
“SANA twing may magse celebrate ng birthday imbes na mag blow out sila magtanim na lang ng isang puno ng niyog” ito ang bahagi ng panayam kat Philippine Coconut Authority Administrator Dr. Dexter Buted kasabay ng ginanap kamakailan na Coconut Stakeholder’s Congress at COINS Awards 2026 na ginanap sa Reception Hall ng Philippine International Convention Center sa Pasay City nitong September 11 2026.
Itoy bahagi ng kanyang pagpapaliwanag tungkol sa pagpapalakas ng industriya ng niyog sa bansa kaakibat ng ating pakikipag sabayan sa mga bansa kung saan ang mga produktong buhat sa niyog at napakarami na at isang malaking kabuhayan para sa mga magsasaka.
Sa panimula ng Coconut Stakeholder’s Congress pinangunahan ang panalangin at pag awit ng pambansang awit ng mga mangaawit buhat sa Philippine Normal University kasunod ay ang pagbating pananalita ni Roel M. Rosales, ang Deputy Administrator ng Philippine Coconut Authority Operations Branch kasunod ay ang Session 1 o The CEO’s Report on Philippine Industry at a Glance at dito nabanggit ang kalagayan ng industriya ng niyog sa bansa at ang mga pangangailangan nito akma sa kasalukuyang panahon.


Samantalang sa Session 3 naman ibinahagi ni Mr Roel M Rosales na Deputy Administrator ng PCA Operations Branch ang tungkol sa kanilang Flagship Productivity Programs Driving the Philippine Coconut Industry Forward habang sa Session 4 na ibinahagi ni Dr Annabelle Francisco ang Deputy Administrator ng PCA Research and Development Branch ang tungkol sa kanilang PCA Research Agenda Research Priorities for a Resilient Coconut Industry kasunod ay ang Plenary Discussion na ala fire side chat kung saan tumanggap ang mga speakers ng mga katanungan ukol sa kanilang ibinahagi mula sa mga stakeholders.
Na sinundan naman ni Dr. Dexter Buted, Administrator and Chief Executive Officer ng Philippine Coconut Authority sa kanyang pagpapakilala sa kanilang keynote speaker na si Cabinet Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. at sinundan agad ng Session 2 patungkol sa Advancing the Philippine Coconut Industry under the Coconut Farmers and Industry Development Plan o CFIDP na ibinahagi ni Dr Aldrin A Darilag ang Department Manager ng PCA Program Management Office;


Habang sa kanilang Session 5 kung saan inihatid ni Dennis Famadico ang 2026 Gawad Saka Awardee mula sa Kabasalan Zamboanga Sibugay ang tungkol sa Growing Beyond Farming Building a Sustainable Coconut Agribusiness habang Future Proofing the Philippine Coconut Industry naman sa Session 6 buhat kay Engr Rosella B Villaruel ang Department Manager ng Trade and market Development Department ng PCA.
Sa Plenary discussion kanilang pinag usapan ang mga presentasyong inolahad sa sessions 5 at 6 at ang kahalagahan ng mga ito sa industriya ng niyog sa bansa kaugnay nito naman ang mga katanungang ibinato ng mga stakeholders, Pinangunahan ito ni Ms Aurora Paquibot, ang Regional Manager ng PCA Region VII.
Sa aming naging panayam sa maikling pagmamasid sa kalagayan ng industriya ng niyog sa bansa aming napagtanto ang malaking potensyal ng nasabing punongkahoy na maging isang malaking industriya sa bansa hindi lamang sa langis, sa cosmetics at pharmaceuticals, sa gamot at mga gamit pang disaster resiliency gaya ng coco net atbp., coco tiles at coco bricks na ngayon ay ipinag iibayo ng China sa bahagi ng konstruksyon at industriya, sobrang dami ng produktong makukuha natin sa puno ng niyog at ang Philippine Coconut Authority ng Department of Agriculture ang pangunahing ahensyang malaki ang maitutulong para mapaunlad ang kabuhayan ng mga magtatanim ng niyog at ang buong industriya sa pangkalahatan.
