
Pasig City, PILIPINAS- IPINAKILALA sa mga mamamahayag ang bagong talagang Acting President at Chief Executive Officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) at ayon sa kanyang pahayag sa harap ng mga media partners ng ahensya marami umanong magbabago sa kanyang pamamalakad kaiba sa kanyang pinalitan na si Dr. Edwin Mercado na ngayon ay ang Kalihim ng Department of Health (DOH), ngunit aniya marami ding mga programa ang kanyang ipagpapatuloy.
Sa ginanap na Media Meet & Greet with the new PhilHealth Acting President and CEO, ipinakilala ng ahensya nitong August 20 2026 si Dr. Beverly Lorraine C. Ho sa punong taggapan nito sa lungsod na ito kasunod ang kanyang paglalahad ng mga prayoridad at dirksyon ng ahensya sa ilalim ng kanyang pamumuno pati ang mga katanungan at isyu ng mga mamamahayag patungkol sa PHILHEALTH.
Bukod sa mga mamamahayag kabilang din sa mga dumalo ay ang mga opisyales ng ahensya at mga kawani


