



ISANG programang ilulunsad ng lungsod na magbibigay kalinga sa marami rami ng kaso ng mental health sa lungsod na ito ngayon.
Layunin nitong makinig sa mga “May pinagdaanan” o mga taong kailangang May makinig upang hindi mauwi sa hindi maganda ang kanilang kalalagyan.
May mga kabataang nabubully, nakakaranas ng depression, bipolar disorder at suicide. Ilan sa mga natatagong karamdaman na ayaw matawag na “baliw” of kabaliwan of nababaliw ngunit ito ay hindi lang karamdaman sa pag iisip sa halip ay isang sosyo lohikal na suliranin na maaring mabigyang lunas kung pakikinggan lamang at huwag huhusgahan.
Kabilang sa mga dumalo ay si Mayor Christian Natividad’s Chief of Staff Ferdinand Durupa, Malolos City Administrator Joel Eugenio, DR. Candy Carlos DOH Central Luzon for Health Development, DR Jesus Egargo Provincial Health Office, Malolos City Health Department at NM Arts Technology Institute and Community Development Center.
