
DINALUHAN ng Damayang Filipino Movement Inc (DFMI) sa pangunguna ng Chairperson nito na si Athenie Fernando Ramirez-Bautista ang Malolos City Private Schools Association (MACIPRISA) Youth Congress kung saan siya ang nagsilbing panauhing pandangal.
Ayon sa facebook post ng “Ate ng Bayan” Taos-pusong pasasalamat sa MACIPRISA sa tiwala at pagkakataong maging bahagi ng makabuluhang pagtitipong ito na naglalayong hubugin ang kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang ating pagsasama-sama upang patuloy na paigtingin ang pamumuno, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng kabataan sa pagbuo ng isang mas maunlad na pamayanan.
Maraming salamat din po sa mainit na pagtanggap at sa patuloy na pagbibigay-halaga sa boses, talento, at potensyal ng kabataang Pilipino! Sama-sama para sa kabataan, sama-sama para sa kinabukasan!
Ginanap nitong October 10 2026 sa Centro Escolar University Malolos Campus Centrodome Centro Escolar Integrated School. Kabilang sa panauhing pandangal ay si Hagonoy Municipal Councilor Hon. John David Martin. para sa iba pang artikulo tungkol sa Bulacan i click and link na ito http://diaryongtagalog.net/bulacan/
