional Operations Group.

Mula naman sa Philippine Pharmaceutical Manufacturers Association President ENGR. Higinio Porte JR.

At sa Philippine Association of Food Technologist INC ang kanilang Pangulo na si Ms Julieta Austria.

Sa bahagi naman ng Halal ay si Ustadz Alex M Sultan PhD na Pangulo ng Halal International Chamber of Commerce and Industries of the Philippines Inc.

Ang packaging ay isang mahalagang component para mabili ang isang produkto kaya kailangan ng mga manufacturer ang events na gaya nito.///Michael Balaguer, diaryongtagalog@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net +639262261791