ANNUAL SCIENTIFIC MEETING NG NAST 2026 SAAN KAYA MAUUWI AT ANO ANG BAGO

Maynila,PILIPINAS-Taun-taon ay nagkikita kita ang mga dalubhasang siyentista ng bansa upang bigyang solusyon ang samut saring suliranin ng bansa sa pamamagitan ng agham teknolohiya at inobasyon kaya taun taon din inaabangan ng kanilang mga kritiko kung ano ang bagong maihahatag nila sa sambayanang Pilipino.

Sa dalawang araw na magkikita kita ang ibat ibang disiplina mula sa agricultural sciences, health sciences, physical sciences, mathematical sciences, engineering sciences atbp, mula sa ibat ibang bahagi ng bansa ang mga academician at mga pambansang siyentista, mga outstanding young scientist ay maglalahad ng kanilang mga napapanahonhg solusyon sa taunang pagpupulong na ito.

NGayong taon ay 48th Annual Scientific Meeting ay may temang UN SGDs: Science, Technology and Innovation for Sustainable Development. Tanong ng marami, natugunan ba ng bansa ang Sustainaable Development Goals ng United Nations gamit ang agham teknolohiya at inobasyon? kung mga siyentista at mga nasa akedemya ang ating tatanungin natural ang isasagot nila ay “oo” ngunit ang totoo mula sa mga karaniwang tao ang sagot ay “hindi” kaya tunoy ang maraming positibo at magaling na likha ng mga dalubhasa sa pamahalaan ay hindi nararamdaman ng karaniwang tao bagkus ay sa iilan lamang.